Sa unti- unting pagbuhos ng ulan at pag- ihip ng hangin ay maririnig mo ang isang matamis at napakagandang tinig na nagdadala ng iba't- ibang emosyon sa sinumang makaririnig.
Amazing Grace, ♪♪
How sweet the sound ♪♪
That save a wretch like me. ♪♪
Kasabay ng pag- awit ng tinig na ito ay maririnig mo rin ang lagaslas ng mga dahon mula sa mga nagsasayawang puno, at huni ng mga ibon na animo'y nakikisabay sa pag- awit ng magandang tinig.
Sa kabilang banda naman ay makikita mo ang bulto ng mga tao na nakasuot ng itim habang dahan- dahang naglalakad, patungo sa lugar kung saan pawang mga naka-ukit na pangalan lamang sa bato ng mga 'pantay ang mga paa' ang makikita.
Ito ay ang tinaguriang 'himlayan.'
Ang tirahan ng mga taong lumisan na at nasa iba nang mundo.
I was once lost ♪♪
But now am found ♪♪
Sa bawat pagpatak ng ulan ay pabigat nang pabigat din ang kanilang ginagawang paghakbang.
Sa unti- unting paglapit nila sa maituturing na isang mapait na katotohanan, ay tuluyang nang bumagsak ang mga luhang pinipigilan ng bawat isa sa kanila.
At kung titingin ka naman ng diretso sa mata ng mga ito ay iisang salita lamang ang mababasa mo.
Ito ay 'kalungkutan'.
Was blind, ♪♪
But now I see ♪♪
Kalungkutan nga ba sa pagkawala ng kanilang mga minamahal?
Kalungkutan ba dahil sa malagim na sinapit ng mga taong ngayon ay pawang mga nakapikit na't malamig na ang pangangatawan at hindi na kailanman makakalaban?
Kalungkutan dahil sa naging mga pabaon nito mula nang sila ay lumisan?
O kalungkutan dahil sa kawalan ng hustisya?
BINABASA MO ANG
The Missing Piece (UNDER MAJOR REVISION)
ActionGenre: Action/Mystery/Thriller Most Impressive Ranking: #2 on government [08/26/18] Lahat ng tao ay may mga nawawalang piraso tungkol sa kanilang pagkatao. Yung iba ay natagpuan na, samantalang yung iba naman ay magsisimula pa lamang. Pero paano ku...