(KHIERINE POV)
Ito na ang huling araw namin para sa isang medical mission, sa isang baryo na ang huling lugar na pupuntahan namin, isang liblib na ito, malayo ang barangay at ang mga kabahayan ay mag iisang metro ang layo. Masyadong maraning puno, kaya hindi na abot masyado ang sikat ng araw, siguro pag gabi dito ay nakakatakot at madilim.
"Ito na ang huling medical chech-up natin, kaya naman sana ay masaya kayo sa mga nagawa natin. Marami tayong natulungan dahil sa medical mission na ito."saad ko at nginitian sila. "Ihanda niyo na ang mga kagamitan natin para makapagsimula na tayo magcheck-up." Agad na nga naming ihinanda ang mga kagamitan para makapagsimula na.
To: Eldon Ugok
Ito na ang huling medical check-up namin nasa pinaka baryo kami ng Tarlac. Mag ingat ka sa trabaho mo, magmessage ka saakin pakatapos mo. Magtatrabaho na rin ako.Itinago ko na nga ang cellphone ko at sinumulan ko na ang trabaho ko. Mas marami ang kabataan kesa sa mga matatanda, marami rin sa mga bata ang kulang sa mga bitamina, mababa rin ang timbang ng mga kabataan. Dapat ito ang tinutuunan ng pansin ng gobyerno, dahil maraming mga kabataan ang mga kulang sa timbang.
"Ituturok niyo po ba yan saakin?"tanong saakin ng bata, ngumiti naman ako at tumango.
"Hindi naman ito masakit, ipikit mo lang ang mata mo para hindi ka matakot, Ok?"saad ko, tumango naman siya. Pagkapikit niya ng mata niya sabay rin ng pagturok ko ng injection. "Tapos na, napaka tapang mo."saad ko at nginitian siya.
"Maraming salamat po."saad niya at nginitian ako.Marami pang sumunod na mga bata. Kaya naman ipinagpatuloy ko lang ang trabaho ko.
"Napaka galing mo mag-alo ng mga bata, Dra. Bakit hindi kana mag-anak?"saad naman ni Emelly.
"Kabaliwan mo. Magtrabaho ka nalang nga."saad ko at tinawanan siya. Ayoko pa magkaanak, dahil pareho pa kaming busy at wala pakong plano. Hindi ko lang maaalagaan ng maayos ang anak ko kung sakali man.Nasa kalagitnaan nga kami ng medical check-up ng biglang may malakas na pagsabog kaming narinig, agad namang nagpanic ang ilang mga kabataan. Ang ibang magulang ay dali-daling lumapit sa kanilang mga anak, ang iba naman ay nilapitan namin, sunod-sunod na ang pagsabog na narinig namin.
"Wag po kayong mag-alala, mas ligtas po tayo rito. Ipasok niyo po ang mga bata sa loob po ng mga silid. Dahan-dahan lang po kayo. Paunahin niyo po ang mga matatanda at mga bata."saad ko, inalalayan na rin nila kuya Marco ang iba.
Pagkatapos ng sunod-sunod na pagsabog ay mga putok ng baril naman ang narinig namin.(THIRD PERSON POV)
Kakabalik lang ni Eldon sa Manila, nang makatanggap ng mensahe mula sa kanyang asawa. Magmemensahe sana siya pabalik ng tumawag ang comando nila.
Commander Sy calling...
"Salute."sagot ni Eldon sa tawag
"I need to see you and your team, I have a mission for you."saad naman ng comando.
"On my way sir. Salute."sagot niya.Agad niyang inimporma ang team niya, kaya agad niyang pinaliko ang sasakyan niya para bumalik sa HQ. Nakalimutan niya ng magmensahe sa kanyang asawa dahil sa pagmamadali.
Nakarating na nga sila sa HQ, kasalukuyan silang nakatayo sa harap ng comando.
"Salute."saad ni Capt. Lee, agad naman nagsaludo ang apat. "At east.""I'm giving you a mission. Kayo lang mapagkakatiwalaan ko sa misyong ito."saad ng comando. "The daughter of Congressman Evasco has arrived, I want you, Delta Team to be the personal bodyguard of Congressman Daughter sa loob ng tatlong araw."dagdag pa nito. Walang nagawa ang Delta Team dahil ito ang utos ng Comando nila. Pagkatapos nga nila makausap ang Comando ay agad silang nagpalit ng black suit at pumunta na sa airport.
Naghintay sila ng ilang minuto bago nila nakita ang anak ng congressman. Agad silang nag-scort sa dalaga.
"I'm Capt. Lee, we're your personal bodyguard."pakilala nito. Tumango lang ang dalaga.
