Kabanata Uno

806 23 14
                                    


Naglalakad na kaming papalabas ng hospital. At sa buong isang oras na pag-uusap nila ni Kristelle, nakatulala lang ako. Kahit no'ng sinasali nila akong dalawa sa usapan.Nakakainis talaga. Ang epic! I looked like a moronic!!

"Uy! Nakatulala ka na naman, pansin ko kanina ka pa nakatulala ah. Nalipasan ka na ba ng gutom?"
Pinatunog ni Kristelle ang kanyang kotse.

" Masasabunutan kitang babae ka!!" I screamly said.

Nagulat siya sa biglaan kong reaksyon " Huh? What? But why naman?"

"You didn't told me first na si Doctor Denzel pala ang kikitain natin dito!" Wala sa sariling nasabunutan ko ang aking buhok, mukha na talaga akong tanga. Mababaliw na yata ako!

" Oh? What's the matter, be?" Napakunot ang makinis niyang noo ngunit agad din napalitan iyon ng multong ngisi. Hindi kaya, no way!

"Akala ko nagkamali lang ako ng nakita e. So, totoo pala na si Denzel ang wallpaper ng phone mo?" At tuluyan na niya hindi naitago sa akin ang kanyang ngisi. Wari'y nanunukso.

No more lame excuses, Xyr. Napalunok ako. I sighed. " Oo na, Oo na. How the hell did you see that?" I asked.

" No'ng sa simbahan pa lang, tumunog kasi ang phone mo e. Hindi ko naman sinasadyang mapatingin at makita si Doc Mondragon ang wallpaper mo. Crush mo siya no? Yiee!" Sinusundot-sundot pa niya ako sa aking tagiliran

" Heh! Oo na pero secret lang natin 'yon ah, saka matagal na 'yon. Siguro, bumalik lang nang nakita ko siya kanina. Kainis ka kasi!"

Natawa na naman siya sa reaksyon ko " Well, sorry okay saka nangyari na,e. At ayaw mo ba no'n? Nakita mo na ng personal ang iyong long time crush." She playful said.

Pinipigilan kong hindi mangiti kahit totoo naman ang sinasabi niya. Pero tampo pa rin talaga ako sa kanya.
" Heh! Magtigil ka, Chu! Chu! lumayo ka sa akin!"

Nawala ang nanunuksong niyang ngiti. Sumeryeso ang kanyang ekspresyon. " Kaya lang be, I'm sorry to say this. May girlfriend na si Denzel."

Nagulat ako pero hindi ko pinahalata sa kanya. Pinaramdaman ko ang aking nararamdaman, okay lang sa akin. Lagi naman ganoon kung si Daniel nga may long time girlfriend na si Kathryn. Si Doc Denzel pa kaya? At Masaya ako sa kanya sa dalawang taon ko siyang ini-stalk sa facebook niya wala siyang pino-post about sa girlfriend niya.

Well, dalawang taon ko na rin palang hindi binibisita ang account niya. At saka 26 years old na siya, tama lang na magkaroon na ng love life si Doc Mondragon. Masyado kasi siyang seryoso sa buhay kailangan naman niyang sumaya and finally, he found his own happiness.

" Natahimik ka d'yan, be. Don't tell me.." I interrupted her.

"No, mali ka nang iniisip, Telle. It was just a simple crush. I was just admiring him. Ang husay niya kasing doctor right?" I honestly answered.

" Oo naman, totoo 'yan. Kahit madalas tapos na ang duty niya. He's always has a time to helping others."

Napakunot ang aking noo " Nagtataka lang ako. Mukha kasing matagal na kayong magkakilala."

She smiled. " Oo naman, ang pinsan ko kasi ang girlfriend niya."
Napatango na lang ako, kaya naman pala.

"But don't worry, be. Magiging close mo rin si Denzel,madali lang naman siya maging ka-close. Saka down to earth ang taong 'yon, makikinig siya sa mga k'wento mo kahit ano pa ang ipaksa mo. Makikinig siya sa'yo." paninigurado niya sa akin.

Napatango na lang ulit pero wala akong kasiguraduhan sa tinuran niya. Hindi na ako aasa. Since then, mataas na ang tingin ko sa kanya. Kaya nga, nakuntento lang ako noon sa pag-stalk sa kanya. I was content admire him from afar.

For The Love of Agape(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon