𝑷𝒂𝒓𝒕𝒚
ALEXIS POV
Nagluluto ako ngayon ng breakfast at panay ang hikab ko, inaantok pa kasi ako.
Si dyther naman kasi! Pinabasa ba naman yong napakakapal na documents!
Rinig na rinig ko ang tawa ni madame diatrece galing sala, kasama niya doon sina dyther at caleb. Ewan ko kong ano ang pinag uusapan nila.
Nang matapos akong magluto nilapitan agad ako ni criss, isa sa mga katulong dito at mas bata ito sakin ng isang taon.
“Maam alex tulungan ko na po kayo sa paghahanda niyan”
“Sige criss” Usal ko
Inaayos namin ang lamesa at linagay ang mga pagkaing niluto ko.
Nilingon ko si criss at ngitian ko ito.
“Salamat, sige na ako na ang bahala dito”
“Sige po ma'am” Yumuko pa ito bago umalis.
Sandali ko pa itong inayos bago na pag pasyahan na puntahan si dyther para kumain.
Huminga mo na ako ng malalim bago nag salita, okay alexis, Kailangan mo na umarte!
“Good morning, breakfast is ready!” Ngiting usal ko sa kanila.
Tumingin silang tatlo sakin at kita ko kong paano nawala ang ngiti sa labi ni madame diatrece, huhu.
Ayaw niya talaga sakin, ano?
“Good morning din alexis!” Ngumiti ako kay caleb.
Si dyther naman lumapit sakin at hinapit ang bewang ko bago ako halikan sa noo.
Ackk!
“Morning” Usal nito.
Hayyy, ang sweet niya talaga pag nakatingin lang sa'min yong mama niya, sana nandito palagi si madame diatrece para laging ganito ka sweet itong asawa ko haha.
“G-good morning” Nahihiyang sabi ko ngumiti siya sakin, at iginaya ako papunta sa dining area.
Maslalong sumama ang mukha ni madame diatrece at si caleb naman ay naka ngisi lang. Para bang natutuwa pa siya sa mga nangyayari.
Nang makaupo na kami agad kong nilagyan ng pagkain ang plano ni dyther.
“Thank you, wife” Ngumiti siya sakin kaya ngumiti din ako sa kan'ya.
“Ang sweet” Pang aasar ni caleb kaya mahina akong natawa.
Wala man lang reaction ang mukha ni dyther si madame naman ay masama lang ang tingin sakin.
Panay ang hikab ko habang kumain napasin naman iyon ng magaling na ina ni dyther.
“Mukha puyat kaya ta, Ija?” Usal nito kaya napatingin sa gawi ko si dyther at caleb.
Oo nga! na puyat talaga ako sa binasa kong documents.
Humikab naman ako at tumango.
“Opo, pinuyat po kasi ako anak niyo kagabi” Sagot habang ang tingin ay nasa pagkain.
Narinig ko ang biglang pag ubo ni dyther at tawa ni caleb.
Kaya iniangat ko ang paningin ko at nakita ang nakangiwing si madame diatrece.
“Bakit mo ba kasi pinuyat bro? Nakailang round ba kayo kagabi? Pftt..”
Sabay kaming nasamid ni dyther dahil sa tanong ni caleb.
Shit? Mukhang na misinterpret nila ang sinabi kong pinuyat ako kagabi ni dyther?!
Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko.
YOU ARE READING
I'm His Sexytary
De Todo"Ms. Finch" Kinakabahan akong lumingon Nakita ko si sir zurich na seryosong nakatingin sa'kin. Pati nga yong lalaking kausap nito nakatingin din sa'kin. "S-sir?" "I have a deal for you" Nakita kong napakunot ang noo nong lalake. Deal? "Sir? P-pardo...