Hinatid na nila ito sa kanyan condo, at pagkatapos ay binantayan nila ang labas ng condo nito.
"Bawal pang kumain."suwang ni Eldon kay Lucio.
"Nagugutom nako."sagot naman ni Lucio.
"Bawal kumain, kung hindi ka bibigay."saad niya pa.
"Isa nalang to."pagkasabi ni Lucio nun ay agad nitong sinubo ang kinakaing chocolate. Napailing nalang ang binata.
Ang dalawa ang nakabantay sa pintuan ng condo ng dalaga, habang ang tatlo naman ay nasa groundfloor.
"I want to go shopping."saad ng dalaga paglabas nito sa pintuan. Walang nagawa ang dalawa kundi sundin nalang ito. Inalalayan nila ito hanggang sa Shopping Mall. Ang dalawang binata lang ang sumabay sa paglalakad sa dalaga, habang ang tatlo naman ay nagbabantay sa mga maling galaw ng mga tao. Ganon ang naging sistema nila sa loob ng dalawang araw.
Ito na nga ang huling araw ng pagbabantay nila, dahil babalik na ito sa ibang bansa. Hinatid nila ito sa airport, dahil nga maaga ang flight nito. Habang naghihintay ng oras ng flight ng dalaga, ay napatingin si Eldon sa nasa TV Screen ng airport.
"Kasalukuyang may gira ngayon sa Tarlac kung saan maraming sibilyan ang nadamay dahil isang terorista ang lumusob sa lugar."saad ng reporter na nasa TV Screen. "Ayon din sa balita, ang medical team ng Hozon Hospital ay naroon parin at hindi pa nakakabalik sa lungsod. Ako nga pala si Adela Kim nagbabalita, maraming salamat."
Mabilis pa sa alas kwatro ang pag galaw ni Eldon, agad itong kumaripas ng takbo papunta sa sasakyan at nagtungo sa HQ, hindi na nito hinintay ang sasabihin ng kanyang mga kasama.
Sinubukan niyang tawagan ang asawang nasa kalagitnaan ng gira ngayon, ngunit walang sumasagot. seeyTumingin na rin siya sa mga social news tungkol dito. Dalawang araw na pala nagsimula ang gira sa Tarlac ngunit wala siyang alam. Labis ang pag-aalala ng binata para sa kanyang asawa. Pagkarating niya sa HQ hindi na siya nakapagsaludo at agad ng pumasok, naabutan niya naman ang comando roon.
"I want to go to Tarlac."deretsong saad ng binata. Tinitigan naman siya ng comando.
"Hindi pa tapos ang trabahong inatas ko saiyo."saad ng comando.
"Kailangan kung pumunta sa Tarlac. Isama niyo po ako sa isang mission doon. Pakiusap."saad ng binata.
"Hindi kasama ang Delta Team naipapadala sa Tarlac, dahil iba ang trabahong binigay ko sainyo."saad ng comando.
"Naroon po ang asawa ko, isa siyang doctor mula sa Hozon Hospital. Kung hindi niyo po ako ipapadala roon, handa po akong sumuway at mawalan ng trabaho para lang po sa asawa ko."saad ng binata, pumasok naman ang ibang kateam nito. Napailing-iling nalang ang comando.
"I have a new mission for Delta Team. Save the medical team and the other sivilian. That's an order."saad ng comando. Agad namang nagpasalamat ang binata.
Kasalukuyang nakasakay sila ngayon sa eroplanong pandigma, papunta sa Tarlac.
"We're ready to take off."saad ng piloto ng eroplano.
Agad naman nilang hinubad ang mga kwintas nila, nilagay nila yun sa isang kahon. Kung sakali man may mangyare sa kanila sa gira ay hindi sila makikilala ng kalaban. Naghanda na sila para sa pag baba nila ng eroplano.
"Seryosong labanan na ulit ito."saad ni Lucio. Agad namang nagseryoso ang mga mukha nila. Binuksan na nga ang lalabasan nila, dahil hindi pwedeng bumaba ang eroplano. Gabi na rin at makikita mo ang liwanag mula sa mga pasabog na nagmumula sa gira.
"Sana ay nasa maayos kang kalagayan."saad ni Eldon na seryosong nakatingin sa mga nagliliwanag mula sa gira.
BINABASA MO ANG
Accidentally Married To The Unknown Guy [Under Editing] Complete
RandomAng isturyang ito ay puno lamang ng hindi makatutuhanang pangyayare, at kung mayroon mang pag kapareho sa reyalidad tulad ng pangyayare,lugar at iba pa ito lamang ay di sinasadya na mag katugma. Ang isturyang ito ay binasi ko saaking malawak na imah...