Enjoy reading 🙃🙃
Alisha POV
Have you ever experienced being rejected by your crush several times.
Meet myself, I'm Alisha Valdez and I'm a volleyball player and also a chess player and meet my crush Havier na MVP at captain ng team nila.
"Hayyy, saan na si Havier beh?" Tanong ko sa kaibigan na si cailie.
"Abay Malay, alam mo ikaw? Puro ka Havier ng Havier kaya nababagsak ka sa academics eh kahit na tutor mo si Havier" Pikon niyang sabi.
"Eh hindi nga ako maka focus kung nandiyan siya" sagot ko at halata sa boses ang iritasyon.
Napahawak nalang siya sa noo niya at tamang tama naman at lunch break na kaya pumunta kami ni Cailie sa cafeteria.
Palingon lingon ako sa paligid hanggang sa nakita ko siya.
Gotcha!!!!
Pero bakit may kasama? Babae? Pshh, sino kaya tung malanding babae natu at inaagaw ang baby ko.
Lumapit ako sa kanilang dalawa at tumayo sa harapan nila.
"Sino siya?" Taas kilay kung tanong kay Havier.
"Lish, wag ka munang gumawa ng eskandalo" mahina niyang bulong.
Napataas ang kilay ko at natawa ng mapakla.
"Anong tingin mo sakin? Baliw? Duhh kung sabihin mo nalang sino tung babae ay magiging okay na" dada ko at nagalit ng inakbayan ni Havier ang babae.
"She is Violet and I'm courting her" pagpapakilala niya sa babae kaya napatingin ako sa kaniya and she is smirking while leaning her head to Havier chest.
Pigilan niyo ako at baka masakapak ko to kita niyo.
Akmang susugod ako ng hilahin ako ng kaibigan ko na si Lucas.
"Aray"
Binitawan niya na ako ng narito na kami sa campus.
"Bakit ka ba nanghihila?" Tanong ko sa kaniya.
"Why can't you leave him alone Lish?" Tanong niya kaya napaikot ang mga mata ko.
Don't worry about Lucas cause he's gay but he is a type of person na hindi feminine but attracted to men.
"Crush ko siya" sagot ko kaya napakamot siya sa buhok niya.
"Lish, alam mo? Baliw ka siguro ano? Ang dami ng beses na pinahiya mo yung Havier at mabuti nga at nasa tamang Oras ako para pigilan ka sa pagsugod dun sa babae nayun" Galit niyang pagkausap sakin.
"Tsk, ano ba gusto mong gawin ko? Mag move on ako? Ang hirap niyan lucasssss" reklamo ko kaya pinitik niya ako sa noo.
"Edi mag transfer ka" pagbigay niya ng suhestyon.
Akmang hahampasin ko siya ng maunahan ako ni yecenia. Yecenia is my friend na ina saming lahat.
"Ipapa transfer mo eh lalo yan magiging spoiled brat at baliw" seryosong Saad ni yecenia.
"Excuse me? Ako?" Napataas ang kilay ko at dinuro ang sarili.
"I'm not spoiled brat it's just that my family give everything I want in just one word" pagtatanggol ko sa sarili
"Baliw ka nga" sabi ng kaibigan ko na si Adrienne na kararating lang.
"Andito ka pala?" Tanong ni Lucas.
"Ayy wala, Multo lang ako multo" iritang sagot ni Adrienne sa kaniya.
"Basta Lish, wag na wag kang magtra-transfer kasi hindi kami sanay" Yecenia said.
YOU ARE READING
Serendipity (College Series 1)
RandomSerendipity 06/03/24 Alisha Valdez is known for being the volleyball player and a chess player na matalino pag hindi kasama ang crush niya noon na si Havier na team captain ng basketball. Ethan Velasquez was the team captain of their school but his...