Chapter 1

1 0 0
                                    

Chapter 1 : Moonlight Pain

   Mabilis ang tibok ng puso ko nang tumakbo ako palayo. Nang makarating ako sa aming tahanan ay nagdiretso ako sa kwarto at nagtalukbong ng kumot. Tulala pa rin ako nang magising ako kinabukasan.

Hinawakan ko ang labi ko. Hindi ko alam at kusang lumabas sa bibig ko ang pangalang iyon nang sundan ko ang lalaking iyon kagabi.

"Astraea? May iniisip ka ba, anak?" Nagbalik ako sa katinuan nang tawagin ni ina ang pangalan ko. Ngayong umaga lang siya nagbalik at naubos ang kanyang ibinebentang gulay sa karatig bayan.

Ngumiti ako't umiling. "Wala po,"

"Hmm, oh paano? Aasikasuhin ko muna ang mga pananim natin. Nagpaalam na sa'kin si Lewis na siya'y sasamahan mo."

Tumango ako. Nagtungo na si ina sa bakuran at kasabay noon ay ang paglabas ni Lewis sa kwarto pagtapos niyang magbihis.

"Kailangan mong madaliin ang kilos mo, Lewis." Ngumiti ako sa kanya bago hawakan ang kamay niya at maglakad palabas ng bahay at tumungo sa pamilihan. Siya'y sampung taong gulang lamang at apat na taon ang tanda ko sa kanya ngunit mas mabilis at maagap ang kanyang pagiging magaling at talino kumpara sa'kin. Ngunit sa kabila noon ay mabagal siyang kumilos.

Nang makarating kami sa malawak na pamilihan, pumasok kami sa bilihan ng mga libro. Hinayaan ko siyang libutin ang bawat estante kung saan naroon ang mga libro. Umupo ako sa isang tabi at hinintay siyang makapili ng kanyang bibilhin.

Hinawakan ko ang salaming bintana at tumingin sa labas. Maraming tao. Ang pamilihan sa kabilang gilid ay puno ng mamimili sa kanyang tindang makapal na tela at sa kabila nito ay may nagtitindang bata na sa tingin ko ay kaedad ni Lewis. Nakasuot siya ng kayumangging panakip sa ulo at nang-aalok ng mamimili para sa tinda niyang maninipis na sinulid. Ang buong akala ko'y isa siyang lalaki ngunit nang tanggalin niya ang panakip niya sa ulo ay napagtanto kong babae ito.

Wala sa sarili akong nagbaba ng tingin.

Masama sa loob kong ang mga tulad nila ay ginagawa iyon sa murang edad. Ang karapatan nilang magkaroon ng guro at magkaroon ng kaalaman para matuto ay nawawaglit ng kanilang mga magulang. Ganoon na ba talaga kalupit ang sitwasyon sa imperyong ito?---o baka, hindi lang sa imperyong ito kundi sa buong sandaigdig?

Ngayon ko lang naintindihan ang pagkagusto ni Lewis na maglingkod sa tao. Pakiramdam ko'y sapul sa loob na ako'y natauhan sa napagtanto kong bagay. Parang mas akma pa ako sa edad ni Lewis kaysa sa edad ko.

Noong una ay pangarap kong maging guro katulad ni Gurong Ivy, ngunit ngayon ay ang pinakanais ko'y maayos ang ganitong trato para sa karapatan ng mga hindi maharlika. Hindi ko hinahangad ang pagtrato ukol sa pagkapantay-pantay tulad ng iba dahil alam kong hindi mangyayari iyon. Ngunit ang pagkakaroon ng pangkalahatang karapatan at respeto para sa kalupitan ng imperyong ito.

Gusto kong makatulong. At para mangyari ang bagay na iyon, kailangan ko ng kaalaman.

Kaalaman sa politika at mga bagay na magpapatanggal ng kasuklaman.

Huminga ako nang malalim bago tumayo sa aking inuupuan. Kakaunti lang ang dala kong pera at hindi ito sapat sa pambili ng libro ukol sa politika. Ang perang gamit ni Lewis ay galing sa kanyang ipon. Ako ay napupunta ang ipon sa pambili ng gamit sa tuwing may kailangan sa aming tahanan at papasok sa eskwela. Katulad ng panulat at blankong susulatan.

"Ate Astra! Tara na po!" Tawag sa'kin ni Lewis nang matapos niyang bilhin ang librong hawak niya. Lumabas kami sa bilihan ng libro.

"Sandali, may bibilhin lang ako." Hinawakan ko ang kamay ni Lewis at pumunta sa tinitignan ko kanina. Ang bilihan ng sinulid.

The Star In My Night SkyWhere stories live. Discover now