KURDAPIA: Pang-anim

703 17 12
                                    

KURDAPIA: Pang-anim

NASALAG ng Inang ang nagngangalit na kamao ni Leya. Madiin niyang pinilipit ang kanang kamay ng anak.

"Inang! Ano po iyang ginagawa ninyo! Nasasaktan na po si Manang Leya!" Labis-labis na ang pag-aalala ni Popolo para sa kanilang kapatid. Lalo na nang sumigaw ito ng napakalakas.

"Kahit anong gawin mo, Rika. Anak mo lang ang nasasaktan!" Natatawang ani ng boses ng lalaki. Mabilis na binitawan ng Inang ang pinilipit na braso, at tumalikod.

Ngunit sa kanyang pagtalikod, mabilis na kumilos ang katawan ni Leya at sinakal nito ang kanyang Inang.

"Hanggang ngayon ba naman, Rika. Maawain ka pa rin?" Inamoy-amoy ni Leya ang leeg ng Inang. Animo'y may pagnanasa ang lalaking sumanib sa katawan ng anak nito.

"Manang Leya! Inang! Tama na ho iyan!" Malakas ang sigaw na pinakawalan ni Ishike. Mabuti na lang at hindi nagising ang kambal nilang kapatid at si Kuria.

Humigpit ang pagsakal ng kamay ni Leya sa kanyang Inang. Kasabay ng patuloy na pag-amoy-amoy sa kaliwang bahagi ng leeg at tainga nito.

Pagkatapos sa kaliwa, sa kanan naman inamoy ang Inang, "Naaalala mo ba iyong gabing na magkasama tayo, Rika?" sabay singhot ng napakalalim. "Ang bango mo tala-" Siniko ng Inang ang tagiliran ng anak.

Napasigaw at napaluhod sa putik ang katawan ni Leya. "Iyan ang talagang hindi ko malilimutan sa iyo, Rika." Natatawang ani ng boses ng lalaki.

"Kilala na kita!" Nag-ayos ng buhok ang Inang. Kumuha ng goma na nasa kanyang bulsa at tinalian ang buhok na nakalugay.

Tumayo ang katawan ni Leya, nakatingala at nakangisi ang itsura nito. Animo'y sabik-sabik na makatikim ng laman.

"Padu! Alam mong kahit noong nabubuhay ka pa lang, hindi ako kailanman nagkagusto sa iyo. Ayoko sa mga lalaking walang inisip kung hindi ang pansariling interes!" Seryosong ani ng Inang.

Napayuko ang kanyang anak, "Rika, aminin mo na. Ikaw ang pumatay sa anak ko hindi ba?" ani ng boses ng babae.

"Sino ka?! Wala akong alam sa mga sinasabi mo!" Galit na wika ng Inang.

"Masisisi mo ba ako Rika? Nagmamahal lang ako. Tapat at seryoso ang inaalay kong pag-ibig sa iyo. Subalit, anong ginawa mo? Pinagsawalang bahala mo iyon, at sumama ka sa kapatid ko!" Humahalakhak na ani ng boses ng lalaki.

Nagugulumihanan na ang magkapatid na Popolo at Ishike habang pinakikinggan ang usapan ng kanilang Inang at kapatid.

"Manong, kilala mo ba iyong pangalan na binanggit ni Inang?" Nagtatakang tanong ni Ishike.

Humarap si Popolo sa kapatid, "Hindi ako sigurado, Diko. Pero... may natatatandaan akong lalaki na laging dumadalaw sa bahay noong nakatira pa tayo sa dati nating bahay." Sinariwa ng Manong ang kahapon.

Malakas ang hangin ng gabing iyon. Habang sinasalansan ng Inang ang mga damit na isinampay. Ilang saglit pa'y may dumating na isang lalaking nakasuot ng magarang kasuotan. Mahaba ang manggas ng damit, at nakapantalon.

"Kumusta Rika?" Nakangiting bati ng lalaki.

"Mabuti naman." Nakangiting sagot ng Inang.

Nang mailagay na ng Inang ang mga damit sa isang buslo. Agad itong tumalikod papasok sa kanilang bahay.

"Hindi mo man lang ba ako lilingunin, Rika?" Nagtatakang tanong ng lalaki.

KURDAPIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon