Prologue

4 1 0
                                    


prologue

"Alex! We're getting late!"

Agad na akong bumaba ng hagdan at tinungo ang labas kung saan ngayon naghihintay ang sasakyan ni Tyler. Hindi pa nga ako tapos i-blower yung buhok ko, eh! Hindi ko naman siguro kasalanan na hindi tumunog ang alarm ko. Kung tumunog man, hindi ko pa rin kasalanan na hindi ako nagising 'no!

"Ano ba 'yan, girl? Special day ngayon tapos ikaw rush hour diyan?" Bungad niya pagkapasok ko pa lamang ng sasakyan.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin at binaba ang salamin ng front seat para ayusin ang sarili. Ni hindi ko pa nga naisusuot ng maayos ang sandals ko.

Ngayon ang araw kung kailan makikita ko na yung lupang pagtatayuan ng school na nakapangalan sakin. Ngayon ko rin makikilala yung mga manggagawa. I am actually so excited about this to the point that I wasn't able to sleep early yesterday.

After years of just being a teacher I am now having my own. My own school. . . where I would be the one to manage everything. The one who would give aspiring ones like me to make their dreams come to life.

Hindi ko nga akalain na maipupursue ko ang teaching. I once hated it dahil tingin ko nung una ay masyado siyang mahirap aralin. Plus! I really really hate research! But, at some point. . . I kinda really wanted to pursue it. Because I still believed that in teaching, I know I can be whoever I want. I wanted to be a good role model to every students. To be their second parent. Someone who can protect and support them in any way.

Ako yung kasama nila sa daan patungo sa mga pangarap nila.

"We're here! Excited na 'ko!"

Pagkababa ng sasakyan ay bumungad sa akin ang malawak na lupa. Nakaramdam ako ng kilabot at sa hindi maipaliwanag, para akong maiiyak. Bunga 'to ng lahat. Ilang buwan mula ngayon, buo na ang school. Mayroon ng mga estudyanteng maglalakad at magtatakbuhan sa paligid nito. Ingay gawa ng sigawan at tawanan. Mga bagong simula na dito sisimulan.

I never felt this proud to myself in my entire existence.

Pumasok kami sa white tent na tinayo nila sa gilid. Ito siguro ang magiging tambayan ng mga trabahador.

"Wait lang pala, 'teh. Wala pa raw si Engineer," ani Tyler at umupo sa tabi ko.

"Nagmamadali ka kanina, edi sana nakapag-blower pa 'ko!" Anas ko sa kaniya. Aba nagawa pa niya kong ngitian, ah?

Maya maya pa ay hinarap niya ako sa kaniya at hinawakan sa magkabilang balikat ko.

"Grabe ka! Proud na proud ako sa 'yo! Dati, lagi tayong magkasama kung saan man tayo magtuturo. Tapos . . ikaw ngayon may sarili ng school," Gusto ko sanang matawa dahil sa mukha niyang paiyak na ngayon pero niyakap ko na lang siya.

"Andito na po si Sir Anthony," sabi ng kakapasok lang na worker.

Anthony. Gives me shivers, huh.

"Tara na, Ty. Maya na drama!"

Palabas na kami sa tent nang may narinig akong boses na nagpatigil sa akin.

"Oh, my gosh!" Si Tyler.

I knew it.

"Mia?"

Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko at naghihintay na lang ng langaw na papasok sa bibig ko.

"AJ. . ."

Love Can Never Be HappyWhere stories live. Discover now