10 Years Later...
Mariana Angelica Bautista
PROLOGO
MANGHANG mangha ako ng makapasok ako sa malaking mansion ng pamilya Licauco. Ang pinakamayaman na pamilya sa aming bayan. Kilala ang mga Licauco di lang dahil sa mayaman at ma-impluwensiya silang tao, ito'y dahil rin sa mababait at matulungin sila sa kapwa, lalong lalo na sa mga kapos palad katulad namin kaya naman namasukan ako bilang personal na katulong ng kanilang anak na lalaki. Excited na nga ako na makita yong sinasabi nilang aalagaan ko. Kasi ang nasa isip ko ay cute ito at mas bata sa akin ito. Wala naman kasi silang sinabi sa akin kong matanda o bata. Basta ang alam kulang kailangan nila na taong magaalaga at tutulong sa kanilang anak na lalaki habang nasa malayo sila.
"Oh' iha, dito nga pala ang kwarto mo. Kami kami ang makakasama mo sa malaking kwarto na ito." panimula nong matanda na siyang nagiikot sa akin sa malaking mansion ng mga Licauco. Ngumiti naman ako kay manang at tumango. "Nga po pala, manang, saan po ba yong kwarto ng alaga ko? sa taas po ba? pwede ko po kaya siyang makita?"
"Oo iha, sa taas nga ang kwarto ni sir Basti. Pero maya maya na kita ipapakilala sa kanya dahil tulog pa ito at ayaw ng istorbo kapag ganito kaaga palamang. Nagagalit kasi 'yon kapag hindi nasusunod ang kanyang kagustohan."
Grabe naman! kabata bata ay spoiled na. Palibhasay anak mayaman kaya lahat ng gusto ay nasusunod.
Tumawala nalang ako ng pilit ng maisip ko ang mga iyon.
"Ganon ho ba? grabe naman pala ang alaga ko, no manang. Sunod lagi ang gusto?" tumango tumango naman sa akin si manang, "Ganon talaga iha, kapag anak mayaman ka, lagi kang nasusunod."
Sabagay... tama naman si manang don. Yon rin ang nasa isip ko kanina ehh heheheh..
"Nga pala, matanong kulang iha. Paano ka nga pala nakapasok na katulong rito? ang alam ko kasi di sila basta basta nagpapasok at tumatanggap ng katulong masyado silang pribado sa lahat at dahil ayaw rin nilang maulit yong nangyari dati."
"Ah yon po ba? Ahhh ehhh ganito po kasi yon napadaan po kasi sa lugar namin si Sir Manuel at nagpapapahanap ng katulong at saktong napadaan sila samin kaya agad niyang kinausap sila inay at itay kong may kakilala raw ba sila na pwedeng mamasokan na pwedeng maging personal na katulong. Kaya nong narinig ko yon ay agad kong ini-presinta ang aking sarili. Sa una ay di pumayag ang inay at itay. Ngunit dahil malaki ang pangangailangan namin at dahil na rin sa pangungulit kaya napapayag ko rin sila na ako nalang ang mamamasokan na katulong sa kanilamg pamilya."
Mahabang paliwanag ko sa kanya..
"Ganon ba?"
"Opo manang. Kaya labis talaga ang pasasalamat ko kay sir Manuel, dahil hulog siya ng langit sa problema kinahaharap ng aming pamilya."
Tumango tumango naman si manang.
Pinaalam naman ni manang sa akin ang mga rules and regulation ng mga Licauco at habang naguusap ay nakarinig kami ng malakas na kalabog sa itaas, kaya.. natigilan sa pagsasalita si manang susan at napatingin sa itaas.
"Nako-patay, sir Basti. Nagising na!" dali dali namang umakyat pataas si manang susan kaya naman sinundan ko siya paakyat.
Pagkaakyat namin ng sabay ay naunang pumasok sa madalim na silid si manang, nasa likod lang niya ako. Binuksan pa niya yong ilaw sa kwarto at laking gulat sa bumungad samin, makalat at magulong kwarto?!
BINABASA MO ANG
Way Back You
General FictionWAY BACK YOU (UNEDITED) Summary... Isang aksidente. Ganyan kami pinagtagpo na dalawa at kalunan ay naging matalik na magkaibigan nong mga bata pa lamang at naging masaya naman ang kabataan naming dalawa. Pero sabi nga nila... hindi tatatag ang isang...