TMP #1 "News"

91 4 0
                                    


"H-hey! Have you heard the news?!" hingal na hingal na tanong ng isang babae na may mahaba at pulang buhok sa isang grupo ng mga estudyante habang hawak hawak nito ang kanyang dibdib at mabigat ang bawat paghinga na animo'y sumali sa isang marathon.

"Huh? Anong balita? May patayan na naman bang naganap?'' matawa- tawang sagot naman ng isang babae na may maikli at berdeng buhok habang panay ang subo nang samot- saring chichirya na nakalatag lang sa lamesa

"Pfft. Patayan? Oy! Oy! Oy! Wala nang bago dun." kaswal na sagot naman ng isang lalaki na puno ng piercing ang magkabilang tenga habang napahagikhik nalang ang mga kasamahan nito

"Tama! Mas nakakabigla pa nga ngayon kung may nahuhuling kriminal." nakangising saad ng isa pang lalaki na hindi man lang inalis ang kanyang paningin sa cellphone na hawak hawak na animo'y ito ang pinaka- magandang bagay na makikita sa buong mundo.

Kung ibang tao ang makakarinig sa pinag- uusapan ng grupong ito ay masasabi nilang wala na sa tamang pag- iisip ang mga ito dahil sa ginagawa nilang pagbibiro patungkol sa mga naglalabasang isyu ng pagpatay. Mapa sibilyan man ito o kilalang tao.

"Ugh! This is more important and all of y-you won't even believe this!!" asar na reklamo nang babaeng may pulang buhok saka padabog na naupo sa upuan sa tapat naman ng babaeng may berdeng buhok

"Relax will ya? Nanalo ka ba sa lotto? Penge namang balato riyan! Haha." muling sagot ng lalaki na wala pa ring tigil sa kakapindot ng kung ano- ano sa kanyang cellphone

"Magseryoso naman kayo!" saway ng babae sa kanyang mga kasama na para bang walang interes sa kung ano man ang ibabalita nito

"W-what? Can't you see that were serious?" sagot ng babaeng kaharap nito pero wala sa mukha nito ang nagpapakita na gusto nitong makinig

Napabuga naman ito ng hangin habang pinagmamasdang mabuti ang mga kasama niya na ngayon ay may sari- sarili na namang mundo.

Napa iling- iling muna ito dahil sa mga reaksyon ng mga kasama bago ito muling nagsalita.








"M-mr. Tan was killed last night along with his maids and personal guards."


"Wait. W-what?!"

"The fuck?!"

"Seryoso?!"


Napa- irap na lang ang babae dahil sa iba't- ibang reaksyon mula nang narinig ang mga salitang binitiwan niya. Na kani- kanina lang ay hindi man lang magawang magseryoso, at kulang nalang ay ang ipagtabuyan siya ng mga ito. Pero ngayon ay mapapangisi ka nalang dahil sa mga naglalakihang mata nito at mga naka- awang na bibig.

"H-hindi ba si M-mr. T-tan ay isa sa sikat na businessman sa buong Asia?" paninigurado ng lalaking may piercing at napatango nalang ang babae rito bilang sagot

"B-bakit daw ba siya p-pinatay?!" gulat na tanong ng isa pang lalaki na nakatuon na ngayon ang atensyon sa sinabi ng babae at hindi na sa hawak hawak niyang cellphone

The Missing Piece (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon