CHAPTER 3

5 5 0
                                        


Chapter3: Self Control of Emotion

WALA pa rin ako sa sarili ko, habang kumakain kasabay si sir Jonathan.

Inaya kasi ako nito na kumain sa isang coffee shop, malapit lang sa salon kung nasan si sir basti. Habang kumakain naman ay naiisip pa rin yong mga nangyari kaya naman halos di ko makain kain yong pancake na inorder niya para sa akin at sa sobrang lutang ko, natapon sa akin yong toppings nong kinakain ko.

Nagaalala naman akong binalingan ng tingin nito. "Ayos ka lang? bat parang wala ka sa sarili mo?"

"A-ayos lang sir."

"Are you sure? you look like your not ok? ano ba kasing nangyari kanina at bat takot na takot ka nong maabutan kita kanina? nanginginig ka pa nga nong inaya kitang lumabas. Yong totoo may sinabi ba siyang masama sayo? sabihin mo lang at ipapahanap ko yon."

Di ko masabi sa kanya yong totoo kasi bukod sa di kami close, eh di naman ata tama na sabihin ko sa kanya ng ganon lang yong nasa isip ko.

Kaya naman umiling iling ako bago siya sagutin. "Ok lang talaga ako sir. Sadyang ayaw kulang talagang kinakausap ako ng kung sinu sino, kasi kinakabahan at natatakot ako. Basta, its a long story po at ayaw ko na po yong pagusapan pa, ulit."

"Ok, I understand. Anyway.. sorry if i ask you."

Tumango tango naman ako sa kanya. "Ok lang yon sir. Nga pala, salamat dito sa pa breakfast mo ah? sakto kasi nagugutom na rin ako ehh."

"Wala yon noh. Isa pa kong sino yong malapit sa kaibigan ko, parang kaibigan ko na rin."

"Talaga lang ha sir?" di makapaniwala na sabi ko sabag subo nong pancake sa bibig. "Oo naman. Kaya nga simula ngayon, cut the sir and inteads call me by my name, Jonathan."

"Ok, Jonathan. Ayos na ba yon sayo?"

"Yon oh. Dahil mag friends na tayo. Kwentohan mo naman ako about kay Chito. Matagal na rin kasi nong huling kita ko, sa kanya," he said and drink his coffee.

"Kay sir?" nagugulohan na sabi at nagisip. "E wala naman akong ibang alam kay sir kundi ang masungit siya kahapon. Pero laking pagtataka kulang nong nagbago siya bigla at ngayon malumay ng kausap. Tapos alam mo, nag sorry pa siya sa akin." nawi-weirdohan na sabi ko.

"Talaga lang? Tsk, tignan mo yon dumating kalang bumalik na siya ulit sa dati. For so many months of loneliness, Ikaw lang pala ang magpapalaya sa kanya at makakapagpabago ng ugaling rude," bulong na sabi sa huli kaya di ko halos narinig.

"Anong sabi niyo si‐  I mean Jonathan, ano nga ulit yong sabi mo? di ko kasi masyado narinig eh..."

Nagiba naman bigla yong timpla niya at tumawa ng pilit. "A-ahh yon ba? N-nako, wala yon. Just don't mind me. Basta ang masasabi kulang sa ngayon ay masaya ako, na nakikita ko na ulit ang dating kaibigan ko na si Chito at... sabihin na natin na isa ka sa dahilan ng lahat ng yon. Kaya salamat sayo," he said and smile.

Natawa nalang ako sa sinabi nito. "Alam mo, ang gulo mo rin kausap, kayo ni sir basti. Same talaga kayo ng kaibigan mo, hindi straight to point magsalita. Well, life niyo yan at hindi sa akin. Basta ako? masaya na ako na kahit papaano e nagiging ok na si sir basti. Lalong lalo na sa akin."

"Me to, I'm very happy to see him again, just like before. Alam mo, sana magpatuloy na to. Yong masaya lang siya na walang pino-problema and speaking of problem. Wala ka bang alam kung kailan magpapa tingin ulit sa doctor si Chito? i mean kailangan niyang magpatingin ulit para malaman kong may chance pa ba siyang makakita or what?!"

Napaisip naman ako bigla nong sabihin niya yong about sa kondisyon ni Sir basti.

"Oo nga no? kailangan niyang magpatingin kasi ang alam ko, di naman ganon kalala yong nangyari sa kanya, sadyang ayaw niya lang mag pa opera dahil raw sa trauma siya sa operation, dahil sa namali ang doctor. Anyway, may chance pa naman na makakita siya ulit. Alam ko yon kasi nurse ako at ramdam ko na makakakita pa siya."

Way Back YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon