Prologue:
I Walked across the bridge as I heard the birds chirping. The view was giving lightness feeling. You can see those leafy trees dancing along the wind, the cozy river with its smooth flow. The fresh air that gives you the very best feeling.
I saw Natasha with her red hood again. I haven't seen her without her red hood and it made me confused of what she looks like without it.
"Magandang araw, Nika!" Natasha greeted me, I smiled at her and greeted her too.
I started to walked. Bumalik ako sa aming bahay at nakita ko roon sina ama at ina na nag uusap. Hindi kami pwedeng makinig sa usapan ng ina at ama kaya pumunta ako sa aking kwarto at nag-ayos.
May kumikinang na bagay sa aking higaan kaya't kaagad ko itong kinuha. I saw some letters there and I don't want to open it, hindi pwede na makialam kami sa gamit ng iba. Pero... Bakit ito nandito?
Hinayaan ko ang mga sulat sa aking higaan, ngunit hindi ba pwedeng ilagay ko na lamang ito kung saan mas ligtas at hindi makikita ng iba? At kung sakaling ito ay hanapin ay madali ko na lamang itong mahahanap.
Inilagay ko sa cabinet ang mga letters. Para saan nga ba iyon? Hindi ba para sa akin iyon?
"Ang pagpapana ay ang pinaka kinakailangan na matutunan ng isang babae."
Nasa silid-aralan kami, nakikinig sa diskasyon ng aming guro na si Ginoong Kalil. Nakikinig ng mabuti ang iilan, ngunit ang iba naman ay abala sa ibang bagay, ngunit hindi iyon pinapansin ng aming guro dahil raw sila naman ang kawawa at hindi kaming mga nakikinig.
"Isa sa mga pinuno natin na si Pinuno Alba ang nagsabi na ang pagpapana ay ang pinaka importanteng gawain ng mga Teherong tulad natin. Sa panahon natin ngayon ay mauulit ang mga pangyayaring naganap noon," ani Ginoong Kalil. "Tulad ng gyera."
Tumango kaming lahat. Ngunit tama ba ang aking narinig? Na sa panahon namin ngayon mauulit ang pangyayaring naganap, dalawang daang taon na ang nakalipas. Sa panahon natin ngayon ay mauulit ang pangyayaring naganap noon, tulad ng gyera.
Nai-kwento ni ama sa akin ang mga pangyayari noon. Ipinasa-pasa ang kwentong ito sa lahat ng mga Tehero.
Si pinunong Hero, siya ay nagkagusto sa isang magandang dilag na nagngangalang, Almira. May nararamdaman sila para sa isa't isa ngunit naging mahirap ito sa kanila dahil sila'y magkaiba. Ang pinuno'y isang Tehero at ang dalaga'y isang Jeneia. Magkalaban ang mga ito, ngunit napagdesisyunan ng pinuno na tapusin na ang mga gulo dahil ito'y walang magandang maidudulot. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi pumayag ang pinuno ng mga Jeneia na si Javior, nais niyang ituloy ang gyera upang makita kung sino ba talaga ang ag mamay-ari ng FLORAL DE HAVIER na naglalaman ng libo-libong ginto. Naging malungkot si Almira sa naging desisyon ng ama kaya't ito'y nagpakalayo-layo sa kanilang bayan at pumunta ng Tehar, kung nasaan ang mga Tehero. Nanirahan siya kay Pinunong Hero at hindi nagtagal ay nagpakasal rin ang mga ito, ngunit ito'y nabalitaan ng pinuno ng Jeneia at kaagad na sumulong at pinaputukan ang bayan ng mga Tehero. Hindi nakaligtas ang iilan at nasawi. Aksidente namang natamaan si Almira ng inihagis na patalim at pana kaya't ito ay nasawi rin. Naging malungkot ang pinuno. Dahil na rin sa kalungkutan na kaniyang nadarama ay siya'y nasawi rin.
"Nakinig ba ang lahat?" nakangiting tanong ni Ginoong Kalil. Tumango kaming lahat at nagsimulang mag ingay.
"Iyon po ba ay totoong nangyari, Ginoo?" tanong ni Isabela, kaklase ko.
Ngumiti at tumango ang aming guro at isinara ang librong kanina'y hawak niya.
"Totoo iyon, Isabela. At dahil don, naging mahalaga ang pana at mga patalim dito sa Tehar," sagot ni Ginoong Kalil. "Isa sa mga saksi ang aking lelong na si Apo Kasik. Nakakatakot daw ang mga nangyari noon, bata pa raw siya nang masaksihan niya ang gyerang naganap noon."
YOU ARE READING
Flower of the Cursed Lady
Tiểu thuyết Lịch sửIsang kasaysayan ng mga lipi na nagkagulo dahil sa gintong ipinamana ng may-ari nito. Pagpapana ang naging prayoridad ng mga tao sa Tehar sa kadahilanang hindi nila dapat pabayaan ang kanilang pinakamamahal na bayan. Isang babaeng Tehero ang nakata...