CHAPTER 2

4 5 0
                                        


Chapter2: Stranger Guy

MASAYA kong sinalubong ang umaga dahil pakiramdam ko may magandang mangyayari sa sa araw na iyon, kaya sinadya ko na mas gumising ng maaga at habang tulog pa si manang susan ay naisipan ko na ipagluto siya ng agahan. Pasasalamat ko na rin sa kabaitan na ipinakita niya sa akin, simula nong unang pasok sa mansion ng mga Licauco.

Lalabas na sana ako ng kwarto ng maramdam kong bumukas ang pinto ng silid at sabay non ay iniluwa at bumungad sa akin ang mukha niya na hindi ko inaasahan na makikita ko sa umagang yon. Sa gulat ko ay napasigaw pa ako.

Nagising naman sapagkagulat si manang susan at dali daling lumapit sa akin.

"Nako, ano bang nangyayari ha? bat ka biglang nasigaw? may nangyari bang masama sayo iha?"

Di ko naman masagot sagot si manang dahil nga gulat na gulat pa rin ako habang nakatingin sa kanya, sa may pinto.

"Ano ba kasing tinitignan mo at para kang nakakita ng mul— s‐sir basti?! a-ano pong ginagawa niyo dito? m-may kailangan po ba kayo?" gulat na sabi ni manang at don lang ako nataohan ng marinig kong sinabi niya yong pangalan niya.

"A-anong... ginagawa mo dito ha?" mejo kinakabahan na sabi ko. Ngumisi naman siya sa akin. "Akala ko ba aalis ka na? pero.. bakit nandito ka pa rin?" malumanay na pagkakasabi.

Mas lalo tuloy akong nagugulohan sa mga nangyayari.

Bat kasi ang gentlyman niyang magsalita ngayon???

"A-ano ba, wag ka ngang ganyan. Mas lalo tuloy akong na wi-weirdan sayo."

Natawa naman siya sa sinabi ko. Kaya naman mas nanlaki yong mata ko nong makita kong tumawa siya.

First time yon ahhh. Sa tagal ko ng nagtratrabaho sa pamilya Licauco? Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganon...

"Hala siya... sinasaniban ka ba ng masamang elemento ha? ano, magsabi ka, hindi ka si sir basti noh? sabihin mo, sino kang masamang nilalang ka na sumapi sa kanya ha, ha??"

Di makapniwala na sabi rito.

"Tsk. Your funny. Anyway i wanna say... sorry to you at sa mga nangyari kahapon."

Hala! nagsorry nga siya sa akin. Tama nga si maam, magsosorry nga siya?!

Pero paano nangyari yon???

"T-talaga bang nagsosorry ka sa akin ngayon ha?" tumango tango naman siya.

Nagugulohan pa rin ako kaya naman humarap ako kay manang.

"Manang, kurutin niyo nga po ako,"

"Aba, nababaliw ka na bang bata ka ha? at bakit naman kita kukurutin? may nagawa kabang masama?"

"Ah, basta manang. Kurutin mo nalang po kasi ako. Dali na po kasi..." pagpipilit ko na sabi sa kanya.

Wala namang nagawa si manang at umiling iling na kinurot ako sa may braso ko at sa sobrang sakit non ay napa daing ako.

"Aww!"

"Oh' ayan kasi... kong di ka ba naman loko-loko na bata ka, magpakurot ka ba naman sa akin,"

"Atleast manang di ako nababaliw kasi totoong nagsorry ngayon si sir basti, sa akin," sabay binaling ko ang tingin sa kanya. "Nga pala sir, yon lang po ba ang pinunta niyo dito? or gusto niyong ipaglu—"

"No thanks. Gusto ko lang na samahan mo ako ngayon. Aalis tayo, so fix your self and i wait you sa labas."

"Pero—" di ko na natapos yong sasabihin ko ng talikuran niya ako.

Kita mo yon... nilayasan ako bigla...

Ano bang nangyayari sa isang yon? kanina nagsorry, tapos ngayon naman magpapasama pa siya... sa akin? talagang lang ha?!

Way Back YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon