"It's been raining in manila, 'di ka ba nilalamig?" I asked Joaquin, isa sa mga tropa ko. Umiling siya bilang sagot. Mga rich kid talaga sanay sa lamig e, sana all.
"Kumusta siya?" Tanong kong muli. Nakita kong napangisi ang binata at mukhang mang aasar na. "Tigilan mo 'ko, gusto ko lang malaman kung anong kalagayan niya."
"Perds, bakit kasi sa lahat ng babae e yung pinsan ko pa? Binalaan na kita doon, perds! Hindi siya katulad ng mga babae na kilala mo. 'Pag 'di seryoso, hindi talaga seseryosohin... Ewan ko ba sa 'yo kung bakit ka nadala e laro lang din naman gusto mo." Napailing siya, halatang na disappoint sa nangyari.
Napaayos ako ng upo at napainom ng kape na nasa side table, "Si Vyerah 'yan e... Sino bang hindi madadala?" Napatawa ako, hindi naman ako ganito dati e. Ano bang meron ka, Vyerah?
"Damn, bro you're whipped!" Humalakhak si Joaquin. Napasapo na lang ako sa aking noo. Vyerah, laro nga lang ba talaga 'yon sa iyo?
Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at pumunta ako sa sliding door ng veranda. Ang lakas pa rin ng ulan, may bagyo ba? Binuksan ko ang sliding door and the cold breeze hugged me. I stepped in, but I suddenly stopped because of Joaquin. Ano na namang amats nito?!
"Perds! Huwag! Marami pa tayong pangarap sa buhay! Huwag kang tumalon! Masisikmura mo bang magkakaroon si Vyerah ng pamilya sa iba? Kaya mo b-"
Bago niya matapos ang sasabihin niya ay isinara ko na ang sliding door. Lumingon ako at kitang kita ko kung paano muntik mamatay si Joaquin kakatawa. Ano ba 'yan? Hindi pa natuluyan. Sayang! I embraced the cold drop of rain. I closed my eyes, and right then and there... I always saw her everywhere. Damn, you're making me crazy, Vyerah!
I leaned on the grills of the veranda. Joaquin's family and mine's are business partners; that's why we stuck to each other more than the glue's stick. I looked up, and I saw how the sky was crying so badly. Does someone hurt you too? Napailing ako. Nababaliw na nga ako. I took the time I needed to feel the cold rain and how it comforts me.
Nagising ako sa ring na nanggagaling sa telepono ko. Umuwi na si Joaquin sa condo niya nang sumapit na ang oras ng pakain niya sa rabbit niya. Akala mo naman ang layo-layo nang mokong na 'yon e nasa kabila lang naman siya! Magkapit-bahay naman kami pero kung makadalaw sa condo ko ay parang nasa probinsya ang layo niya. Sinagot ko ang tawag.
"Hello... Who's this?" I asked with my sleepy voice.
"T-Trevor..."
Nagising ang diwa ko nang marinig ko ang mala anghel na boses na nanginginig sa takot. Rinig na rinig ko ang paghikbi niya mula sa kabilang linya. Vyerah...
"Why are you crying? What happened?" Dali-dali akong tumayo at iniipit ang telepeno sa aking tainga at balikat. Nagsuot ako ng black sweatpants at hoodie. Kinuha ko ang susi ko mula sa drawer ko.
"C-can you come?... I.. I need you right now, Trevor." That's my cue to rush down from here to the parking lot.
"Wait for me, Vye. I'm coming." Ibinaba niya ang tawag at pinaharurot ko ang sasakyan papuntang Pangasinan.
I'm really out of my mind. Manila to Pangasinan in 2 hours? Mabuti na lang at walang masiyadong sasakyan na bumabyahe at weekdays ngayon. Idagdag pa na maulan kaya't walang naglalayas ng Manila. Kinatok ko ang bahay ni Vyerah. I knocked softly in a continuous pattern. She opened the door, and I saw her looking so gorgeous, even though she thinks she looks like a mess.
"You came..." Agad ko siyang niyakap at lalo lamang lumakas ang hikbi niya. I assist her to seat on her couch. "Akala ko 'di ka pupunta..." She said in her tiny angelic voice.
"Kahit gaano katagal o kahit umuulan... Pupunta ako basta't kailangan mo ako, Vye. Tatakbo ako papunta sa'yo." She once hugged me again. We stayed like that for the remaining hours of the day. We caught up.
"My depression attacked earlier, and I didn't know who to call but you. You're the only one who always understands. I'm sorry, Trevor, for leaving without a proper goodbye and a clear conversation about us." I caressed her hair. She cried once again.
Kaya 'di ako naniniwalang laro sa kaniya ang namagitan sa aming dalawa dahil ganito na lamang ang koneksyon namin sa isa't isa. Totoo at walang bahid na biro o laro. We're just pressured by the people around us who constantly ask us, What are we? while we just want to enjoy it until we know its time.
I guess the rain in Manila doesn't feel as cold as before now that I get to hold Vyerah again. Without the people's opinion about us. Only me, her, and our peace.
Calliope | 03/09/24
YOU ARE READING
Within the music
Kort verhaalWhen music turns into a short story. How wonderful could it be?