Chapter 5

0 0 0
                                    

Chapter 5 : Run Away

Nailagay ko na ang aking mga gamit sa dapat nitong lagyan sa loob ng kwarto. Sunod ay isinuot ko ang damit na pangkatulong. Matapos noon ay umupo ako sa puting kama at idinapo ang aking kamay roon. Malambot ito at sigurado akong makakatulog ako nang maayos. Tumayo ako at nadako ang tingin sa istanteng may mga libro. Kinuha ko ang isang libro na naroon at binuklat ng marahan bago muling ibalik. Ipinadulas ko ang aking daliri sa lebel ng istante at maraming alikabok doon. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto. Wari itong napabayaan. Wala ring kakulay kulay at kabuhay buhay ang bawat sulok kahit saang banda ka ng kwarto tumingin. Ito ba talaga ang dating kwarto ng dating prinsesa?

Umiling ako ng mariin. Hindi, hindi dapat ako nauusisa! Katulong lamang ako rito!

Napatingin ako sa gawing pinto nang may kumatok doon.

"Punong Clementine," Yumuko ako.

Nakita ko ang kanyang pag-ngiti. "Halika na, Astraea."

Tumango ako at sumunod sa kanya. Muli kong sinulyapan ang loob ng kwarto bago iyon isara. Habang kami'y naglalakad ay ipinakilala sa akin ni punong Ivy ang mga nadadaanan naming katulong at iba pang kabalyero. Hindi ko mawari kung ilan sa kahabaan ng minuto namin iyong ginawa. Ngunit napakarami nila para aking matandaan ang kanilang mga ngalan sa ngayon. Siguro'y magiging pamilyar din sila sa'kin kapag ako'y nagtagal.

"Ngayon, ang kailangan nalang nating makita ay ang prinsipe..."

Nagyuko ako at hindi na nagsalita pa. Tinanong ni punong Clementine ang isang katulong kung saan naroon ang prinsipe dahil sinabi ng isang katulong na aming nadaanan kanina ay wala ito sa kanyang kwarto nang maghatid ng pagkain.

"Nasa likod ng palasyo sa hardin ang prinsipe, punong Cleo." sagot nito.

May hardin pa sa likod ng palasyo?

Tumango si punong Clementine at inanyayahan niya ako patungo sa sinabi ng isang katulong.

"Punong Cleo," tawag ko rito. "Iyon nalang rin po ang itatawag ko sa inyo..." Dahil ang Clementine ay masyadong mahaba para banggitin.

"Hmm, naiintindihan ko. Labis na mahaba ang aking pangalan para banggitin." Ngumiti si Punong Cleo.

"Punong Cleo! Kailangan po kayo sa kusina ng palasyo!"

Napatingin kami sa biglang humiyaw. May isang katulong rin na katulad ko at tumatakbo papalapit sa amin. Kulay pilak ang kanyang buhok at nakapinta sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala.

"Peter! Anong nangyari?!"

"M-Mas mabuti po kung kayo'y paparoon para maintindihan nang maigi!"

Napalingon sa akin si punong Cleo. "Astraea, maaari bang ikaw munang mag-isa ang bumati sa prinsipe?"

Nagdali akong tumango. "Ayos lang po, punong Cleo." Mabilis kong sagot bago niya ako tinapik sa balikat at nagmamadaling naglakad palayo kasama ang lalaking katulong na nagngangalang Peter.

Naglingon lingon ako sa paligid hanggang sa makarating sa likod ng palasyo na may malawak na hardin. Masyado itong malawak na waring magkakaroon ako ng problema sa paghahanap ng prinsipe.

Maya-maya sa hindi kalayuan, nang matanaw ko ang pulang buhok ang magarang kasuotan na tumatalon at waring inaabot sa mataas na sanga ng puno ay nakasiguro akong iyon ang prinsipe. Natandaan ko kasi ang pigura ng kanyang likod sa ilang beses na nagkita kami. Ngunit parang may problema siya ngayon dahil may ipinipilit siyang abutin sa kataasan ng sanga na hindi ko alam. Kahit anong tangkad at talon niya ay hindi niya ito makuha.

Natampal ko ang aking mukha dahil napagtanto kong nakatanga lamang ako habang pinagmamasdan siyang naghihirap na may inaabot.

Maigi akong mabilis na naglakad patungo sa kanyang direksyon. Nang mamataan niya ang aking mga hakbang ay napatalikod siya para harapin ako. Yumuko agad ako at nagsaad ng pagbati. Nang iangat ko ang aking mukha ay pansin ko ang kanyang paghinto.

Namukhaan niya ba ako?

Ngunit, hindi dapat iyon ang pinoproblema ko ngayon kundi ang pagkuha ng kung ano sa sanga!

Nang tignan ko iyon ay may isang puting pusa. Iyon siguro ay kanyang alaga dahil mukha ring maharlika ang pusa at mas malinis pa sa akin. Ngunit bakit siya naroon?!

"P-paumanhin," kinakabahan kong saad. "Ako na po ang kukuha..."

"..." Wala akong narinig na pagtutol kung kaya't hinubad ko na ang aking suot na sandalyas at umakyat sa puno para kuhain ang pusa ng prinsipe. Mabuti nalang at hindi ako nito kinalmot nang ito'y iligtas ko.

Pagkababa ko ay iaabot ko na sana ang puting pusa sa prinsipe ngunit nabigla ako nang manatili siyang nakatitig sa akin gamit ang mahinahon niyang ekspresyon ngunit naluluhang mga mata. Labis akong nabigla nang magkasabay na tumulo ang kanyang luha sa dalawang mata.

"A-Ah, paumanhin!" Hindi ko alam ang nagawa kong kasalanan dahil siya'y tinulungan ko lamang. Ngunit yumuko ako para iwasang ipahalata ang pagsikip ng aking dibdib sa kanyang pag-luha. "A-Ayos ka lang ba, Prinsipe Nova?!" Pagkagitla ko.

Pinunasan niya ang kanyang luha na parang walang nangyari't walang tumulo roon. "I-I'm fine." sagot niya gamit ang lenggwaheng madalas na ginagamit dito sa palasyo. "Why...Why are you here?"

Ah, nakalimutan kong magpakilala!

"Your Highness," pagsasalita ko ng kanyang lenggwaheng ginamit. "I'm your new personal maid. P-Pardon me for my sudden rudeness."

Ilang saglit siyang tumitig sa akin bago siya muling nagtanong.

"What is your n-name?"

Marahang bumuka ang bibig ko ngunit hindi nakapagsalita agad. Sa sunod na pagbuka ng aking bibig ay doon na lamang ako nakapagsalita. "Astraea...Astraea ang ngalan ko, kamahalan."

"Astraea," pagbanggit niya sa aking pangalan. "You're the one who...you runaway from me the last other day that night." Nalaglag ang aking panga. Sinasabi ko na nga ba! Bakit ang linaw ng kanyang memorya?!

Nakaramdam ako ng pagkatakot. Iniyuko ko ang aking ulo. "Pinagsisisihan ko po, kamaha---"

"Please don't runaway again."

The Star In My Night SkyWhere stories live. Discover now