Kabanata 1: Ang Pag-iisang Dibdib

4 0 0
                                    

Kabanata 1: Ang Pag-iisang Dibdib

NIKA AESTHERILLE

Napakasaya ng mga taong dumalo sa kasal ng aking tiyahin at tiyohin, marami ang dumalo halos lahat ng tao sa aming bayan, kahit na hindi namin kilala’y inimbita ng aking Tiya. Napakasaya kong makitang masaya ang aking Tiya Lolita habang naglalakad sa pasilyo.

“Napakaganda ng iyong tiya, walang pagtatakang naibigan siya ng iyong tiyo Ibren.” Wika ni Nita na nasa tabi ko.

Hinahangaan ko si tiya Lolita dahil siya ay may mabuting puso na dumagdag sa kaniyang kagandahan. Nais kong matulad sa aking tiyahin. Dalaga pa lamang siya noong siya ay nag simulang manirahan mag isa, nag trabaho, ngunit isang bagay ang hinding-hindi ko nagustuhan na ginawa ng aking tiya… Ang Pagpapana.


“Maganda talaga ang aking tiya, Nita.” Sagot ko sa kaniya.


Nagsipalakpakan ang mga dumalo noong naglapat ang labi ng aking tiya at tiyo.

“Tunay nga ang sinabi ng Apo Hildon, sila nga ay magkakatuluyan!” masayang wika ni Tiya Lyn.

Lumabas muna ako upang magpahangin, mainit sa loob ng Iglesia de la choza de Tehar, ang aming simbahan. Pinangalanan iyon ng Iglesia de la choza de Tehar dahil sa mga naunang pinuno na may lahing espanyol.

“Anong ginagawa mo rito sa labas, binibini?”

Tiningnan ko kung sino ang nagsalita sa tabi ko at nakita ko si Cyrus, ang kaklase ko.

“Nagpapahangin. Ikaw, bakit ka nandito?” tanong ko sa kaniya. Ngumisi lang siya at tumingin sa malayo, nagagandahan din yata siya sa tanawin rito.

“Magpapahangin.”

Tumango lamang ako at dinama ang preskong ihip ng hangin. Ang mga sumasayaw na puno ay sapat na upang ikaw ay maging kalmado.

“Totoo nga ang sabi nila,” pagsisimula ni Cyrus. “Ikaw ay isang marikit na binibini kung titigan ng malapitan..”

Lumaki ang mata ko sa kaniyang sinabi. Marahil ay nagbibiro lamang si Cyrus, hindi niya gawain ang pumuri ng isang tao.

“Ika’y nagbibiro lamang, hindi ba?”

“Tama ka. Ako nga ay nagbibiro lamang.” Nakangising sagot niya.

Gwapong binata kung tawagin si Cyrus ng mga taga rito sa Tehero, hmm.. hindi ko ipagkakaila na siya nga ay kaakit-akit. Mula sa kaniyang kayumangging mata at putting balat ay tiyak na mahuhulog ka na, hanggang sa matangos niyang ilong at hugis puso niyang labi.

“Tama na ang pagtitig, binibining Nika.”

Nagulat ako nang mapagtanto kong nakatitig ako sa lalaking nasa harapan ko. Baka isipin niyang may gusto ako sa kaniya! Hindi puwede!


“H-Hindi naman ako tumitig ah, may iniisip lang ako kaya.. kaya..”

“Tama na ang palusot, binibini, subalit ikaw ay nahuli na.” natatawang wika nito, nakaramdam ako ng pag init ng pisngi kaya’t tumingin na lamang ako sa ibang direksyon at tumalikod sa kaniya.

Ilang minutong walang nagsalita sa aming dalawa. Tumikhim si Cyrus kaya’t nahuli nito ang atensyon ko. Tumingin ako sa kaniya, nakatingin siya sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Flower of the Cursed Lady Where stories live. Discover now