TMP# 2 "Mini Play"

79 3 0
                                    

SOPHIA




*BLAG*




"N-no! Huhuhu. Nagalit na si Sir Raymundo my labs! Huhu. Waah!" napangiwi naman ako agad sa mga sinabi ni Chloe. 

Muli akong napatingin rito. 

Hindi ko alam kung tatawa ba ako dahil sa itsura nito ngayon. Nakaharap kasi ito ngayon sa pinto na malakas na sinara ni sir kanina, habang panay ang hikbi at nasa ere pa ang kanang kamay. Pilit nitong inaabot ang doorknob at kapag malapit nang maabot nang kamay nito ay bigla nalang nitong babawiin. Tss.

"Cut it out will ya?! You look stupid!!" hasik ko rito matapos nitong gawin ito ng paulit- ulit

"Alam mo kanina ka pa! Nakakainis kana!!" asar na sagot nito habang tinuturo turo ako pero tinaasan ko lang ito ng isa kong kilay

"Wala ka ba talagang konsensya?" walang pakundangan na tanong nito

Eh?

Ano naman ang kinalaman ng konsensya ko?

"Anong pinagsasabi mo?" kunot- noong tanong ko rito at halatang nagulat pa ito sa narinig. 

"Hindi mo alam?










HINDI MO ALAM ANG GINAWA MO?!"

Agad naman akong umiling sa akusasyon nito.

Ano ba ang ginawa ko?

Maliban sa pagiging honest... 







wala na akong ibang maalala na may ginawa pa ako. 

"Hah! Dahil sayo! DAHIL SAYO!! Pumangit na ang reputasyon ko kay sir!"

Eh?!

Ano na naman ang kinalaman ko dun?! Tyka isa pa! Paano papangit ang reputasyon niya kung simulat simula ay para lang naman siyang hangin kay sir na napadaan lang?

"P-paano pa ako magugustuhan ni sir?! B-baka iniisip niya na ngayon na i-isa akong nagrerebeldeng estudyante?!! WAAHHH!! My reputation is ruined!!" hysterical na sabi nito saka napasabunot sa sarili niyang buhok

"Ouch!" reklamo nito ng mapalakas ang sabunot sa sarili

I don't know if her brain just malfunctioned or she's just utterly stupid?!

"This is all your fault!!"

Aba~!! Iba rin!

Manisi ba naman ng ibang tao?!

Hindi ko naman ata kasalanan na sabunutan niya ang sarili niya at masaktan siya dahil sa sarili niyang katangahan?

Why would she blame me?!

The Missing Piece (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon