Destination 15

94 3 0
                                    

" MOURN "

Halos mawalan ako ng hininga pagkarating ko sa hospital. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto kung saan si Von.

Napaluhod ako sa aking nakita. Hawak hawak ni Tita ang kamay neto habang umiiyak ng malakas.

" V.von!!!" Utal na sabi ko na nagpabaling kina Tita

" Trianaa!!! Wala na si Von! Wala na ang anak ko!! " hagulgol na iyak neto habang kayakap ni Tito

Yung pinipigilan ko pang iyak kanina ay bumuhos na.Wala na! Wala na yung taong nagbibigay saya ng buhay ko! Yung taong nagpapalakas ng loob ko! Wala na yung taong naniniwala sakin! Wala na yung taong pinakamamahal ko! Wala na si Von!

Dahan dahan ko na hinawakan ang kamay niya na sobrang lamig. At dahan dahan siyang niyakap.

" Von! Bhabe ko! Diba sabi mo lalaban ka! Bakit?! Bakit mo kami iniwan! " hagulgol ko na iyak na sinabayan nina Tita

Kasabay ng iyak ko ang pagbukas ng pinto pumasok ang mga kaibigan ni Von.Mukhang sinabi ni Clara sa kanila ang nangyari.

Napayakap sila sa isa't isa ng makita nila ang sitwasyon ngayon. Now.. I see kung gaano yumanig ang mundo ng magkakaibigan sa nakikita nila.

Tumingin ako sa mukha ni Von at dahan dahan itong hinaplos. Bhabe....andito yung kaibigan mo andito sila para bisitahin ka pero ito yung naabutan nila.

Halos tahimik ang lahat at umiiyak katulad ko na nasa gilid at tulala. Dinala na si Von sa morgue at inaasikaso na nina Tita ang burol neto.

Nakita ko si Kuya at ang mga pinsan ko na patakbong papunta sakin. Nang niyakap ako ni Kuya ay bumuhos ulit ang luha ko at parang bata na nagsusumbong.

" Kuya...wala na siya" hagulgol ko sakanya at tumatango lang siya sakin

" Tahan na Eyda.... magiging maayos ang lahat...mahal na mahal ka nun at ayaw ka niyang makita na ganito ang sitwasyon mo " mahinang sabi niya sakin habang yakap yakap ko siya

Nakita ko yung mga nag aalalang mata ng pinsan ko habang yakap ko si Kuya. May pilit na ngiti sa mga labi na parang sinasabi na okay lang.

" Triana"

Kumawala ako sa yakap ni Kuya ng marinig ko angg boses ng Mama ni Von. May pilit itong ngiti sa labi pero bakas ang lungkot sa mata lalo na at kakatapos niya lang umiyak.

" I know na hindi lang kami ang nasasaktan..... Triana...mahal na mahal ka ng anak ko.... Bago siya mawalan ng hininga ay pangalan mo ang binubulong niya....salamat...sobrang salamat at isa ka sa dahilan kung bakit lumaban si Von sa sakit niya " malungkot pero nay ngiti sa labi netong sabi...kaya niyakap ko si Tita...at sakanya ako umiyak

" Ako po yung sobrang nagpapasalamat Tita....walang patutunguhan ang lahat ng meron ako kung hindi dahil sakanya....kaya salamat po " bulong ko na sabi...at humiwalay sakanya at binigyan ito ng ngiti

Nawala ang ngiti ko ng may inabot ito saakin...isang sobre.

" Ano po ito Tita? " kuryosong tanong ko at tinanggap ito

" After ko kita tawagan may napansin ako sa gilid ng unan ni Von...akala ko kung ano pero may nakasulat na pangalan mo kaya tinago ko..." Natulala ako sa sinabi ki Tita

Hinawakan ni Tita ang kamay ko at napatingin ako sa ginawa niya.

" Kung ano man yan Triana.... Salamat at naging parte ka ng buhay ni Von " sabi neto at nagpaalam na dahil may aasikasuhin pa daw sila ni Tito

" Salamat po....pupunta nalang kami bukas kasama ng pamilya po namin...nakikiramay po kami " sabi ni Kuya bago umalis si Tita

" Eyda... babasahin mo naba?....O sa bahay nalang....magpahinga ka muna " mahinang sabi ni Kuya sakin

LAST DESTINATIONWhere stories live. Discover now