CHAPTER 1

14.8K 36 3
                                    

Hindi ako magkanda ugaga sa paglilinis ng mga lamesa ng mga costumer na tapos ng kumain. Marami pang nakapila sa labas ng pinag tatrabahoan kong kainan kaya doubleng bilis ang bawat galaw ko dahil bawal ang mababagal kumilos dito lalo pa't alas nwebe na ng gabi mga ganitong oras ay madami ng costumer.

Napatingin ako sa orasan na nasa braso ko at ganoon na lamang ang gulat ko ng malapit ng mag alasdyes at wala pa din ang kapalit ko. Dapat kanina pa ako nakauwi pero nakiusap sa akin si Eunice ang kaibigan ko na kung pwede ay huwag muna ako umuwi dahil may pupuntahan pa siya at male-late siya ng pasok.

Pumayag naman ako maaga pa naman kanina pero ngayon matapos ko makita ang oras ay hindi na ako mapakali lalo pa't mag isa lamang si nanay sa bahay at hindi ko maiwasan ang di mag alala sa kaniya.

"Besh!" Napalingon ako kay Eunice na patakbong lumapit sa akin habang nag susuot ng apron. "Sorry, beshie na-traffic ako sa daan kaya ngayon lang ako." Paumanhin niya pagkalapit sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya. "Ayos lang besh."

"Sige na mag bihis kana ako na diyan beshie sorry talaga." Aniya at inagaw sa akin ang hawak kong basahan at siya na ang nag punas ng table na pinupunasan ko.

Mabilis akong nagpunta sa locker ko at nag bihis ng matapos akong magbihis ay mabilis ko na din nilisan ang restaurant na pinag tatrabahoan ko para makauwi. Ganoon na lamang ang paglukob ng kaba sa akin dibdib ng makita ko si nanay na nakasalampak sa sahig at walang malay mabilis ko siyang dinaluhan at sumigaw ng tulong.

"Doc..." Tawag ko sa doctor ni nanay.

Nadala ko si nanay sa ospital dahil na rin sa tulong ng mga kapit bahay namin.

Huminga ng malalim si Doc Ivan bago tinanggal ang mask na suot niya. "Rassia kung hindi pa maooperahan ang nanay mo sa lalong madaling panahon may posibilidad na mas lalo mapahamak siya."

Parang nanlambot ang akin tuhod mula sa narinig kong sinabi ni doc Ivan. Si nanay nalang ang meron ako ang isipin na iiwan niya ako ay hindi ko makakaya. Kami nalang dalawa ang magkasangga sa buhay wala akong tatay at hindi ko nakilala dahil ang sabi ni nanay noon sa akin ay nasa sinapupunan pa lamang kami ni Cassia ang kambal ko ay iniwan na kami ni itay.

At sobrang hirap ng buhay namin noon kaya napilitan si nanay na ipaampon ang kambal ko sa mag asawang hindi magka anak at marangya ang buhay.

"Gagawa po ako ng paraan Doc. Ivan kayo na muna po sana ang bahala kay nanay."

Tumayo ako at naglakad palabas ng hospital habang umiiyak. Anong gagawin ko? Saan ako kukuha ng mahigit one million upang maipagpa opera si nanay magkano lamang ang sinasahod ko sa restaurant pinag kakasya ko lamang iyon sa pang gastos namin sa araw-araw at sa maintenance niya.

Napatigil lamang ako sa pag iyak ng maalala ko ang kapatid ko kahit naman hindi kami magkasamang lumaki ay may kumunikasyon pa din kami. Iyon nga lang ay sa akin lamang siya nakikipag usap dahil galit siya kay nanay dahil sa pag papaampon nito sa kaniya. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at kinuha ang cellphone sa bulsa ko hinanap ko ang number niya at tinawagan ko siya na agad naman niyang sinagot.

Siguro naman kahit galit siya kay nanay hindi naman siguro siya magagalit kung hihingi ako ng tulong sa kaniya si nanay pa din naman ang nanay niya kung hindi dahil kay nanay ay wala siya sa mundong ito.

Huminga ako ng malalim ng sagutin niya ang tawag pero hindi pa man ako nakakapag salita ng magsalita siya sa kabilang linya.

[Do you already agree to the favor I request of you?] Aniya sa kabilang linya.

Saka ko lamang naalala ang napag usapan namin noong nakaraan linggo gusto niyang mag panggap ako na maging siya, maging ina sa anak niya at asawa sa mister niya para malaya silang magkasama ng kalaguyo niya. Oo kasal na si Cassia pero arrange marriage lang ang nangyari hindi niya gusto ang napangasawa niya pero kahit na ganon ay nagkaroon pa din sila ng anak.

Ayos naman ang pagsasama nila pero dumating ang college first love ni Cassia mahal pa din ng dalawa ang isa't isa at simula nga noon ay lihim ng nagkikita ang dalawa. At nagpasya nga ang mga ito na mag puntang America upang doon manatili kaya humiling sa akin si Cassia na magpanggap ako bilang Cassia dahil ayaw niyang masaktan ang kaniyang anak once na malaman nito ang ginawa niya sa masaya at komleto nilang pamilya.

Hindi man siya perpektong asawa pero sa pagiging mabuting ina ay sinisigurado niyang perpekto siya.

[Hindi 'yon ang dahilan kung bakit napatawag ako Cassia.]

[So why were you calling me? Didn't I say you'd only call me when you'd already decided?]

[Si—si na—nanay kasi—] Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng putulin niya iyon.

[I heard about what happened to Mom, and that's the sign for you to decide, Rassia. Acting like me; be a good mother to my child and a good wife to my husband, and I will take care of all the expenses of mom's surgery until she is fine.]

[Hindi ganon kadali 'yon Cassia, alam mong hindi ko kayang manlinlang ng tao lalo na at gumawa ng mali!] Hindi ko maiwasan ang mag taas ng boses.

Hindi ako ganoong taong pinalaki ni Inay gusto ko pa sanang idagdag.

[So you're just going to leave Mom in the hospital until she died? Rassia, madali lang gagawin mo, just pretend to be me. And one more thing: where are you going to get the money for Mom's surgery? Think about it, Rassia.]

Napaisip ako sa mga sinabi niya saan nga ba ako kukuha ng pera? Wala akong kakilala na makakatulong samin ni nanay kundi siya lamang. At doon ko napagtanto ang lahat na hindi sa lahat ng oras ay nasa mabuti ang pipiliin ng tao dahil sa panahon na gipit sa patalim kakapit para sa ikabubuti ng lahat. Hindi ko makakayang mawala si nanay kahit na mali pero para kay nanay.

Pikit mata akong nagsalita sa kabilang linya. [Pumapayag na ako, basta ikaw na ang bahala sa lahat ng gastos sa pagpapagamot kay nanay.]

[Good decision, my twin; don't worry, I'll take care of all the expenses as long as your work is good.] Masayang aniya.

[Pe—pero paano kapag nahuli ako na hindi ako ikaw?] Kinakabahan kong tanong.

[No one will caught if you don't want to be caught, Rassia.]

VOTE | COMMENT | FOLLOW

Sa mga gustong mag avail ng FORBIDDEN PLEASURE  (150 php) mode of payment GCASH message lang po dito sa account ko or comment here.

FORBIDDEN INDULGENCE (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon