CHAPTER EIGHT

119 8 0
                                    

Pagkalipas nga ng dalawang araw na masama ang pakiramdam ko at nalaman nga nila kuya Marco, kaya ngayon ay pinapagalitan nga ako habang tinitignan niya. Pati si ate Margie ay pinagalitan din ako, pinapabayan ko raw ang sarili ko.

"Lagi kang nalilipasan ng gutom, kaya umaatake ang ulcer mo. Doctor ka nga pinapabayaan mo naman ang sarili mo."saad ni kuya.

"Hindi naman, nakakalimutan ko lang talaga kumain. Pero kumakain naman ako."saad ko.

"Kumakain ka nga, late naman na sa oras. Ano nalang sasabihin ng magulang mo? Alam ba ng asawa mo?"tanong naman ni ate Margie. Napayoko nalang ako, saka umiling.

"Nako ka talagang bata ka."saad niya pa.

"Kumalma ka nga, Merg."saad naman ni kuya Marco, tama yan kuya para hindi ako mapagalitan. "Ikaw kasi ang tigas ng ulo mo. Nag-gagamot ka nga, pero yung sarili mo hindi mo inaalagaan."dagdag niya pa, bagay nga kayo. Napayoko naman ako at napabusangot, ngayon lang naman ako nagkasakit eh.

Hindi nga nila ako pinasama sa medical check-up kaya mag-isa lang ako ngayon dito. Nilabas ko nalang ang laptop ko at nagtype nalang, hindi pa nga ako tumatagal sa harap ng laptop ko ay tinatamad nako. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at napag-isipan na tignan ang message box namin ni Eldon. Nakita ko ngang nagdelivered, nagmessage nga ako sa kanya pero imbis na sent botton ang mapindot ko ay ang call ang napindot ko, natatarantang pinindot ko ang end at tinapon ang cellphone ko sa higaan ko. Nagulat naman ako ng mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko nga sa higaan at pagtingin ko ay si Eldon, tumatawag. Nagdadalawang isip pako kung sasagutin ko ba o hindi. Natapos nga ang ring ay hindi ko sinagot ang tawag niya, akala ko ay hindi na siya tatawag pero tumawag siya ulit, sinagot ko na nga. Hindi nalang ako magsasalita.

["Hello?"]dahil siguro sa tagal na hindi ko naririnig ang boses niya, ay parang iba. Tulad nga ng sinabi ko kanina ay hindi nga ako nagsalita. ["I'm sorry, I'll keep you waiting. I'm busy with my work, I don't have time to keep in touch with you."]saad niya, nanatiling walang kibo ako. ["I miss you. I'm sorry."]hindi parin ako kumikibo. Nanahimik siya saglit at narinig ko rin ang pagbuntong hininga niya. ["Saan ang medical mission niyo?"]tanong niya, hindi ko parin siya sinasagot. ["Hindi mo ba ako iimikin? Galit kaba? I'm sorry, I need to go back to work, always take care. I love you, wifey."]pinatay niya na nga ang tawag. Hindi ko alam pero parang nagsisi akong hindi nagsalita, mapahiga nalang ako at nagbuntong hininga nalang. Nag-iwan ako ng mensahe kay Eldon at sinabi kung saan ang medical mission namin.
Napag-isipan ko nalang na maglakad-lakad at dalawin nalang ang nanay ni Carlo.

"Magandang umaga po, Aling Anita."bati ko.
"Magandang umaga rin sayo, anong ginagawa mo rito't mag-isa kalang?"tanong naman niya saakin.
"Naglilibot-libot lang po ako, hindi po kasi muna ako pinasama sa medical mission ngayon, nababagot po ako sa tent namin kaya po lumabas muna ako."saad ko.
"Mag-iingat ka, iha."saad naman ni Aling Anita, tumango lang ako at ngumiti. Nagpunta na nga ako sa bahay nila Carlo, ngunit hindi pa nga ako nakakarating ng biglang may lumapit na dalawang armadong lalaki, kaya naman ay kinabahan ako.

"Mag-isa kalang ata, Dra."saad ng isang armadong lalaki. Kinabahan naman ako ng ngumisi ito. "Wag kang pakalat-kalat dito, Dra. Baka hindi kana makauwi sainyo. Maganda kapa naman, tiyak na maraming magkakainteres sayo."dagdag niya pa, akmang lalapit na saakin ang isang armadong lalaki, mabuti nalang ay dumating si Carlo, may kasamang matandang lalaki.

"Wag kang magkakamali, Armando. May usapan ang bayan at ang grupo niyo."saad ng matanda, hinila naman ako ni Carlo.
"Mukhang nakakalimutan din ng bayan kung ano ang limitasyon nila."saad naman ng lalaki. Pag kasabi niya nun ay umalis na sila.

