SOPHIA
"S-so let me call on M-miss Alexine Bernardino." blangkong tawag ni sir na halatang hindi pa nakakarecover mula sa sobrang gulat nang dahil kay Stepan!
Sino ba naman ang hindi?!
Kay gwapong lalaki pero akalain mo yun?! Lalaki rin pala ang hanap! The world is really full of surprises! Sigh.
"That's me!" matinis na sigaw naman nang isang babae habang naglalakad papunta sa harap
Kung kanina ay halong pagkamangha at gulat ang naramdaman ko nang makita ko sina Tracy at Stepan. Ngayon naman ay nakakaramdam ako ng inis nang marinig ko palang ang tinig na yun. Call me judgmental or what! But I can sense that she's not that kind. And seems like my hunch is right! At mukhang hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito.
"Bakit ata mukhang may panibagong 'bitch' na naman ang dumagdag sa populasyon natin?" asar na komento ni Chloe pero nanatili nalang akong tahimik habang pinagmamasdan kong mabuti ang babaeng nasa harap namin ngayon. Bored na nakatingin ito sa amin ngayon habang nakalagay ang dalawang kamay sa ilalim ng baba nito.
'Alexine Bernardino'
"Can you tell us about yourself?" mahinahong tanong ni sir dito pero imbes na sagutin nito si sir ay inirapan nalang nito. The heck? What was that for?
"What a bitch!" nang- gagalaiting usal naman nitong katabi ko na mukhang manununtok na dahil sa higpit ng pagkakasara ng mga kamao nito. Tsk tsk.
"Calm down Chloe." pagkakalma ko rito
"Paano ako kakalma bes?! Samantalang nagawa niya pang irapan si Sir! Eh samantalang ako?! Ni hindi ko man lang magawang tingnan si sir ng diretso sa mata!"
Hindi naman ata problema nang Alexine na yan kung hindi niya magawang makatingin ng diretso kay sir! Pati sarili niyang problema nagawa pang isisi sa iba!
"LISTEN UP!!"
Sabay kaming napatingin ni Chloe sa harap nang bigla itong sumigaw.
"Narinig niyo naman diba kung ano ang pangalan ko, so hindi na ako mag- aaksayang ulitin pa ito. Hindi ko na rin kailangang sabihin sainyo kung saan ako magaling. Dahil baka maiyak lang kayo." taas noong sabi nito. Halos lahat kaming estudyante sa loob ay naasar sa sinabi nito.
"What's with the reaction? Don't tell me na hindi kayo nanood nong performance ko? Tsk tsk. What a pity. You missed out an amazing opportunity."
Opportunity? What the hell is she talking about?
"At least kung nanood kayo, may natutunan man lang kayo sa akin." iling- iling na dugtong nito
BINABASA MO ANG
The Missing Piece (UNDER MAJOR REVISION)
ActionGenre: Action/Mystery/Thriller Most Impressive Ranking: #2 on government [08/26/18] Lahat ng tao ay may mga nawawalang piraso tungkol sa kanilang pagkatao. Yung iba ay natagpuan na, samantalang yung iba naman ay magsisimula pa lamang. Pero paano ku...