13

68 13 0
                                    

"Kaylee, faster! We're late!" Miles shouted from downstairs. Mas binilisan ko pa ang ginagawa ko dahil late na nga kami. Pagkatapos kong isuot ang sapatos ko ay kinuha ko na agad ang bag kong naka sabit sa likod ng pintuan bago nag madaling bumaba.


"Ang tagal mo!" Reklamo niya nang nakitang pababa na ako.


"I know! Huwag ka nang magreklamo because we're late!" Sumabay lang ako sa kaniya dahil wala ang driver ko.


Pagdating ko sa university, humiwalay agad ako kay Miles para pumunta sa club. Hindi na ako makakapasok sa room para mag attendance. Pagkarating, nakita ko na agad sila Kuya Jerry na naghahanda. Kami ang magiging unang performer para mamaya. Kailangan naming mauna sa stage kasama ang iba pang banda.


"You're late, Kaylee. Nakapag practice kami kanina while you're still not here. Nag practice ka naman sa inyo, right?" Iyon agad ang tanong sa akin ni Kuya Jerry. I had to lie dahil baka magalit siya. Hindi talaga ako nag practice kagabi. I stayed up all night playing my PS5, which is why I'm running late earlier.


"Yes kuya.." Binilisan ko na lang din ang pag-aayos ko para hindi na nila ako hintayin pa ng matagal.


"You lied, didn't you?" Kuya David whispered. He's teasing me na naman. Inirapan ko lang siya dahil kilala niya naman ako! Mabuti nga at naniwala sa akin si Kuya Jerry.


"Don't tell this to anyone kuya. Lagot talaga sa akin ang flowers mo." Bulong ko pabalik.


"Ako pa talaga ang na blackmailed, grabe!"


The ceremony started a minute after our arrival. Our dean initiated the proceedings by expressing gratitude to the students and those who contributed to the university's development. He then introduced important guesses to us. I got bored with his speech. I scanned the crowd for my classmates, specifically searching for Yvxia. Hindi ko pa siya nakikita simula pa kaninang umaga.


Mabuti na lang at dance sport ang unang nag perform kaya agad akong umalis sa pwesto namin para pumunta sa classroom. Gusto ko siyang makita, e. Binilisan ko lang dahil kami na ang susunod pagtapos ng dance sport. I'm sure that Kuya Jerry will likely scold me later for leaving without informing him.


"Why are you here? Next na kayo after the dance sport, right?" Tanong agad sa akin ni Zoe. Finalizing na lang ang ginagawa nila. Marami na rin ang tao kanina nung pumasok ako.


"Yes, why? Manonood ba kayo?" I asked. Alam ko namang hindi sila makakapunta dahil busy sila mag handle ng booth and I understand that. May last performance pa naman kami.


"Baliw, hindi pwede." She let out a chuckle bago ako talikuran at gawin ang ginagawa niya kanina.


"Miles, where's Yvxia? Nakita mo ba?" Siya na lang ang tinanong ko dahil tinalikuran na ako ni Zoe, tch! Nakaupo ako sa teachers table while he's fixing the card. Hindi ko alam kung ano 'yon pero I think mga question iyon na connected sa booth.


"Wait, tingnan ko sa bag ko." Formal niyang sabi. Umawang ang bibig ko nang lumapit pa talaga siya sa bag niya at binuksan iyon para tingnan. He even gave me a disappointed look before heading back in my direction.


"Wala e," He sounded so sad!


"Fuck you, Miles! Kung alam ko lang na tatarantaduhin mo ako hindi na lang sana kita tinanong!" Inis na sabi ko. He just smirked at me. Dahil sa inis ko sa kaniya ay ginulo ko ang kanina niya pang inaayos na card. Now it's my turn to piss him off.


"Hey! That's not fair!"


"Neknek mo fair!" I raised my middle finger at him before turning my back. I was shocked when I saw Yvxia in front of me! Did she see that?


An Uprising Of Love Where stories live. Discover now