3

3 0 0
                                    

*Kruuu

Napatingin siya sa akin habang nagmamaneho siya na parang gulat na gulat.

"Sorry." sabi ko na lang sa kanya habang nakayuko.

Kanina pa ako gutom na gutom. Dahil kinain niya ang pagkain ko na dapat ay kakainin ko para pananghalian. Kaya ako nagugutom ngayon. Wala pa akong kain at nahihiya akong sabihin sa kanya, and at the same time ay natatakot dahil baka tawanan lang niya ako.

"Kinain ko pala ang pagkain mo kanina no? Hahaha! Punta na lang tayo sa restaurant ha?" sabi niya sa akin habang natatawa at ibinalik na ang kanyang tingin sa daan.

4:05pm na at hindi pa ako kumakain. Bigla na lang kasi siyang nawala sa lunch kanina kasi may practice pa pala siya sa piano para sa music club ng school.

At nang pumunta ako sa cafeteria na may dalang 50 pesos sa bulsa ay bigla akong nanlumo. Pagtingin ko kasi sa menu ay muntik na akong mapamura sa pinakamura nilang price, ang tubig nila na 20 pesos. May 30 pesos pa akong sukli at pamasahe na lang 'to.

Biglang huminto si Lian at nakita ko sa labas ng kanyang sasakyan ang isang restaurant.

Sa itsura at disenyo pa lang ng restaurant na ito ay alam mo na

ng masasarap ang mga pagkain. Sosyal. Kahit na semple lang ang itsura niya ay napakalinis naman.

Lumabas na kami ng kotse at pumasok na sa restaurant. Narinig ko na naman ang pagtunog ng sikmura ko kaya bigla akong yumuko.

Hindi ako sanay pumunta sa isang restaurant dahil hanggang carenderia lang talaga ako.

Hindi ako sanay na pinagtitinginan ng mga desenteng tao na may mga magagarang damit.

Hindi ako sanay sa ganitong klaseng sitwasyon, nasa pangmayamang lugar kasama ang mga mayayamang tao.

Mas ibinaba ko pa ang ulo ko at mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa strap ng aking bagpack.

Nagbow ang sumalubong sa amin at iginiya kami sa table ng pandalawahan dito sa pinakagitna.

Binigyan niya kami ng menu at para akong nakakita ng butiki sa presyo ng pagkain.

Dahan-dahan habang nanginginig kong ibinaba ang menu sa ibabaw ng lamesa.

"Uhh. Li-Lian.. Wa-wala akong ganyang kalaking p-pera." nanginginig kong sabi sa kanya habang nakayuko pa rin.

Iniangat ko ang mukha ko upang makita ang ekspresyon niya na gulat na gulat hanggang sa tumawa siya bigla.

Ghad. Ba't ba napakabaliw ng babaeng 'to?

Nagulat ako sa bigla niyang paghampas sa akin habang tumatawa pa siya ng malakas.

Mas kinakabahan pa ako dahil pinagtitinginan na naman kami ng mga tao dito.

"Ano ka ba, ako na ang bahala diyan no. Ako na lang ang mago-order." medyo natatawa pa niyang sabi sa akin.

Nag-order na siya at nawindang ako sa dami ng inorder niyang pagkain.

After 3 minutes ay dumating na ang foods namin at Tumunog na naman ang sikmura ko at sa ganitong pagkakataon ay hindi ko na ito pinalagpas pa. Kumuha na ako ng kutsara't tinidor at sinumulang lantakan ang mga pagkain.

- o - o - o - o - o - o - o -

Nandito na kami ngayon sa mall, at 4:45 pm na sa orasan ko.

Hindi ako sanay na pinagtitinginan ng mga tao.

May iba na humihinto pa sa harap ko at biglang titingin sa akin mula ulo hanggang paa.

May iba pa na kapag dadaanan namin ay biglang hahagikhik sa tawa.

Dating The MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon