Humikab ako nang ilang beses bago ko binalik ang tingin sa laptop. Napatingin ako sa gilid ng screen, magku-quater to ten na pala. Kaya pala kumakalam na ang tiyan ko.
Tumunog ang cellphone ko.
20 new messages from Denz Mondragon
Huminga ako nang malalim at binalik ko ang tingin ko sa laptop. Nagsimula muli akong magtipa.
Masaya naman ang pamamasyal namin sa Enchanted Kingdom, katunayan buong maghapong naka-ngiti si Choco. Hanggang sa pag-uwi 'di nawawala ang kasiyahan na pinapakita ng kanyang mata. Matapos namin sakyan lahat ng gustong rides ni Choco. Sa jollibee kami kumain dahil doon gustong kumain ng bata. Naging masaya ng araw na iyon. Binili ko na rin ng advance gift si Choco dahil hindi ako makakapunta sa kaarawan niya.
Isang buwan na lang kasi ang binigay na palugit sa akin ng editor-in chief namin. Kung hindi pa ako makakapagsumite ng bagong kuwento, bababaan niya ang aking suweldo. Just what the hell!
Palibhasa kasi bitter ngayon 'yon. 'Aba naman nakipag-break sa kanya ang boyfriend niya. Dahil hindi na makayanan ang ugali niya. Masyado kasing seryoso sa buhay. ' Ni hindi ko nga iyon nakikitang ngumiti.
Natawa ako.
Nababaliw na yata ako, mukhang nalipasan na ako. Makakain na muna nga. Konti na lang matatapos na ako sa pagpo-profread. Mase-send ko na 'tong story ni Kristelle kay Madam Bitter.
Sinara ko ang aking laptop, kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Ilang araw na kasi akong puyat. Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito.
Denz's Calling
Ang kulit ng doctor na ito! Hays. Tumigil sa pagtunog ang phone ko pero tumunog sa panibagong text. Ano pa nga ba? Edi siya na naman!
Napairap ako sa kawalan. Sinabi ko na sa kanya na magiging busy ako. Hindi ko lang nasabi na matatagalan ako. At saka nawe-weirduhan ako sa mga kilos niya pero kasi napatunayan ko naman na mali ang hinala ko.
No'ng aksidente kong nakabungguan sa Mall si Shanna Chu. Denzel's girlfriend. Nagulat na lang ako na kilala niya pala ako. Kaya naman pala, Denz's told to her about me. She invited me na magkape sa Starbucks. At first, gusto ko siyang tanggihan dahil bukod sa ngayon lang kaming nagkitang dalawa. Naiilang ako sa kanya. She is a freelance model. Kaya pala sobrang ganda niya. At ganda rin ng hubog ng katawan, halatang inaalagaan. Mas halatado na nasa tamang tao.
May pagkaarte nga lang siya na magsalita pero all in all mabait naman si Shanna. Actually, before we parted away sa Mall —she invited me sa kaarawan ni Denzel.
Kaya lang nagtataka ako sa sinabi ni Kristelle, no'ng maikuwento ko sa kanya na nakausap ko na ang kanyang pinsan.
"Mabait naman siya e, kaya lang hindi kami masyadong close. The truth is mas close ko pa nga si Denzel kaysa sa kanya. Duh! Ang arte kaya no'n!" She just said.
Pero binalewala ko kasi hindi naman ganoon ang pakikitungo sa akin ni Shanna. Finollow pa nga niya ako sa Instagram.
Anyway, isang buwan na kaming hindi nagkikita or nag-uusap ni Denzel. No answering calls and texts. You see kanina pa siya text nang text sa akin. Tumawag pa siya. Hindi ko aakalain sobrang kulit pala niya. Bukas ko na lang sasagutin ang mga texts niya.
Tumunog muli ang phone ko but this time not Denz. Si Kristelle ang tumatawag.
Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag niya. Napabuntong-hininga ako, dinampot ko ang aking nagri-ring na phone saka ako lumabas ng kuwarto.
BINABASA MO ANG
For The Love of Agape(Completed)
RomanceIka nga sa liriko na kantang Tadhana, " Sa hindi inaasahan, pagtatagpo ng mga mundo...." Matagal nang hinahangaan ni Xyrra Love si Denzel Smith Mondragon. Dahil malaki ang puso ng lalaki upang tumulong sa mas nangangailangan ng serbisyo -bilang isan...