"Anong ginagawa mo dito, iha? Alam mo bang delikado maglakad-lakad mag-isa rito?"saad ng matanda.
"Balak ko po sanang bisitahin ang nanay ni Carlo. Hindi ko naman po inaasahan na ito po pala ang mangyayare."sagot ko.
"Sinabihan na po kita, Dra."saad naman ni Carlo, napakamot naman ako.
"Ako ang asawa ni Anita, ako si Roberto. Sakanila rin ang punta ko, sumabay kana saamin."saad niya, kaya naman ay tumango ako, naunang maglakad si Manong, nasa hulihan naman kami ni Carlo.

"Sino ang dalawang armado kanina?"tanong ko kay Carlo ngunit pabulong lang.
"Kaanib po sila ng sindekato."sagot naman ni Carlo, kaya gulat na napatingin ako sakanya. Mukhang muntikan nako kanina, ang tigas kasi ng ulo ko.

Nakarating na nga kami sa bahay nila Carlo, naabutan nga namin ang nanay niya na natutulog, kaya naman ay hindi ko nalang inistorbo, naghatid lang din ng makakain at groceries si Manong Roberto at nagpaalam na rin agad. Pinagsabihan niya rin ako na wag ng maglalakad-lakad na mag-isa lalo pa raw na nakita ko na ang mukha nila. Kaya mag-iingat daw ako. Kinabahan naman ako, dahil hindi ko naman inaasahan na sa paglalakad-lakad ko ay ito ang magiging epekto. Nagkwentohan lang kami ni Carlo, sinabi niya rin ang tungkol sa sindekato.

"May napagkasunduan po ang bayan, hindi ko nga po alam kung bakit nagpakita po sila. Sainyo pa po nagpakita, hindi naman po kayo residente rito, kaya po pag nalaman po ito ng Mayor ay malaking gulo po ito. Dahil hindi po sila tumupad sa usapan."saad ni Carlo. Tatanongin ko sana kung ano ang kasunduan ngunit na isip ko na masyado ng pribado yun at tulad nga ng sinabi niya ay hindi ako residente rito.

"Limang taon ang nakalipas simula ng magkaroon ng gira rito, maraming na sawing mga sibilyan kabilang na ang asawa ko."napatingin kami sa may pintuan ni Carlo, nakaupo sa wheelchair ang nanay niya, agad namang inalalayan ni Carlo. "Ttalong buwan din nagtagal ang digmaan, bago napakiusapan ng gobyerno pati na rin ng Mayor. Nakipagkasundo ang mayor ng Tarlac, kapalit ng katamihikan sa bayan at pumayag naman sila. Mukhang tapos na ang pinagkasunduan nila o may isang lumabag sa pinagkasunduan. Bago pa man magkaroon ng gulo rito ay dapat makabalik na kayo sa syudad."saad niya pa

Pagbalik ko nga sa tent namin ay para bang balisa ako, hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ng nanay ni Carlo pati na rin ang banta ng armadong lalaki kanina saakin. Sabihin ko kaya kay Eldon?

Nakatulala lang ako rito sa tent, nag email na rin saakin ang head department isang linggo nalang kami rito, isang bayan nalang ang pupuntahan namin, ang mga nasa baryo. Nag sabi na rin ako sa kanila na magkakaroon ang assembly mamaya pagbalik nila. Kaya naman habang naghihintay ako ay hindi ako mapakali, hindi ko alam kung anong gagawin ko, hihiga ako, maya-maya ay babangon maglalakad-lakad sa loob ng tent.
Pagabi na ng dumating sila, kaya naman kumain muna kami bago ako nagpameeting.

"Nag-email na saakin ang head department, meron nalang tayong isang linggo para tapusin ang trabaho. Isang bayan nalang ang pupuntahan natin, yun ay ang huling baryo."saad ko, nakikinig naman sila. "May tatlong araw na pahinga, may pasyalan din na sinabi saakin si Aling Anita, sasamahan daw nila tayo para raw masulit natin ang huling linggo natin dito."saad ko pa. "Yun lang naman ang sasabihin ko, magpahinga na kayo. Thank you."saad ko at ngumiti, nagsitayuan naman na sila.
Napabuntong hininga nalang ako at niligpit na ang ibang mga papel sa mesa. Hindi nako nag-istorbo kila ate Mergie dahil alam kung pagod sila, pagkatapos ko nga magligpit at inayos ang mga gamit sa labas ay pumasok nako sa tent namin ni Emelly. Mukhang pagod na pagod si Emelly, dahil pag pasok ko ay tulog na ito. Nahiga na rin ako gusto ko na rin magpahinga nakakapagod mag-isip, na-istress ako.

Accidentally Married To The Unknown Guy [Under Editing] CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon