1 year later...
Chapter6: Inner Him
MAKALIPAS ang isang taon ay naging maganda naman ang recovery ni Mab, pero unti unti niya na rin naalala ang lahat at marami siyang katunungan lalo na sa akin. Kung bakit malabo pa rin sa alaala ang batang lalaking kasama noon sa aksidente.
Hindi ko rin masabi sa kanya yong totoo kasi... natatakot ako na baka pagmulan yon ng di namin pagkakaintindihan. Kaya naman nakokonsensya ako kapag magkamasa kaming dalawa, katulad ngayon... nasa isang resto kami while eating lunch.
Niyaya ko kasi siyang lumabas dahil wala rin akong magawa sa office tapos ay nabobored na rin kaya umalis ako at sinundo siya sa klase niya.
Matapos kasi yong aksidente na nangyari sa kanya before sa mansion, kaya nag decide ang pamilya niya na wag na siyang patrabaohin as my personal maid. Dahil ok na rin naman na ako kaya pumayag na rin sila dad na mag resign si Mab at nagpatuloy siya sa pag aaral dahil sapat na rin ang naipon nila upang mag aral ulit ng nursing.
Nong una ay away pang bumalik ni Mab sa pag aaral pero makulit ang mga magulang kaya wala siyang nagawa kundi ang pumayag.
Kaya ito... pareho kaming busy sa kanya kanya naming trabaho kaya naisipanan ko na ayain siya kumain sa labas dahil bukod nga sa parehong busy ay minsan nalang kami kong magkita na dalawa.
"Alam mo ba, mejo di pa rin ako sanay sa school ko. Kasi naman.. ang mahal nong bayad sa school na yon at puros mayayaman yong mga ka-klase ko don. Tapos may mga bully rin na di talaga maiiwasan sa isang kagaya ko na bagohan sa school, kaya mejo di ako maka-focus sa mga studies ko, dahil sa pangungulit nila sa akin.." sumbong niyang sabi while eating her food kaya naman napakunot noo ako sa sinabi niya at tinignan siya.
"Ano? May nambubully sayo don sa schoo mol? Ano gusto mong gawin ko sa kanila ha? P*tayin ko ba sila para sayo? Upakan ko ba? Or ipatapon ko sila sa malayong school for you?"
Tinawan niya naman ako sabay punas ng bibig gamit ang tissue at tumingin sa akin ng deretso, "Tsk, ang OA mo rin e noh? Ipatapon talaga? Anyway just don't mind what I'm saying to you Mr. Licuaco, ok? Tsaka.. pinanganak kaya akong marunong ipagtanggol ang sarili noh. Kaya ayon... yong isa sa mga nambully sa akin? Pinatikim ko ng pangmalakasan kong flying sipa. Sapol ang mukha nong gag* sa akin."
Tawang tawa naman siya habang sinasabi yon kaya minsan napapasip ako na ang swerte ko kasi ibang iba na siya sa dati. Palaban na kasi siya sa salita at sa kilos di tulad ng dati na puro iyak lang siya, habang nagsusumbong sa akin.
How i wish na minsan maging ganon rin siya ulit kahit minsan lang.. kasi gustong gusto ko na namamangha siya sa akin habang nilalaban ko yong mga nangaapi sa kanya.
But now? She can fight her self at kong magsumbong man siya ay dahil yon sa lumaban siya at hindi nagpaapi.
Napangiti nalang ako habang nakatingin sa kanya na busy sa pagkain niya.
Matapos kaming mag lunch ay hinatid ko siya sa school niya at nong papaandarin ko na sana yong makina nong sasakyan ko ay biglang may lumapit sa kanya na mga lalaki. Tatlo sila at mukhang sisiga siga.
Kaya naman tinignan ko mo na yong mga mangyayari at baka kailanganin niya ang tulong ko, pero laking gulat ko, nong isa kanila ay umakbay kay Mab tapos ay tumawa sa kanilang kanila siya at pumasok silang apat ng sabay sa loob.
Sa inis ko ay di ko napigilan ang hindi magalit dahil pakiramdam ko ay mukhang may nakaisa kay Mab. Kaya wala sa sarili akong nagdrive pabalik ng office.
Buti nalang walang nangyari sa aking masama nong makabalik ako sa office dahil lutang ang isip ko habang nagda-drive.
Naiisip ko pa rin kasi yong mga nakita ko kanina, kong paano akbayan nong lalaki si Mab hanggang sa magtawanan silang apat at pumasok ng sabay sa loob ng school.

BINABASA MO ANG
Way Back You
General FictionWAY BACK YOU (UNEDITED) Summary... Isang aksidente. Ganyan kami pinagtagpo na dalawa at kalunan ay naging matalik na magkaibigan nong mga bata pa lamang at naging masaya naman ang kabataan naming dalawa. Pero sabi nga nila... hindi tatatag ang isang...