4

3 0 0
                                    

"Oh my gosh. Super duper gwapooo~"

"Transferee siguro?"

"Kyaaaaa~"

"Naks. Ang dami mo ng chix ah?" tukso sa akin ni Lian habang naglalakad na kami dito sa corridor.

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Papunta na kami sa classroom ngayon at hindi ako sanay na tinitilian ng mga babae dahil sa kilig. Noong una kasi, tinitilian ako ng mga bata, dahil sa takot. Pang Biyernes Santo nga raw kasi ang mukha ko, or araw-araw na Halloween sabi pa ni Artemis--- ang kapatid kong babae.

"Hindi ako sanay. Turuan mo 'ko." natawa na lang siya sa sinabi ko.

"Mas expert pa ata ako sayo. Gusto mo turuan kita?" nakataas-baba habang nakangiting aso na sabi sa akin ni Lian.

Napafacepalm na lang ako sa suhestiyon niya.

Sa ngayon, nakakalakad na ako na nakataas ang noo. Hindi na masyadong mahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko at nakakapagsalita na rin ako kay Lian.

Ang laki ng naitulong niya sa akin kahit unang araw pa lang kaming nagkakilala.

"Oh nandito na pala tayo." sabi ni Lian at tama nga siya, nandito na nga kami sa harap ng classroom namin. Nakita ko sa itaas ang III-A at binuksan ko na ang doorknob ng pinto.

Nagulat ako sa nadatnan namin sa loob. Nagkakagulo kasi sa harapan at nagsisigawan pa ang mga kaklase namin.

"Anong nangyayari?" tanong ko kay Lian habang nakakunot pa ang noo.

She just shrugged her shoulders. "Aba malay ko. Magkasama tayong pumunta dito e." sabi na lang niya at pumunta na siya sa upuan niya.

Lahat ng mga kaklase namin ay nasa harap at nakikipagsigawan. Parang may binubully kasi doon sa pinagitnaan nila at wala pang nakakapansin sa pagpasok namin ni Lian.

Pwera na lang kay Lian na naka-earphone na natutulog na sa desk at ang President ng klase, yung babaeng napatahimik ang mga kaklase namin kahapon.

Relax na relax lang siya habang nagbabasa ng libro at nakasandal sa upuan.

Minsan ay tumitingin siya sa harapan at napapailing at ibabalik naman ang tingin sa librong binabasa.

Umupo na ako sa tabi ni Lian at sinusundot ko pa siya.

"Ano ba?! Kita mong natutulog yung gwapo e." reklamo sa akin ni Lian habang masamang nakatingin sa akin. May laway pa siya sa gilid ng labi niya. Ew.

Tinuro ko yung babaeng nagbabasa ng libro na easy na easy lang habang may nagrarambolan sa harap.

"Sino yun?" tanong ko sa kanya habang nakanguso pa sa babaeng yun.

Kinusot muna ni Lian ang mga mata niya at pinahid ang laway saka tiningnan ang babaeng tinuro ko.

Napangisi siya at tumingin sa akin. "Siya si Llumina Cross, ang Class President, 1st honor. Nag-iisang anak ni Elesis at Mindrizell Cross. Isang malaki at napakamakapangyarihang pangalan sa Business Industry at sa Archery World. Archer at magaling sa shurikens din yan at kahit nasa ilang metro ka pa ay kaya kang matarget niyan. Huwag na huwag mong babanggain ang babaeng yan dahil kaya ka niyang pahirapan kahit sa isang pitik lang, pati ang mga magulang mo. Isa siya sa pinakatatakutan at pinakamakapangyarihan dito sa Eilegna Academy." mataas na description ni Lian Fortalejo tungkol kay Llumina Cross.

Dang. Archery? Ang hirap niyan. At kaya pala takot na takot ang mga kaklase namin kahapon sa kanya kasi isa pala siya sa pinakatatakutan sa school.

Dating The MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon