2

2 0 0
                                    

*Ring ring ring*

"Okay that's all for today, good bye class."

Pagkatapos nun sabihin ni Ma'am ay agad niyang kinuha ang laptop niya. Pipihitin na niya sana ang door nang tumayo ako at nagpaalam sa kanya.

"Thank you and Good bye Mam Danica."

Napansin kong ang tahimik ng buong classroom at tanging ako lang ang nakatayo.

Lumaki ang mga mata ko ng marealize ko na ako lang pala ang nag-greet kay Ma'am. Tumingin ako sa palibot, natigilan silang lahat na nakatingin sa akin pati si Lian.

Kinakabahan ako. Lahat sila ay seryosong nakatingin sa akin.

Pinagpapawisan na ako.

Nanginginig na naman ang mga tuhod ko.

Nanlalamig na rin ang buo kong katawan.

Para akong tinakasan ng kaluluwa.

Nang biglang--

"Pfffft-- HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Lahat sila ay tumawa ng malakas. May iba na nakahawak pa sa tiyan. At may iba rin na nakaturo sa akin habang tumatawa.

Tiningnan ko naman si Lian at tumatawa rin siya nang pagkalakas-lakas na parang hindi babae. Pinapahiran niya pa ang luha niya sa kanang mata.

Tiningnan ko rin si Ma'am na....

Natutuwa?

Nakatingin siya sa akin at natutuwa siya.

Wait.

Huwag mong sabihin na..

Ako ang kauna-unahang estudyante na nagi-greet sa guro bago ito umalis?

What the-?

ANG BAIT KO TALAGA! BUWAHAHA!

"Silence!" sabi ng babae sa gilid.

Ngayon ko lang nakita ang babaeng ito.

Ang itim ng buhok niya. Ang puti pa ng kutis niya. At ang ganda niya.

Nagulat ako sa nangyari. Napatahimik niya ang mga kaklase namin at parang takot na takot pa ang iba. Yumuko silang lahat at parang mga tuta na nagmamakaawa habang nag-aayos ng kani-kanilang mga gamit.

She must be very powerful at takot na takot ang mga kaklase ko sa kanya.

Binalewala na lang iyon at inayos ko na rin ang mga gamit ko at nagulat na lang ako ng bigla akong sundutin ni Lian. Kaya tumingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo.

"Mamaya pang 9:30 ang balik sa klase. May thirty minutes pa tayo. Gusto mong pumunta tayo sa cafeteria?" nakangiting sambit sa akin ni Lian na may asal na parang lalake.

"Uh.. Okay sige." medyo nag-aalangan kong sagot sa kanya dahil baka i-bully rin ako ng isang 'to.

"Ha? Bakit parang nag-aalangan ka ata? Naku 'wag kang mag-alala. Mabait ako, hindi ako nangangagat ng lalake. Hahaha!" parang baliw ang isang 'to. Ang ganda sana kaso kilos lalaki naman.

Bigla siyang tumahimik at tumingin siya ng diretso sa aking mga mata habang seryosong-seryoso ang mukha.

"Ano na? Tara na sa cafeteria." sabay hila niya sa akin at buti na lang at nahagip agad ng kamay ko ang bag ko.

Ano bang problema ng babae na parang lalaki na to?

"Uy. Libre mo 'ko ha. Salamat." nagulat ako sa biglang pagsabi niya ng ganun.

Dating The MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon