03

45 10 0
                                    

Weeks had passed at nakakapagtaka ang katahimikan sa bahay. Hindi naman sa hindi ako sanay na ganito katahimik, parang iba lang ang ihip ng hangin ngayon. At ang last interaction pa namin ay iyong nakaraang linggo pa.



Mukhang sobra siyang nag pakapagod sa business niya at nakalimutan na yata niyang may anak pa siya. Tch.



Saturday ngayon at wala akong magawa kun'di mag mukmok lang dito sa bahay. Wala ang kotse ko dahil kinuha ulit 'yon sa akin ni Mom. Reasonable naman dahil wala pa akong license, student license oo.



Malapit na ang Christmas at New Year, ibig sabihin non may sem break na kami. Yun lang naman ang hinihintay ko e, ang magkaroon kami ng sem break. Mabuti na lang at may inspiration akong pumasok kaya hindi na ako tinatamad.



Agad akong napatayo nang ma realize ko na malapit na pa lang mag Christmas pero hindi ko pa rin alam ang name niya! Sabi ko sa sarili ko go with the flow lang, bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang name niya?!



Nag send ako ng message sa group chat namin. Kaming apat lang 'yon nila Miles. Pag tingin ko, three hundred mahigit ang mga chat nila. Ang dami! Nakakatamad mag back read!



leejade:

hi gois.. kmxta kau ngaun??..



Natawa ako dahil paniguradong mag iinit na naman ang ulo ni Miles sa sinend kong message. Ayaw na ayaw niya yung gano'n kong typings, cute kaya!



Wala pang ilang minuto nang mag seen silang lahat. Kaya pala ang dami kong unread messages dahil sa mga 'to e, mga active sa Instagram!



Hindi na ako nag seen pa nung makita kong nag message na si Miles. Lalaitin lang din naman ako non e.



I was going to put down my phone when an idea suddenly crossed my head. Tama! Bakit hindi ko agad naisip 'yon?



Pinindot ko ang search bar button pero nung mag ta-type na sana ako ng name ay doon ko lang na realize na hindi ko pala alam ang pangalan niya.



“Aish! Ang tanga naman!” Inis kong saad sa sarili ko at binaba ulit ang cellphone ko.



“Wait, baka si Kamila mayroon Instagram?” Pagkausap ko sa sarili ko at kinuha ulit ang phone ko.



I already saw her last name somewhere kaya nadalian lang ako sa paghahanap since hindi naman iba ang name na nilagay niya.



Kamila Tolentino. Ang dami niya ring followers. Yung instragram post niya puro mga libro, halatang pala aral e. May iba rin naman galing ibang place but her one post caught my attention.



Reunited with this girl” Iyon ang caption ng post niya. Picture iyon ng dalawang babae na nakatalikod sa camera habang parehas na nakaheart shape gamit ang parehas nilang kamay. Halatang gabi na dahil naka flash lang ang camera at wala na rin ibang makita bukod sa suot nilang jersey.



My head hurts after seeing that photo. Ibinaba ko na lang ang phone ko dahil bigo rin akong mahanap yung instragram niya.

An Uprising Of Love Where stories live. Discover now