Kabanata Siyete

617 22 19
                                    

Kung hindi ka kikilos wala mangyayari sa iyo, hindi naman palaging kay Tadhana mo na i-asa ang lahat. Tapos kapag umasa ka, si Tadhana pa rin ang iyong sisisihin. Hindi naman sa iisang tao lang na umiikot ang mundo nito.

Marami tayo.

Kaya dapat kumilos tayo, 'yon bang naaayon sa tama. Hindi naman kailangan perpekto ang lahat, okay na 'yong ayos lang. Atleast, kuntento ka sa mga bagay na meron.

Pero akala ko kasi puwede na. Ayos na. Akala ko lang pala iyon, hindi mo naman kasi hawak ang kapalaran, it's just that what I mean is, if you need to play with destiny, then do it! Kahit walang kasiguraduhan atleast you really tried. Kahit makatanggap ka ng failure. And you should also accept that....kahit masakit.

I'm so confused and I hate this kind of feeling. Is that the punishment for all the happiness I have? But I just want to be happy!

" Woi guys! Una na ako ha, baka hatinggabi na ako makauwi ng Bulacan. Mukhang traffic pa naman." Agaw pansin ko sa aking mga ka-trabaho.

" Ingat ka, Xyrra!" Sabi nang iilan. Ang iba'y nginitian ako.

" Ingat rin kayong lahat." I answered.

At tuluyan na nga akong lumabas ng opisina. Mabuti na lang at hindi ko nadala ang kotse ni Ate 'pag ganitong traffic -tinatamad na akong mag-drive.

Nag-swipe ako ng ID sa biometric monitor. Then, tumungo na ako sa elevator. Nang makasakay sa loob, kinuha ko ang aking phone sa bag.

50 new messages
20 miss calls

Napabuntong-hininga ako nang malalim saka ko binalik ang aking phone. It's already 8 o'clock in the evening dahil traffic nga, paniguradong makakauwi ako by 10 pm. I think?..

Napahinto ako.

Nakita ko si Denzel na nakasandal sa kanyang tesla, hawak niya ang kanyang phone. Hindi ko na sana siya balak tawagin kaya lang, napansin niya agad ako. Napatuwid siya nang tayo, hindi niya alam kung lalapit ba siya sa akin o hindi. Pero sa huli, naglakad pa rin siya papalapit sa puwesto na kinatatayuan ko.

I sighed.

" Kanina pa kita tinatawagan, hindi mo sinasagot. Panay text ko rin sa iyo, walang kahit isang reply mula sa'yo." Medyo iritado niyang bungad na sabi sa akin.

Umirap ako sa kanya.

" Tell me, anong problema? May problema ba tayo? Last kita natin no'ng nagkasakit pa si Choco, okay pa tayo no'n ah. But then, isang buwan na ang nakalipas hindi ka na nagparamdamam sa akin. No answering texts and calls!"
Napasabunot siya sa kanyang sariling buhok.

Humarap ako. Nagsisimula na rin akong mairita sa kanya.

" You think meron nga ba? Why don't you ask yourself?" malamig ang aking tono ng sinabi ko iyon.

Natigilan siya sandali. Hinawakan niya sa aking balikat.

" Hey, baby. Look at me, sorry okay? Kahit hindi ko talaga alam kung ano kinagagalit mo. But please, huwag naman ganito tayo.."

Nagsusumamo niyang sabi. Tinanggal ko ang nakadantay niyang kamay sa aking balikat. At saka ko siya tinalikuran.

Medyo namutla siya.

" Umuwi ka na, hindi ako sasabay sa'yo." I said coldly.

Nakita ko ang agad niyang pag-iling. " No, let's talk!"

Sinusubukan niya akong iharap sa kanya ngunit nagmatigas ako.

" Saka na tayo mag-usap dalawa kapag inamin mo na sa akin. Kung ano ang ginawa mong kalokohan, Mondragon!" singhal ko sa kanya.

For The Love of Agape(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon