KURDAPIA: Panglima

846 22 20
                                    

KURDAPIA: Panglima

PAPIKIT-PIKIT ang mata ni Hosua habang nakatayo sa harapan ng tindahan na puro agiw. Animo'y hinahaplos ang kanyang mukha.

"Naaalala ko talaga ang ganito, Lolo," sabay upo sa marupok na hagdang gawa sa kahoy, "Sana po Lolo hindi na ito matapos. Ayoko na pong bumalik sa amin." Naliligayahang ani Hosua at biglang bumigay ang hagdan na inuupuan niya.

"Hosua!" Nataranta si Popolo nang makita ang nangyari sa kanilang kapatid. Tatakbo na sana siya, ngunit hinigit ni Ishike ang braso nito.

Umiling-iling si Ishike, "Bakit?" Tanong ni Popolo.

"Pagmasdan mo mabuti ang ikinikilos ni Sangko. Gayon si Manang Leya." Palipat-lipat ang tingin ni Popolo sa dalawang kapatid. At nagkaroon ng espekulasyon sa kanyang isipan - patungkol sa mga nangyayari sa kanilang pamilya.

"Pero, Diko..." hindi alam ng Manong kung ano ang kanyang iisipin. Naguguluhan siya, kahit na may agam-agam na pumapasok sa kanyang isipan.

Tumingala si Ishike, "Malapit na bumuhos ang ulan. Kailangan nating sumilong." Aniya at kumuha na siya ng mga gamit na kaya niyang bitbitin.

Humiwalay si Kuria kay Malya at lumapit siya kay Ishike, "Saan ka po pupunta, Diko?" Tanong nito na halatang takot na takot.

Muling ibinaba ng Diko ang mga gamit na kanyang kinuha at tumingin sa nakababatang kapatid na babae.

"Sanse... natatakot ka ba?" tumango ang kapatid at mabilis siyang hinagkan ng kanilang Diko, "Huwag kang matakot, Sanse. Sigurado akong matatapos din ang lahat ng ito. Babalik din ang lahat sa ayos." Nakangiti ngunit nakatingin kay Hosua na ani Ishike.

Nakaramdam ng inggit ang kambal na kanina pa nakatingin sa magkayakap na Diko at Sanse.

"Diko, natatakot din po kami." Sabay na sambit ng kambal.

Sumenyas si Ishike at umupo ang kambal. Nasa gitna nina Ishike, Dalya at Malya ang kanilang Sanse na si Kuria. Mahigpit ang naging yakapan ng apat. Ilang saglit pa ay bumuhos na ang malakas na ulan.

"Ano? Diyan na lang kayo?" Sabay-sabay na nagtawanan ang apat sa sigaw na iyon ni Popolo na kasalukuyang nakasilong na sa harap ng malaking bahay.

Mabilis na tumayo si Kuria - hindi man lang siya bumitbit ng gamit na kaya niyang dalhin.

"Bilisan ninyo! Huwag na kayo maglarong tatlo diyan!" Pinahawak ni Popolo ang bitbit niyang gamit kay Kuria at tumakbo siya papunta sa mga kapatid, na animo'y naglalaro habang kumukuha ng mga gamit na bibitbitin.

"Heto ang sa iyo Ditse! Akin iyan." Ani Dalya.

"Heto akin. Iyon ang sa iyo!" Ani Malya.

Nagtatalo ang kambal sa kung ano sa unan o lutuang palayok ang kanilang dadalhin. Dahil sa mabigat ang palayok, ayaw iyon bitbitin ni Dalya. Kaya ipinapasa niya ang ibinigay ng kanilang Diko.

"Ano ba kayong dalawa, Ditse! Pati ba naman iyan pinagtatalunan pa? Talaga bang gusto ninyo magkasakit?" Kumulog ng malakas - kasabay ng mabilis na pagkilos ng kambal. Mabilis pa sa isang segundo ang ginagawa nilang paghakot ng mga gamit papunta sa silungan.

Nagulat si Popolo sa nangyari. Sa loob lamang ng limang minuto, naisilong ng kambal ang kanilang mga gamit na hindi puwedeng mabasa - dahil masisira.

"Ano, Manong? Nakanganga ka diyan?" Natatawang ani Dalya.

Nagdampi ang dalawang palad ng kambal at sabay na nagtawanan.

"Nasaan na iyong dadalhin ko?" Nagtatakang tanong ni Ishike sa sarili. Nagulat siya nang makitang mabibigat na kagamitan na lamang ang natira sa kalsada.

KURDAPIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon