Chapter 1
5 Month Later...
Chapter1: Pagtaboy Palayo
MAAGA akong ginising ni manang dahil kailangan ko raw lutuan at pakainin si sir basti. Kaya naman agad akong bumangon sa pagkakahiga at minulat ng malaki ang mata ko at kinusot kusot pagkatapos non ay dumeretso sa banyo para maghilamos.
Kumain naman agad ako ng agahan na hinanda ni manag tapos ay naligo at nagbihis ako bago ko tinungo ulit ang kusina para lutuan si sir ng makakin niya. Fried rice with sauges and sunny side up ang niluto ko for him and dumeretso na ako agad sa taas.
Kumatok naman muna ako bago pumasok sa loob.
"S-sir may dala po akong—" but he cut me off. "Just put it down in my bed and leave my room."
"P‐pero sir..."
"Just leave, now!"
"O-opo, ito na nga po eh..." natataranta na sabi, sabay lumabas ng kwarto niya at dali daling bumaba.
Bumungad naman sa akin ang mukha ni manang na may hawak na isang tasa ng kape habang iniinom ito. "Oh' anong nangyari? kumain na ba si sir?"
"Hindi ko nga po alam manang eh... kasi po.. pinalabas niya ako agad. Kaya ayon..." napayuko naman ako dahil sa sinabi ko.
"Ano?" Sabay baba nong iniinom. "Nako iha, dapat mapakain mo si sir basti, kundi lagot tayo kay ma'am Beatrice niyan! darating pa naman yon mamaya para tignan ang lagay ng kapatid."
Nagaalangan naman ako na tumingin kay manang. "Paano yan manang? nakakatakot kasi si sir basti ehh kaya di ko siya maharap harap."
"Pero iha, matagal ka na rin nagtratrabaho rito at isa pa, baka nakakalimutan mo, trabaho mo na alagaan si sir basti at kasama na sa trabaho mo ang masiguro na mapakain siya sa tamang oras. Dahil kailangan niyang mainom yong mga gamot niya."
Napatango tango naman ako kay manang. Kaya bagsak ang balikat na umaakyat ako ulit pataas sa kwarto ni sir basti at habang papalapit ng papalapit ako sa silid niya ay taimtim naman akong naguusal ng dasal na sana di ako mahirapan at pahirapan ni sir.
Natatakot naman ako na kumatok ulit bago nagsalita. "S-sir basti, papasok na po ako ulit ahhhh..." pumasok naman ako sabay sinara ang pinto.
"What the h*ll are you doing here? Are you st*pid? di ba i tell you na leave my room?"
Kinakabahan naman ako na tumingin sa kanya, "S-sir, bilin po k-kasi ni manang susan sa akin ang masiguro na m-makakain niyo po yong hinanda ko po s-sa inyo,"
"And? why the h*ll all of you care if i take this food or not? besides kainin ko man yan or hindi its the same way, I'm useless. Naiintindihan mo ba? So just leave me alone and don't you ever come back again to my room,"
"P-pero sir traba—"
"Nakakintindi ka ba talaga ha? or sadyang bob* kalang talaga? I said leave, leave my room, now!"
Hindi ko na talaga alam kong anong gagawin ko, naluluha na rin ako dahil sa mga pangiinsulta at sa mga masasakit na salita na binibitawan niya.
Lahat na ginawa ko na at kulang nalang magpakaawa ako sa kanya.
Di ko na talaga kaya pa at sasabog na ang dibdib ko sa galit. Kaya naman di ko na napigilan pa at na sagot ko siya.
"Ganyan ba talaga kayong mayayaman ha? kong makapangmaliit kayo ng kapwa niyo, e wagas! Pero sige, tanggap ko naman eh, na mahirap lang kami. Pero ang insultohin mo ako, itaboy palayo at sabihan ng masasakit na salita? yan hinding hindi ko matatanggap. Kaya bahala ka na kong kakainin mo yang niluto ko or hindi. Basta tandaan mo to, kasalan mo kong bakit may wawalan ng trabaho ngayon. Kasi ayaw ko na. Suko na ako. Ayaw ko ng makisama pa sa katulad mong bastos at walang galang. Bahala ka na sa buhay mo. Tutal wala ka namang pakialam kong wawalan ako ng hanap buhay ng dahil sayo!"

BINABASA MO ANG
Way Back You
General FictionWAY BACK YOU (UNEDITED) Summary... Isang aksidente. Ganyan kami pinagtagpo na dalawa at kalunan ay naging matalik na magkaibigan nong mga bata pa lamang at naging masaya naman ang kabataan naming dalawa. Pero sabi nga nila... hindi tatatag ang isang...