PART TEN

451 20 0
                                    

𝑷𝒓𝒆𝒈𝒏𝒂𝒏𝒕

ALEXIS POV

“So..ano ang pag uusapan natin at kailangan mo pa akong pilitin?” Taas kilay kong tanong.

Dinala niya ako sa isang coffee shop.

Uminom mo na ito ng kape.

“Mas masarap yong kape mo kisa sa kape dito” Usal nito.

Ano to? Pag uusapan lang namin yong kong gaano ako kasarap mag timpla ng kape? Ha?!

“Tss! Ano ba kailangan mo dyther?” Tanong ko ulit.

“I want to gave this to you” May inabot itong tseke sakin.

Alalin-langan ko itong kinuha.

“Yan yong 2 million na kabayaran sa pag papanggap mong asawa ko”

Ahh! Tama! Hindi ko pa pala nakuha yong sweldo ko sa pag ppanggap na asawa niya.

Pero aaminin ko nakaramdam ako ng kirot sa dibdib sa kadahilanang ito pala yong dahilan kaya siya nag pakita sakin!

Akala niya talaga siguro na mukha talaga akong pera? Edi totohanin na lang natin!

Yon naman yong tingin niya sakin eh, mukhang pera! Shit!

Pinilit kong ngumiti sa kabila ng sakit nararamdaman.

“Thank you! Yon lang ba ang kailangan mo?” Inilagay ko sa shoulder ba ang tseke “Aalis na ako kong wala ka ng ibang kailangan” Tumayo ako pero laking gulat ko ng tumayo din ito at hinawakan ang kamay ko.

“I want you to be my secretary again, alexis”

Natigilan ako sandali.

Secretary? Don na lang ba talaga yong bagsak ko sa kanya? Ang pagiging sekretarya niya?

“Pag iisipan ko, thank you ulit sa pera.” Mapait akong Ngumiti

“O-okay”

Iniwan ko na ito at hindi na liningon pa ulit.

Ang sakit parin..

Pag kauwi ko ng bahay inilagay ko mo na sa lamisa yong mga groceries na bibili ko bago dumiretso sa kwarto ko at natulog.

Masyadong mapanakit ang araw na ito sakin.

KINAUMAGAHAN bumangon ako at nag unat unat ng biglang may kong anong gustong lumabas sa bibig ko. Naduduwal akong tumakbo papuntang banyo at sumuka sa inidoro.

Matapos mailabas lahat ay nang hihina akong naupo sa tiles.

Anong nangyayari sakin? May nakain ba akong panis o ano?

Sa pagkakaalam ko tanging kape lang ang nainom ko bago ako na tulog? Yong kape sa coffee shop.

Napabuntong hininga ako at pinilit ang sarili na maligo.

Pagkatapos kong maligo lumabas na ako ng kwarto at pumunta na ng kusina para kumain.

Nadatnan ko pa sina mama at ang dalawa kong kapatid na nag aalmusal.

Umupo ako kaya napatingin sila akin.

“Anak?! Jusko alexis bakit hindi mo sinabi na umuwi ka na pala dito?” Usal ni mama at pinag handa ako ng pakain.

Pagkarating ko kasi ng bahay eh tulog na sila, tsaka hindi ko rin sinabi sa kanilang uuwi ako, biglaan lang kasi.

“Sa iyo ba iyong mga groceries na nakalagay sa lamisa kanina, ate?” Tumango Naman ako sa tanong ng isa kong kapatid.

Maya maya pa ay nakaramdam na naman ako ng kong ano sa tiyan ko kaya tumakbo ako papuntang lababo at doon ay sumuka.

“Anak okay kalang ba?” Inaalalayan niya akong umupo.

“Hindi po ma eh, masakit po kasi ang ulo ko tapos nasusuka rin ako” Usal ko at hinilot ang sintido.

“Masakit yong ulo tapos nasusuka? Ano yan ate buntis lang? Haha” Tumayo si justus at natatawa akong tinitigan “Sige ma aalis na po kami ni jana para maagang makapasok” at sabay silang umalis ng isang kong babaing kapatid.

B-buntis?

“Anak, Sana ay hindi mo masamain ang tanong ko pero may naka ano kana bang
l-lalake?” Nag aalinlangang tanong nito sakin.

Natigilan naman ako at napaisip.

Tama..Simula ng may mangyari sa'min hindi pa ako nag ka menstruation.

Paano kong tama yong kapatid ko?

“Anak..” Napatingin ako kay may mama at sunod sunod na tumulo ang luha.

Kong totoo man ang hinala namin ni mama kakailanganin ko ng trabaho.

Hindi sapat ang 2 million na meron ako para sa'min ng magiging anak ko at ng pamilya ko.

K-kong tanggapin ko na lang kaya ulit ang pagiging secretary ni dyther?

Shit! Totoo ba ito? Buntis ako? At kong totoo mang  buntis ako alam kong siya yong ama nito, si dyther..

[𝗠𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗶 𝗱𝘆𝘁𝗵𝗲𝗿 𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘁𝗮? 𝗼 𝗺𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗴 𝗮𝘀𝗮 𝗽𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴 𝗸𝗮𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝗻 𝘀𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮?]

I'm His SexytaryWhere stories live. Discover now