"Tara na Saging! Kanina kapa nagiikot. Buong campus na ata nalibot natin. Hindi kaba napapagod!" lintek na Eris ito, kanina pa nagrereklamo hindi ko naman sinabing sumama ka.Letche!
Tumingkayad ako para maabot ang ulo niya tsaka siya binatukan.
"Wala akong sinabing sumama ka." iritableng sabi ko.
Natawa lang naman siya, parang iniinsulto pa ako dahil hindi ko maabot ang ulo niya. Porke ang tangkad niya? At least hindi ako kapre.
"I told you, matulog ka kada tanghali para naman tumangkad ka. Sponsoran na lang kaya kita ng cherifer-ay piste!"
"Gaga! Matangkad ka lang kamo, isa kang kapre." binelatan ko siya at bago tumakbo.
Ang sasama ng tao rito, pati height ko talaga mapapansin? Inggit lang sila e, kasalanan ko bang cute ako. Mabuti na lang may kaputian ako, baka tawagin nila akong kutong lupa.
Nahagip naman na ng mga mata ko ang babaeng kanina ko pa hinahanap. Finally, after 1000 years.
"Lib-lib na lugar!" sigaw ko bago tumakbo papalapit sakaniya, may kasama siyang tatlong babae.
Humarang ako sa harap nila, hindi naman siguro ako nila tatapakan 'no? Hindi naman ako kasing liit ng langgam.
"Wassap Lib! No time no see a. Hindi mo man lang ako na miss?" feeling close na sabi ko at ngumiti ng malawak.
Napatigil naman sila sa pag-uusap, nagulat si Lib nang makita ang cute na si ako. Yung isa naman na may kulay berdeng mata ay tinaasan lang ako ng kilay habang tinitignan ako mula baba hanggang taas.
Judgerist ba siya?
Yung dalawa namang babae ngumiti sa'kin, ang cute naman nila yung isa kasi may dimple pa e. Mabuti pa sila mabait.
Lumingon ulit ako sa babaeng mukhang judgerist tinaasan ko rin siya ng kilay at ginaya ang ginagawa niya. Obvios na mamahalin ang suot, belt pa lang parang hindi ko na afford. Pati yung bag niyang Dior.
"Who's this tiny girl, Rizz?"
Sinong Rizz? Itong si Lib ba yung tinutukoy niya? Rizz talaga totoo niyang pangalan? Ang ganda.
"Bakit? Crush mo ba ako? Sorry pero hindi kita type, macho ang gusto ko hindi barbie." sabat ko naman.
Natawa yung dalawa nilang kasama at amused lang na nakatingin sa'kin si Lib. Si Judgerist naman ay mukhang na offend.
"How dare you, dimwit!"
When she about to hit me, Lib stop her. Hindi naman siya naka palag, pero ang sama pa rin ng tingin sa'kin.
"You can leave us alone, susunod na lang ako sainyo." sabi naman ni Lib.
Tinignan lang siya nong judgerist, hindi nakatakas sa'kin ang pag-irap niya. Aba! Ang taray, lagpas naman yung lipstick niya.
Pero maganda naman siya, slight.
"What do you need kid? My time is precious, i don't entertain nonsense things."
Hindi ko namalayang nakaalis na pala mga kasama niya. "Magkano ba oras mo? Dos isang minuto ba? May pera ako rito e." ngumiti ako ng malawak.
Kung ang oras niya ay precious, mas precious ako roon no. Bawal ba hingiin isang oras niya.
Pinitik niya naman ako sa noo at tinaasan ng kilay, tinitigan niya ako na parang nagsasabi na "nagpapatawa kaba?"
Alangan naman nagpapaiyak diba? Hindi pa nga ako patay, tss. Mukha talaga siyang timang.
![](https://img.wattpad.com/cover/330704393-288-k685961.jpg)
YOU ARE READING
Loving Miss Banana
Romance"Why would the universe give you to me twice if I couldn't have you once?" I believe that someone out there, somewhere, was made for me. I just can't believe it wasn't you. Why even this happened? Bakit hindi na lang Ikaw? In another lifetime, may...