Tulad nga ng sinabi niya ay hindi nga siya nagparamdam saakin. Magdadalawang linggo na rin simula ng umalis siya. Gusto ko rin mag iwan ng mensahe sakanya ngunit pano kung hindi naman siya mag mensahe pabalik.
Nakatulala ako habang kumakain, nagulat nalang ako ng bigla nalang may tumapik saakin.
"Miss ka rin nun, wag ka mag-alala."napatingin ako sa nagtapik at nagsalita. Pagtingin ko ay si Kuya Marco lang pala."Hindi si Eldon ang iniisip ko."saad ko.
"Wala akong sinabing pangalan."saad niya at ngumiti, napabusangot naman ako. Pag tingin ko sa pagkain niya ang daming ulam, angas naman nito ang mahal kaya ng mga pagkain dito. Makaburaot nga.
"Kuya, pahingi nung chicken adobo."saad ko at ngumiti, baka hindi ako bigyan pag hindi ako ngumiti.
"Kunin mo na."saad niya. "Hindi ba kayo nag-kakausap sa telepono?"tanong ni kuya, umiling lang ako at kumain.
"Kayo kuya, kamusta kayo ni ate Mergie?"tanong ko. Nabulunan naman ni kuya, kaya naman inabutan ko siya ng tubig na parang wala akong sinabi, napaghahalataan.
"Ba't mo naman na tanong?"tanong niya na medyo nauubo pa.
"Wala lang, napaghahalataan ka kasi kuya."tukso ko sa kanya. Sayang nga't hindi sabay ang oras ng breaktime ng mga nurse saaming mga doctor. Nagkakasabay lang siguro kami pag sila ang kasama namin sa operasyon. "Kuya, sapalagay mo mangbababae yung asawa ko?"tanong ko. Asawa ko, ang ganda naman pakinggan.
"Sa takot nun sayo paniguradong hindi yun mangbababae."sagot naman ni Kuya. Siya lang din naman ang nakakaalam tungkol sa pag alis ni Eldon.
"Paano kuya kung kinasal ka ng hindi mo inaasahan, yung bang hindi niyo pa naman nakikilala ang isa't isa?"tanong ko pa.
"Para saakin, hindi maganda ang ganyan bagay dahil ang mga kinakasal ay may mga pinagsamahan na ng matagal at matagal ng kilala ang isa't isa at pareho nila ginusto ang kasal na yun. Pero sa bagong hinerasyon ngayon ay maari naman ang ganon kung matututunan niyo naman mahalin ang isa't isa at tsaka kung komportable naman kayo at hindi ka minamaltrato ng lalaki. Tsaka kung ayaw naman sa isang bagay pwede naman mag divorce o di kaya annulment."sagot niya naman. Sabagay kung gugustohin ko rin naman may paraan para mawalan ng bisa ang kasal namin. Pero may parte saakin na ayaw itigil at hintayin nalang siya.
Natapos nga kami sa pagkain na puro pag uusap lang. Pagkatapos ay bumalik na kami sa pagtatrabaho, maraming pasyente ngayon kaya naman nakakapagod. Nakakagaan din ng loob pag may nagagamot kami.
Natapos nga ang trabaho namin at andito na rin sila ate Mergie. Nasa locker kami para magpalit ng biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko, kala ko si Eldon na ang nag mensahe si Professor lang pala. Pinapapunta ako sa office niya.
"Bakit bigla nalang nagbago mukha mo? Ang asawa mo ba ang kausap mo o hindi?"tanong ni ate Mergie.
"Si Prof. pinapapunta ako sa office."saad ko.
"Bakit daw?"tanong ni Emelly.
"Hindi ko nga alam. Hintayin niyo nalang ako sa labas baka andon na rin ang dalawa."saad ko, tumango naman sila at nauna na ngang lumabas. Lumabas na rin ako at nagtungo na nga sa office. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto."Uuwi kana ba?"tanong niya. Tumango ako.
"Bakit niyo po ako pinapunta?"tanong ko.
"May medical mission ang hospital, sa isang lugar at kasama ka roon. Alam kung hindi kapa nakakasama sa isang medical mission kaya naman, kung pipiliin mo ako bilang asawa mo ay ako na mismo ang kakausap sa head para hindi ka pasamahin. Alam ko naman na hindi ka naman talaga kasal dahil wala ka naman sinabi saamin na mag-aasawa kana."saad niya. "Mas mabubuhay ka ng masaya at marangal saakin, pagsilbihan mo lang ako at ibigay ang pangangailangan ko."dagdag niya pa. Gwapo sana, ang kitid naman ng utak.
"Mas pipiliin ko pong sumama sa medical mission, kesa maging asawa mo. Tsaka po hindi naman sa lahat ng oras ay alam niyo po lahat ng mga nangyayare sa buhay ko. Mahal ko po ang asawa ko, siya lang ang pagsisilbihan at bibigyan ng pangangailangan. Kaya mas gusto ko pong sumama sa medical mission. Aalis na po ako."halata naman sa mukha niya ang pagkainis at bago ko nga masara ang pinto ay nakita ko pang binato niya ang paper niyang hawak. Nakahinga ako ng malawag at napahawak sa puso ko ang bilis kasi ng tibok. Sinabi ko bang mahal ko siya? hay nako, ang gulo. Napabuntong hininga naman ako at lumabas na.
Naabutan ko silang nagkakatuwaan, nang makita nila ako ay tumigil na sila.
"Anong mukha yan?"tanong naman ni kuya Marco. Umiling lang ako."Ano sabi sayo?"tanong ni ate Mergie.
"May medical mission daw at kasama ako."sagot ko.
"Bakit ganyan mukha mo?"tanong ni Dave.
"Baka nag-aalala lang si Dra. dahil ito ang unang kasama siya sa medical mission."saad naman ni Emelly. Tumango-tango lang sila.
Nagpaalam na nga kami sa isa't isa habang hinatid ko naman si Emelly sa kanilang bahay, pagkatapos ay dumeretso nako sa bahay namin ni Eldon. Mukha ngang hindi nga siya umuwi rito dahil andon pa rin ang ginawa kung agahan. Kaya naman hinugasan ko muna yun bago nagpalit ng damit. Pumasok nako sa kwarto, sa desk na nga muna ako umupo at binuksan ko na ang laptop at sinimulan na ulit magtipa.
Napatingin ako sa telepono ko at napag-isipan na magmensahe kay Eldon.To: Eldon ugok
Kasama ako sa isang medical mission. Ngunit ito pa lamang ang unang beses na kasama ako. Magiging maayos naman siguro ako diba? hay nako. Matutulog na rin ako. Good night.
Pagkatapos nga ay tinapos ko na rin ang magtitipa at natulog na rin ako.
BINABASA MO ANG
Accidentally Married To The Unknown Guy [Under Editing] Complete
CasualeAng isturyang ito ay puno lamang ng hindi makatutuhanang pangyayare, at kung mayroon mang pag kapareho sa reyalidad tulad ng pangyayare,lugar at iba pa ito lamang ay di sinasadya na mag katugma. Ang isturyang ito ay binasi ko saaking malawak na imah...