FIRST MEET
4 years ago
Saan ba ako magtatago? Nakaka stress kasi sila eh. Bakit nila ako ipapalapa sa pisteng kissing both na yan? Mukha ba akong kissable? Tiyaka ayoko nga 'no. Ayoko ibigay ang first kiss ko sa mga uhugin na lalaking nag aantay doon. Pinoproblema ko na nga mga requirement ko para pumasa at maka graduate na dumagdag pa sila. Nang makaalis naman sa pisteng school na 'to na puro mga matapobreng estudyante ang mga nandito.
Napatampal naman ako sa noo, nakalimutan kong first year pa lang ako. Excited lang ghorl?
Napahinto ako sa pagtakbo ng may maamoy akong bananacue. Hala! Totoo ba 'to? May bananaque na nagluluto rito, may booth ba na ganon rito? Ang pagkakaalam ayaw nila rito ng mga ganiyang pagkain, inaprubahan na ng dean yun?
Sinundan ko lang yung amoy ng bananaque, hanggang sa tumapat ako sa booth ng business administration.
"Anak ng teteng!" mukha ba akong invisible rito? Para hindi nila makita. Itinutulak lang ako ng mga kapre.
Hindi naman ako masyadong maliit ah! Tama lang yung height ko sa age ko. Huhuhu, ang sasama talaga nila rito. Isusumbong ko talaga sila kay Eris! Asan ba ang babaeng yun? Kanina ko pa siya hinahanap, napalibutan na naman ata ng mga babaeng nagkakagusto sakaniya.
Kruuu Kruuu Kruuuu
Bigla naman tumunog ang tiyan ko, kanina pa'ko nagugutom. Hindi ba naman kasi ako tantanan ng mga kablock ko, mukha na silang aso kakahabol sa cute na si ako.
Mamaya ko na lang hanapin si Eris, malaki naman na siya kaya niya na sarili niya. Kakain muna ako.
Lumapit ako sa counter ng booth, tumingin ng makakain. Naglaway naman ako ng makita ang target lock ko na bananaque na sobrang raming asukal. "Magkano po ba yan ate miss?" tanong ko sa nakabantay, mukhang mataray pa naman. Drawing lang naman yung kilay huhuhu.
"100 pesos per stick," walang ganang sagot niya na ikinaawang ng labi ko.
Ano raw? 100 dalawang piraso lang? Over priced naman. "Seryoso ka po ba? Tig sampung piso lang yan sa'min, tapos tatlo sampu pa. Gold ba yung nilagay niyong asukal diyan?" inosenteng tanong ko at ngumuso.
Ang yayaman nila rito tapos ang taas ng presyo ng tinda nila? Mukha ba silang nangangailangan ng pera?
"Mukha ba akong joker? If you cannot afford the food, umalis kana lang. Cheap." mataray na wika niya.
Tumaas ang kilay ko sa narinig. "What did you say? Nahiya naman ako sa tinda niyong over priced. Afford ko kaya yan duh! Anong cheap ang pinagsasabi mo? Eh yang nilalagay mo nga sa kilay mo ang cheap eh halatang drawing." walang prenong bira ko.
Alam kong mas matanda siya sa'kin pero yung tabas ng dila niya hindi ko gusto. Baka hindi ko siya matansya. Pero joke lang talaga, hindi kaya ng budget yung tinda nila. 70 pesos na nga lang nasa wallet ko, maglalakad pa'ko nito pauwi eh.
Next week pa yung allowance na Ibinibigay ng school na galing sa sponsor ko. Bumili kasi ako ng libro kahapon eh, dito pa sa loob ng campus ang mahal. Doble pa presyo rito kaysa sa labas. "you piece of sh—" akmang sasampalin niya ako ng may sumangga.
"Pati bata papatulan mo? Put your immaturity aside Elaine. Not all time is resorted to violence." malamig pa sa yelong saad ni ate ghorl.
Ito ba yung sinasabi nilang guardian angel ko? Paano nangyari yun? Matanda na'ko, diba mga sanggol lang yung binabantayan ng mga guardian angel nila? Sobrang ganda niya.
"But Lib—" uungot pa sana si ate drawing ng nagsalita na naman si Guardia Angel. "We're not close to call me by my name and you.." tumingin naman siya sa gawi ko.
YOU ARE READING
Loving Miss Banana
Romantik"Anak ng tatay mo ka! I'm a digital marketer here. Hindi ako ang personal assistant at slash secretary mo Miss Buen. Mag hire ka ng iba kung sawa kana sa secretary mo." inis na sigaw ko rito. Pinatawag lang naman ako rito para lang timpalahan siya...