A/N : Dito muna mga beshy ko. 🙈🙈
Some memories on the past sinking in my mind but the people faces who i am with is blurred. It's frustrating, nakakainis.
"Anak! Bakit tahimik ka riyan, ikaw lang ata kilala kong malungkot na grumaduate. Ang dami mong bisita oh, lumabas ka na ng kwarto mo. Oh siya, aasikusuhin ko muna mga tita mo. Bumaba ka kaagad." i sigh and nodded.
Lumabas na ako ng kwarto para makipag socialize sa mga bisita ni mama. Oo bisita niya talaga, akala mo siya yung grumaduate. She's so proud of me, akalain mo yun pati mga chismosang marites inembenta niya para makita yung banner and tarpaulin sa bahay na may Cumluade siyang anak. Kulang na lang lagyan na buong barangay namin ng tarpaulin eh. Anyways i am so lucky to have her, even she's a fulltime rapper.
Umagang umaga raratratin ka kaagad niyan. Kulang na lang maging kapatid niya si Nicki Minaj. I love my mom so much, she's always there even when the accidents happen. Ayoko ng balikan pa, nakakatrauma.
Wala akong narinig sakaniya na kailangan makapag tapos agad ako para makahanap agad ng trabaho na need kong iaahon kami sa estado namin sa buhay. She never pressured me, as long as i am happy she's happy and contented to on what i achieved. Hindi niya nga ineexpect na Cumlaude ako dahil laging bilin niya ienjoy ko lang college life ko, basta ipasa ko lang lahat ng subject. So not sorry, i am the one who pressured my self. Magkaroon lang ng 1.50 sa grades ko iiyakan ko na, 1.25 ayos pa e. I'm craving for academic validation, nothing make me blush than when they compliment your brain and your face card.
Just kidding!
Puro pinsan ko halos mga nandito, kulang na lang buong angkan namin dumalo e. Kahit yung mga relatives naming sobrang sama ng ugali at mismong kadugo nila sinisiraan nila.
Mga anak naman nila puro pariwala buhay, mas inuuna pa panghimasukan buhay ng tao kaysa sa mismong buhay nila."Saan mo ba balak magtrabaho? Ang dami kong alam na kompanya na hiring ngayon. Samahan na kita." pang iiba ng topic ni Kuya Ace. Siya yung pinakamatanda sa aming magpipinsan. He's an engineer, matipuno, moreno at matangkad. Ang ganda ng lahi namin.
Pumili na kayo sa mga pinsan ko, benta ko na sila tig iisang daan kada oras. If lifetime naman, bigyan niyo na lang ako ng mansyon.
"I still don't know pa kuya, ayaw pa ni mama maghanap ako ng trabaho. She wants me to rest muna bago sumabak sa industry na gusto ko. I need to unwind, pera na lang kulang." bigla naman silang nagtawanan.
Sabi sainyo sarap nilang isako lahat. "Where's your friend na super annoying?" tanong ni Satani. She's so conyo, mabuti na lang hindi maarte tong pinsan ko. She grew up with a silver spoon on her mouth. Her father is a british and business tycoon na napangasawa ni tita na siyang bunsong kapatid ni mama. Graduate na rin siya, mas nauna pa sakin ng dalawang taon. Business course ang kinuha niya noong nagaaral pa siya dahil panganay siya sakanilang magkakapatid siya yung hahawak ng business ng magulang niya. Ayaw niyang ibigay yung responsibility na yun sa mga nakakabatang kapatid niya. Gusto niyang tahakin ng mga kapatid niya yung gusto nilang makamit in the future. She wants them to be free with responsibility kaya inako niya.
As long as her siblings is happy, she will be happy too. Ang swerte ng mga kapatid niya sakaniya.
"Crush mo na yung uhugin kong kaibigan? Lagi mo na lang hinahanap." asar ko rito.
Paano ba naman lagi niya na lang hinahanap sakin. Mukha ba akong hanapan ng nawawalang unggoy? Joke.
"That imbecile girl? No way." defensive masyado.
Enemies to lovers ata trope nitong dalawa. Kaya ayaw magpakita nong kaibigan ko sakaniya, lalaitin ba niya naman pag nagkikita sila tapos hindi niya titigilan para silang aso't pusa.
YOU ARE READING
Loving Miss Banana
Romansa"Anak ng tatay mo ka! I'm a digital marketer here. Hindi ako ang personal assistant at slash secretary mo Miss Buen. Mag hire ka ng iba kung sawa kana sa secretary mo." inis na sigaw ko rito. Pinatawag lang naman ako rito para lang timpalahan siya...