(KHIERINE POV)
Naabutan na nga kami ng anak ko rito ng gabi kila kuya, hindi ako nila kuya pinilit na pag-usapan ang tungkol sa nangyare kanina, hinihintay lang nila ako ang unang magkwento. Kaya naman hindi na muna kami nila pinauwi, dahil nag-aalala rin silang dalawa saakin.
Nakatulog na ang anak ko, kaya naman naisipan kung lumabas muna at magpahangin. Hindi ko alam, ang gulo-gulo ng nasa isip ko. Anong nangyare sa kanya sa loob ng limang taon? Kung buhay naman pala siya, bakit hindi man lang niya ako hinanap o naisip man lang hanapin. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga bagay-bagay na iniisip ko.
Napatingin naman ako, nang biglang tumabi saakin si ate. Hindi siya kumibo, nakatitig lang din ako sa mga bituin. Alam kung hinihintay niya lang akong magkwento, kaya naman napabuntong hininga nalang ulit ko.
"Hindi ko alam ang naramdaman ko ng makita ko siya kanina."saad ko, nanatiling natihimik si ate at nakikinig lang. "Di ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. Limang taon akong nagdurusa dahil ang alam ko patay na siya, minsan ko na rin hiniling na sana bumalik siya pero pano kung ang alam ko noon ay patay na siya."saad ko at napayoko. "Pero nang makita ko siya kanina, di ko alam natatakot ako, kinakabahan na hindi ko maintindihan."unti-unti ng tumulo ang luha ko na agad ko rin namang pinunasan. "Dapat ba akong matuwa dahil buhay siya? Dapat ba akong magpasalamat dahil nakita ko siyang buhay? Naguguluhan ako, paano ba nangyare yun? Papaanong buhay siya?"tanong ko na alam ko naman na hindi masasagot, napaiyak nalang ako agad naman akong niyakap ni ate kaya naman mas lalo akong naiyak.
"Shhh. Kahit naman kami nagulat sa nangyare, pero isa lang naman ang sagot sa mga katanongan mo."saad ni ate. "Bakit hindi mo subukang kausapin si Eldon?"tanong naman ni ate, kaya naman kumalas ako sa pagkakayakap naman at umiling ako.
"Di ko kaya ate, diko alam kung ano ang gagawin ko."saad ko pa.
"No, alam mo ang gagawin mo, ayaw mo lang gawin dahil natatakot ka."saad niya. "Malaki na ang anak mo, hindi rin alam ng anak mo kung nasan ang tatay niya, hahanap din yan ng kalinga ng isang ama."dagdag niya pa, may punto naman si ate.
Walang alam ang anak ko napatay na ang ama niya dahil ayoko siyang biglain dahil masyado pa siyang bata. Ang alam niya lang ay isang sundalo ang papa niya, hindi rin siya masyado nagtatanong about sa papa niya dahil alam niya kung ano ang isasagot ko. Baby pa siya at hindi niya pa maiintindihan. Napabuntong hininga nalang ako at napaisip.
"Magiging maayos ba ang lahat?"tanong ko habang nakatingin sa taas.
"Oo naman, wala namang masama kung susubukan. Tsaka asawa mo siya, ama siya ng anak mo. May karapatan din siyang malaman ang tungkol sa anak niyo."saad ni ate.
"Nakita niya ang anak ko, hindi ko alam kung ano ang iisipin niya."saad ko.
"May kabit ka raw, kaya kakasuhan ka niya, sundalo pa naman may alam yun sa batas."pabirong saad ni ate at tumawa kaya naman napangiti nalang ako.
"Kamukha niya naman ang anak niya."saad ko, ngumiti lang si ate.
"Sige na magpahinga kana, kailangan mo yun, May trabaho kapa bukas."saad naman ni ate, kaya naman tumango nalang ako at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay.
Pagkapasok ko sa kwarto namin, tinignan ko ang anak kung natutulog na. Alam kung mahirap, dahil sapalagay ko ito na rin siguro ang oras para malaman ng anak ko ang tungkol sa tatay niya, pero pano?
Hinaplos ko ang buhok ng anak ko habang pinagmamasdan ang anak ko habang natutulog. Ang laki niya na, pero kahit isang beses ay hindi niya ko kinulit tungkol sa tatay niya. Napaka bait niyang bata, hindi niya ako masyado pinapahirapan simula nung sanggol siya. Naramdam niya naman siguro na ako nalang ang nag-aalaga sa kanya.
BINABASA MO ANG
Accidentally Married To The Unknown Guy [Under Editing] Complete
AléatoireAng isturyang ito ay puno lamang ng hindi makatutuhanang pangyayare, at kung mayroon mang pag kapareho sa reyalidad tulad ng pangyayare,lugar at iba pa ito lamang ay di sinasadya na mag katugma. Ang isturyang ito ay binasi ko saaking malawak na imah...