KURDAPIA: Pang-apat

883 28 22
                                    

KURDAPIA: PANG-APAT

LAKING-GULAT ng magkakapatid na Popolo, Ishike, Hosua, Malya, Dalya, Kuria at kanilang Inang sa ginagawang pagsira ng kanilang Manang sa banig na nalaglag.

"Manang, bakit po ninyo sinisira ang banig!" Pilit na inagaw ni Popolo ang banig kay Leya, subalit, bigo siya na makuha iyon.

Lumingon si Leya sa kanilang Manong, "Tignan mo, Sangko! Hindi ka ba naaawa sa itsura ni Manong? Duguan ang kanyang mukha, dahil sa iyo! Pinagbubugbog mo siya!" Aniya at napaatras si Popolo.

"Anong pinagsasasabi mo Manang? Anong dahil sa akin? Wala po akong ginagawa kay Manong." Nagtatakang wika ni Hosua habang nakatingin kay Popolo.

Animo'y napasailalim sa maitim na kapangyarihan si Leya. Malayo sa katotohanan ang kanyang mga winiwika.

"Siguro marahil ay pinaglalaruan tayo." Napatingin ang magkakapatid sa kanilang Inang.

"Bakit po tayo paglalaruan, Inang? May nagawa po ba tayong hindi maganda?" Pag-uusisa ni Popolo.

"Oo nga po, Inang." Sabay na sambit ng kambal.

Habang pinagmamasdan ang kakaibang kilos at mga salita ni Leya. Kinausap ng Inang ang kanyang mga anak.

Unang nilapitan ng Inang ang isa sa kambal, "Malya, hindi ba kanina nalaglag mo ang banig?" Tanong nito.

"Opo Inang. Tapos noong kuhanin ko, bigla po kayong nawala. Tapos nilalag ko ulit. At nang kukuhanin ko po, biglang inagaw sa akin ni Manang iyong banig." Ani Malya.

"May nakita ka bang kakaiba?" inusisa ng Inang ang kanyang anak, "Ibig kong sabihin, kung nakakita ka ba ng mga kakaibang nilalang?" Pagpapatuloy nito.

Napayakap si Kuria kay Dalya, "Ditse, may alam ka po ba sa mga nangyayari?" Nagtatakang tanong nito.

"Wala, Sanse," mabilis na sagot ni Dalya, "Makinig na lang tayo sa kanila." Pagpapatuloy niya.

Hinawakan ng Inang ang dalawang kamay ni Malya. Naramdaman niya ang panginginig ng mga kamay ng anak.

"Natatakot ka ba?" Tanong ng Inang.

Tumango ang anak at yumakap sa kanyang Ina.

"Inang... Natatakot po ako. Hindi ko po alam kung ano ang nangyayari. Pero noong makuha ko na po ang banig, biglang may babaeng dumaan. Wala po siyang mukha. Parang puro balat lang po, tapos puro dugo pa po. Inang! Natatakot po ako!" Humigpit ang yakap ni Malya sa Ina. At doon nagsimula nang umagos ang mga luha na kanina pa gustong tumulo.

Hinaplos ng Inang ang mukha ng anak. Pinunasan nito ang mga luha - gamit ang kanyang malalambot na kamay.

"Tahan na, Ditse. Huwag kang matakot," tumingin ang Inang sa kanyang mga anak, "Tandaan ninyo mga anak. Walang mangyayaring masama. Walang sinuman ang makakapanakit sa inyo. Gagawin ko ang lahat, maging ligtas lang kayo." Aniya at sinenyasan ang mga anak na lumapit sa kanya. At sila ay kanyang hinagkan.

Lumagapak sa bitak-bitak na lupa ang wala nang buhay na katawan ni Hosua. Ngunit, hindi pa doon nagtatapos.

Pumulot si Leya ng bato, at nanggigigil niya iyong hinawakan. Matalas ang tingin sa nakahandusay na si Hosua. Animo'y mga patalim na handang-handa tumusok sa katawan nino man.

Itinaas na ni Leya ang kanyang kamay, handa na siyang ihambalos ang bato sa nakahandusay na katawan ni Hosua.

Sabay-sabay na napalingon ang magkakapatid at kanilang Inang nang biglang sumigaw nang napakalakas si Leya. Nakabibingi ang sigaw na iyon, para bang sasabog ang bamban ng tainga kapag hindi mo tinakpan ang iyong tainga.

KURDAPIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon