"Sir please let me in! Kailangan ko lang maabutan ang mag-aama ko." Pakikiusap ko sa guardya na.
Gagawin ko talaga ang lahat lalo na't ngayon na naalala ko na ang lahat. I want to make things right, maling mali ako sa part na pinagtabuyan ko sina Sandro at Sandra.
"Please!! I need to make it up with them, please sir" halos mag pumilit na akong pumasok. Bawal kasi akong pumasok lalo na't wala akong ticket na dala. O hindi kaya't passport.
"Pasensya na ho kayo ma'am, pero hindi po talaga maaari. Hindi po natin pwedeng labagin ang rules ng airport"
Sobrang nagaalala na ako dahil nakita ko na ang eroplanong sasakyan nila patungong U.K, hindi ko at kakayaning hindi sila maabutan.
Mabuti na lang at agad namang nakasunod si Maya at alam naming mali pero! Eto na lang ang pangalawang choice ko. Nilibang ni Maya ang guardyang nag pipigil saakin. Oo, madami pang security dito. Pero ang mahalaga nalusutan ko na ang isang iyon.
Sumenyas ako ng pasasalamat kay Maya habang busy pa rin siya sa pag tatanong tanong kunwari sa guardya.
May isang desk dito na may mic kaya wala na akong pinalampas na oras at panahon. Kinapalan ko na ang aking mukha, iyon na lang ang huling alas ko at kung hindi pa rin papalarin ay matatagalan pa bago ako makasunod sakanila.
"Sandro Marcos if ever you are still there please don't go" Saad ko. Ilang beses ko pa muling inulit ang pangalan niya pati na rin ang pangalan ng dalawang anak namin.
"Yan! Si ma'am siya yung nakapuslit." Turo saakin nung guardya.
"Please, pag bigyan niyo na po ako" pag mamakaawa ko sakanila dahil may mga staff na rin ang nag pupumigil saakin.
"Ma'am kung patuloy pa rin ho kayong mang gugulo ay mapipilitan po kaming ipa-escort kayo patungo sa estasyon ng mga pulis."
"Isang tawag na lang" pakikiusap ko at sa wakas naman ay hinayaan na nila ako.
"Ferdinand Alexander Araneta Marcos, it's me Elianna Selene Torres looking for you. Please come back" huling saad ko at sumama na ako sa guardya palabas. Habang nag lalakad kami papalabas ay nag e-expect pa rin ako na baka narinig o di kaya nama'y nalaman nila Sandro na hinahanap ko sila.
Muntik na akong mawalan ng pag-asang makikita ko muli sila ng may pamilyar akong boses na narinig.
"ELI!" dahan dahan ko itong nilingon. A-and! It was my husband, Sandro! Narinig niya ako! Hindi niya ako iniwan ng tuluyan!
"Sandro!!!" Sigaw ko at tumakbo ako ng mabilis patungo sa kinahihinatnan niya. Nag mala 'I-dawn zulueta mo ako' kami ni Sandro dito sa airport.
YOU ARE READING
He love me like a politician
FanfictionI love you for all that you are, all that you have been and all that you will be. We got a propagandized history You won me in a landslide victory. (Thank you for my story cover Georjie)