Kinabukasan, hindi ko natupad na magte-text ako kay Denz. Hirap na hirap ako bumangon, ang init ng mga mata ko. At sobrang sakit ng ulo ko. God! Epekto ito ng ilang araw kong pagpupuyat. But atleast, nasumite ko na kay Madam Bitter bago pa ako dapuan ng sakit. Lumabas ako ng kwarto ko kahit nahihilo ako. Pota talaga! Ayaw na ayaw ko talaga na nagkakasakit ako." 'Nay!"
I went out of my room. Bumungad sa akin si Nanay na may dalang kape at tinapay. Kumunot ang noo ko, may bisita ba kami?
" Oh anak! Mabuti at gising ka na. May bisita ka"
"Po?"
Nagtataka niya akong pinagmasdan.
" Namumungay mga mata mo ah. May sakit ka ba 'nak?"
Napatuptop ako sa aking noo " Palagay ko nga po 'Nay. Ang init po nang pakiramdam ko e"
" Tamang-tama ang niluto kong sinigang ngayon. Iinitin ko muna para makakain kana at makainom ka ng gamot. Kakapuyat mo iyan sa trabaho. Kung ba't ba naman kasi sobrang kang pine-presurred ng boss mo. Ay teka dalhin ko na ito sa bisita mo." aligaga niyang saad.
I frowned. Bisita ko? Sumunod ako kay Nanay sa sala
" Oh iho.. magkape ka na lang at tinapay. Ayaw mo kasing kumain e." rinig ko ang hinging paumanhin ni Nanay sa bisita ko raw.
" Nag-abala pa po kayo, Tita. Salamat po." ani ni Mondragon.
Tangina! Anong ginagawa niya nang ganito kaaga rito sa bahay? Lalong sumasakit ang ulo ko.
" Nga pala, gising na si Xyrra Love kaya lang wrong timing ang pagpunta mo, Iho. Nilalagnat.." Si Nanay ulit.
Nagpakita na ako sa kanila, napatingin sila sa akin. Agad lumapit sa akin si Nanay at hinipo ang aking noo.
" Aba'y inaapoy ka nga ng lagnat, anak!Kailangan mo nang uminom ng gamot. Teka, iinit ko lang 'yong sabaw. Maiwan ko muna kayo." nagmamadaling niyang sabi.
Umupo ako single sofa. Ang taas nga nang lagnat ko. Sobrang hilong-hilong na ako. Napatalon ako nang dumampi ang kamay niya sa may gilid ng leeg ko.
" You are burning with fever..." nag-aalala niyang sambit.
Rinig ko ang pagkaantok sa kanyang boses. Don't tell me sa b'yahe na siya natulog?
Hinawi ko ang kanyang kamay.
"What are you doing here at this early, Denz? Mukhang may hang-over ka pa. Tapos nag-drive ka pa!" singhal ko sa kanya.
Napahawak ako sa aking sentido, nang naramdaman kong pumipintig iyon. Pati pagsasalita ko nakakaapekto sa sakit ko. My gosh!
Napatayo siya nang tuwid saka huminga nang malalim " I just wanna talk with you..." Mahina niyang saad.
Nanghihina akong sumandal sa sofa " I told you last night, ite-text kita ngayon. Ang tigas ng ulo mo. Ewan ko sa'yo.." napapikit ako.
" I don't want us to talk on the phone. Ang bagal mong mag-reply!" Pagrereklamo niya.
Napataas ang kilay ko sa aking narinig.
" Umayos ka nga nang upo mas lalo kang mahihilo n'yan!" He preached.
" Sorry po, Doc. Tangina ang sakit ng ulo ko!" I cursed softly.
" Yang bibig mo talaga, Xy!" He groaned and preached more.
I smirked. " Sorry po ulit, Doc"
Huminga siya nang malalim " It's probably hindi kita makakausap nang maayos dahil may sakit ka. Babalik na lang ako ulit dito bukas"
Napadilat ako.
" Ba' t babalik ka pa bukas? Ngayon na tayo mag-usap na dalawa"
" Para matignan na rin kita, dadalhin ko mga gamit ko bukas. Kapag hindi pa rin bumaba ang lagnat mo bukas, dadalhin na kita sa hospital."
Napatayo ako dahil do'n " Ang kulit mo talaga, Mondragon!" Nahilo agad ako, inalalayan niya ako kaya lang kumalas ako.
" Kagabi pa ako naiinis sa'yo, hindi ka naman mukhang nakainom. Pero mukhang wala namang pinagkaiba lasing ka man o hindi. Sobrang tigas ng ulo mo pa rin. Para ka talagang bata, bahala ka na nga!" I shouted at him.
Uupo na sana ako ulit kaya lang hinapit niya ako sa bewang, no not again.
Kahit nanghihina ako, pumalag ako sa pagyakap niya." Stop moving, Love... Mapapagod ka lang.." He sleepily whispers to me.
Nanindig ang buhok ko sa buhok.
" Let go of me. Makakapag-usap naman tayo ng hindi mo ako niyayakap. Saka baka makita tayo ni Nanay baka kung ano isipin no'n!"
" Give me an another minute..." mahina niyang daing.
Napahinga ako nang malalim, tumigil sa kakapalag. Wrong timing talaga ang sakit kong ito.
" I miss you, Xy. Did you miss me, too? S'yempre hindi. Hindi mo nga sinasagot texts and calls ko." He said sadly.
Naramdaman ko na naman ang paghalik niya sa akin ulo. Nataranta agad ako. Buti na lang hinayaan niya akong kumalas sa yakap niya.
Lumikot ang aking mata. At lumunok. "S'yempre naman na-miss din kita. Kayo ni Telle.'
Hinuhuli niya ang tingin ko kaya lang hindi ko siya pinabigyan. He heavily sighed.
Narinig ko ang yapak ng paa ni Nanay papalapit sa amin. Save the bell!" Oh iho, dito kana kumain para may kasabay si Xyrra"
" Okay po, para matignan ko na rin ang temperatura niya. May thermometer po ba kayo, Tita?"
Nagtatakang tumango si Nanay
"Doctor siya 'nay, Siya si Denzel, 'yung doctor na kinukwento sa iyo ni Choco"
" Siya ba iyon. Eh ke gwapo lalaki naman pala nito. 'Nak! Nililigawan mo ba ang aking anak?"
Mas uminit ang nararamdaman sa tinuran ng aking mudra. " 'Nay!" suway ko sa kanya
Narinig ko ang paghalakhak ni Denzel." Kaibigan ko lang po siya at saka may girlfriend na po 'yan." mabilis kong sagot.
" Ayy sayang!" aniya pa.
Mas lalong uminit ang aking pisngi." 'Nay naman"
Nanay chuckled " Titigil na. Kumain na kayo at aabangan ko lang 'yong mineral water na pinadeliver ko."
Sinubukan kong humakbang kaya mas tumitindi ang hilo ko.
" Let me help you.." sabay hawak sa bewang ko. Napapikit ako nang mariin, wala na akong magawa. Hinayaan ko na siya.
Kung wala lang talaga ako sakit, susuntukin ko na ang doktor na 'to!
BINABASA MO ANG
For The Love of Agape(Completed)
RomanceIka nga sa liriko na kantang Tadhana, " Sa hindi inaasahan, pagtatagpo ng mga mundo...." Matagal nang hinahangaan ni Xyrra Love si Denzel Smith Mondragon. Dahil malaki ang puso ng lalaki upang tumulong sa mas nangangailangan ng serbisyo -bilang isan...