Chapter 6 : Her Privilege
Ano raw ulit?
Nang iangat ko ang aking ulo ay nakita ko ang kanyang determinadong itsura at pagka seryoso. "N-Naiintindihan ko, kamahalan!" Nagigitla kong sigaw.
"Pfft---" Rinig ko ang mahinhin niyang pagtawa na halos siya ay mapapikit. Napatitig ako sa pigura niyang iyon hanggang sa siya ay tumigil. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang aking pag-ngiti. Nawalan ako ng imik hanggang sa ako'y masdan niya nanaman habang nakangiti.
Bahagyang nanlabo ang paningin ko, waring iyon ay pamilyar na hindi ko maipaliwanag. Parang umulit ang bawat segundo, o saglit na huminto ang pag-iisip ko?
Bigla akong nakaramdam ng hangin na marahang dumadampi sa aking balat at wari iyong nakapaikot. "Ah,"
"Do you feel the wind in you?...i-it's my ability. It's just new to me. I can't m-master it yet so I can't get my cat up the tree a-and I don't know how to climb either." Kumamot siya sa kanyang pisngi gamit ang kanyang hintuturo. Marahil ay gusto niya itong ipakita sa akin. "T-Thank you,"
Bahagya akong nagitla bago napangiti. "It was great, your Highness." Nanatili siyang nakangiti sa'kin.
"Uhm, i-is that so?"
"Hmm," Pagtango ko.
"A-Are you really my personal...maid?" Tumango ako nang maigi. "Then, how old are you?"
"I'm just 14, your Highness."
He beamed. "I'm two years older."
Saglit kaming nagkakatitigan at sabay ring nag-iwas ng tingin. Nais kong tampalin ang aking noo dahil ang senaryong iyon ay hindi akma sa aking posisyon ngunit parang hindi iyon problema sa kanya.
"Andromeda, come here." Itinuon niya ang kanyang atensyon sa kanyang alagang pusa at kinuha iyon para buhatin. "Uhm, you're going to take care of Andromeda and my other Falcon."
Tumango ako. Falcon? Sa tingin ko ang uri iyon ng ibon. Nababasa ko iyon sa ilang mga libro at minsang itinuro sa amin iyon ni Gurong Ivy. Napag-alaman kong ito ay kumakain at umaatake ng pusa. Pero...?!
"K-Kamahalan! Hindi po ba---"
"You're clever..." Napahinto ako. "Don't worry, Draco won't eat Andromeda. He know my cat. He goes in the forest to find his food." Sa palagay ko ay iyon ang pangalan ng alaga niyang falcon.
"Ah-hmm," Pagtikom ko na lamang sa aking bibig.
Makaraan ang Ilan pang segundo ay sinabi nitong sundan ko siya papasok sa palasyo ngunit biglang sumulpot sa aming harapan si punong Cleo.
"Your Highness, the prince..." Pagbati nito. "The Emperor requested to have breakfast along with you."
Lumingon sa'kin si Prinsipe Nova. Agad akong yumuko para magpaalam. Ibinigay niya sa akin si Andromeda nang tahimik. Matapos noon ay marahan siyang naglakad at pumasok siya sa isang kuwarto sa hindi kalayuan kung saan may dalawang kabalyero sa magkabilang gilid ng malaking pinto.
"Nagpakilala ka na ba, Astraea?" Tumango ako. "Hintayin mo ang prinsipe---At,"
"Po?"
"Nakalimutan kong sabihin na babalik sa isang linggo ang lalaking mayordoma ng prinsipe galing sa pagbisita sa kanyang pamilya. Kayong dalawa ang naka-talaga na tulungan at gawin ang ipinag-uutos niya. Kailangan mong magtiis nang mag-isa sa saglit na panahon lamang, Astraea."
Matapos nang saglit na pag-uusap na iyon ay nagpaalam na si Punong Cleo sa'kin. Marami pa kasi siyang kailangang iutos at gawain sa ibang katulong sa loob ng palasyo. Pagkaraan ng ilang minuto ay huminto ako sa harap ng pintong pinasukan ng prinsipe kung saan may dalawang kabalyerong lalaki at babae ang nakatayo. Nabigla ako dahil napansing kong ako'y kanilang pinagmamasdan nang maigi. Hindi ako komportable, ngunit maya-maya ay nagtanong ang babaeng kabalyero.
"Uhm, Ikaw ba ang bagong personal na katulong ng prinsipe?"
Tumango ako. Tila nagliwanag ang kanilang mukha at nagdikit ang magkabila nilang palad sa isa't isa. Labis akong nagtaka dahil sa pangyayaring iyon.
"It's unusual, I shall trust her too." Ang sabi ng lalaking kabalyero.
Naningkit ang aking mga mata at naguluhan.
Tumawa ang babaeng kabalyero. "Alam mo ang lenggwaheng ginagamit dito sa palasyo, tama?" Tumango ako. "Hmm, by sudden, I am Dame Florence. And this guy's Knight Charm." Bahagyang bumuka ang aking bibig, namamangha. Ang buong akala ko ay hindi sila maglalabas ng ekspresyon.
"A-Astraea." Pagsabi ko sa aking pangalan, hindi pa sanay sa pakikipag-usap.
"You know...Prince Nova never let anyone hold his cat." Pagpapahayag ng aking nakatatandang lalaking kabalyero. Nagitla ako't walang nasabi. "And...he's always silent for some we don't know reason. He doesn't trust anyone. Maybe that was his prejudice in anything." Napakamot ito ng ulo. Nanatili akong nakikinig. "So we're really confused about how he suddenly handed his Highness's cat on you."
"Uhm, m-matatanggal na ba ako kaagad?---" Naguguluhan kong tanong ngunit bago pa sila makasagot ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Prinsipe Nova.
"No. Not." Labis kaming nagitla at yumuko para bumati. Nagkatinginan pa kami ng babaeng kabalyero na si Florence. "What are you mumbling?"
Iniangat ko ang aking ulo para sumagot. "U-Ukol sa..."
"We're introducing ourselves to her, Prince Nova. Pardon us for speaking," Si Florence ang sumagot at labis akong nagpasalamat doon.
"..." Wala kaming nakuhang tugon. Tanging pagtitig at paglilipat lipat ng tingin lamang sa aming tatlo ang kanyang ginawa sa loob ng ilang segundo. "Let's go...Astraea."
Itinikom ko ang aking bibig. Sinulyapan ko ang mabait na dalawang nakakatandang kabalyerong kumausap sa akin at kumaway para magpaalam. Pagkatalikod ko ay sinundan ko si Prinsipe Nova. Mataimtim kaming naglalakad at wala akong naririnig na kanyang pagyapak sa kanyang paglalakad. Sinubukan ko iyong gawin at naglakad nang gaya sa kaniya. Siguro kasi ay ayaw niya sa maingay na pagyapak. Nakatingin lamang ako sa aking paglalakad at nakayuko para siguraduhing hindi ako lilikha ng ingay ngunit hindi ko akalaing huminto ang prinsipe kaya't tumama ako sa kanyang likod.
"P-P-Paumanhin! Hindi ko sinasadya!"
"...It's fine. What are you doing? I can't hear your steps."

YOU ARE READING
The Star In My Night Sky
ФэнтезиNew beginning, more chances and a dazzling fate for two people who never got a chance to show an exceptional love they have in their first lifetime.