Destination 19

106 2 0
                                    

"Again"

Tahimik ako habang nagsisimula na silang kumain....kaharap ko si Ashrev na todo ang ngiti sa nga biro ng pinsan ko.

Hindi ko alam na ganito pala sila ka close habang wala ako sa Pinas. Siguro wala lang talaga akong pake kaya hindi ako nagtatanong about sa mga kaibigan ng pinsan ko.

Kahit gulat man ay namamangha ako sa Ashrev na kaharap ko. Isang gwapo , matangkad at mas lalong bumait. Kahit engineer na ay humble pa din.

" Anak...yung sinabi mo saakin pala na resort....nakwento kanina saakin ni Ash...isa pala siya sa mga engineer dun " naibaba ko ang hawak ko na spoon at tumingin kay Ashrev

"Really? " kuryoso ko na tanong at hinihintay ang sagot neto...

Ngumiti ito ng malawak at binitawan ang baso niya at humarap saakin. Nskakasilaw ang ngiti neto at intense na tingin.

" Yeah.... it was a big project and ayoko tanggihan " napatango nalang ako sa sinabi niya

Iniwasan ko nalang Yung titig Neto at bumalik sa pagkain. Habang busy ang lahat sa pag uusap about sa business ay biglang inabot sakin ni Ash ang dessert na kakalagay lang sa mesa.

" Thank you " agad Naman itong ngumiti at bumalik ito sa pinag uusapan nila ni Mommy

Iwinaksi ko nalang sa isip ko Yung mga ngiti at titig na natatanggap ko sakanya.

Habang umiinom ng tubig ay biglang nag ring itong cellphone ko kaya napatingin sila sakin.

Nag excuse ako para sagutin Yung tawag. Dumiretso ako sa living room at sinagot ito. Unknown number kaya Hindi ko Kilala.

" Hello? Who's this? " Mahinahon ko na tanong habang tahimik ang kabilang linya

Pero nagulat ako ng bigla itong sumigaw.

" Trianaa!! "

" Clara?! " Gulat ko na sigaw

Nagkamustahan pa kaming dalawa at nag desisyon na magkita sa susunod na Araw habang nagpapaalam na si Clara sa kabilang linya ay biglang may nagsalita sa likod ko.

" Nandito ka Pala" agad akong napatingin ng umupo ito sa tabi ko

" Omg! Triana!!! Si Ash ba Yan?! " Hiyaw Neto sa kabilang linya

Agad akong tumayo at dumiretso sa taas papunta ng kwarto ko. Habang nasa kabilang linya si Clara na madami ng tinatanong.

"Ahh..Clara tawagan nalang kita ulit bukas para mapag usapan natin kung saan Tayo magkikita " Sabi ko sakanya  at nagpaalam Naman ito dahil may tatapusin din siyang trabaho

Habang nasa balcony ng room at naka tulala ay hindi ko napansin na sumunod Pala si Ash sakin.

" Sorry...Hindi na ako nagpaalam at pumasok nalang " paumanhin Neto at tumango nalang ako

Ilang minuto din Ang katahimikan ng nagsalita Siya.

"Let's visit him" agad akong tumingin sa kanya

" Bukas ako pupunta before ako mag start about sa project" sagot ko sakanya at tumalikod ulit

"Tria~" naputol Yung sasabihin niya ng may tumawag sa cellphone Neto

Ilang minutes din Ang pag uusap nila at base sa narinig ko about ito sa Isang project.

"Sige Engineer Lou...dadaan po ako diyan para tignan Yung mga materials" agad niyang ibinaba ang tawag at tumingin saakin

" I guess your busy? " Tanong ko sakanya

LAST DESTINATIONWhere stories live. Discover now