Chapter 2

35 1 0
                                    

Nagising si Lord Devian na nakahiga sa gitna ng malaking hall na sira, napansin naman ni Lord Drazhan na nagising siya kaya lumapit ito sa kanya na yumuko. Natigilan si Lord Devian nang hindi maramdaman ang kapangyarihan ni Vera.

Devian: Mahal na Emperador Devian, bago naglaho ang Mahal na Emperatris Vera, ibinigay niya sa inyo ang trono ng Alexandria.

Hindi makapaniwala si Lord Devian sa nalaman at nararamdaman naman niya ang sumpa ng asul na apoy sa puso niya lalo na ang kapangyarihan niya na lalong lumalakas. Sa isang kisap-mata niya, ipinakita ng kapangyarihan niya ang mga huling sandali nila ni Vera. Napaluhod na lamang siya na nasasaktan ng husto sa pagkawala ng matalik niyang kaibigan. Tumulo ang mga dugo sa mga mata niya habang nararamdaman naman niyang sumasakit ang puso niya dahil sa sumpa.

Devian: Vera!

Hindi matanggap ni Lord Devian ang pagkawala ni Vera sa buhay niya. Napasigaw na lamang siya sa galit kaya lumabas ang itim na kapangyarihan sa katawan niya pero napigilan ito ng sumpa kaya napasuka siya ng itim na dugo at nanghina. 

Devian: Babalik ang Mahal na Emperatris sa tabi ko, hindi niya ako iiwan na nag-iisa. Babalik siya sa akin at maghihintay ako sa pagbabalik niya.

Sa napakagandang lugar kung saan may mga talon sa paligid at mga magagandang bulaklak, nagising si Vera na napatingin sa paligid niya na nagtataka. Nagpakita sa tubig ang isang napakagandang babae at yumuko naman ito sa harapan niya.

Vishda: Maligayang pagbabalik sa kaharian ng kalangitan, Mahal na Emperatris Alexandria. Ako si Vishda, ang Diyosa ng tubig. Nandito ako upang tanggapin kayo at ibalik sa lupa dahil marami ang humihingi ng katarungan at tulong sa inyong imperyo, kayo lamang ang makakapagbigay nito sa kanila.

Vera: Ngunit, ibinigay ko na kay Lord Devian ang pamumuno sa Alexandria. Hindi niya maaaring pabayaan na lamang ang imperyo.

Hindi sumagot ang Diyosa sa sinabi ni Vera, napaisip naman ito.

Vishda: Kamahalan, isinakripisyo ninyo ang sarili upang maging kabayaran sa ginawa ni Lord Devian sa lahi nito. Hindi naman natupad ang propesiya na nakasaad sa inyo, kailangan ninyong bumalik upang tuparin ito.

Natigilan si Vera sa sinabi ng Diyosa na lumapit sa kanya.

Vishda: Kayo ang itinakda ng Punong Diyos upang mamuno sa Alexandria, ibinigay niya ang Amea sa inyo at hawak ang pulang tungkod na isang makapangyarihang sandata. Kayo lamang ang maaaring makakapagbigay ng katahimikan sa Alexandria.

Vera: Sabihin mo, anong nangyari sa Alexandria ng mawala ako?

Vishda: Sa pagbalik ninyo masasagot ang inyong mga katanungan, magigising kayo sa bagong Alexandria at lumipas na ang dalawampu't libong taon simula nang mawala kayo. Malalaman niyo rin ang dapat ninyong gawin dahil alam naming mga Diyos na hindi ninyo maaaring pabayaan ang Alexandria. Kayo lamang ang pag-asa ng lahat at makakapagpabago sa mundong ito, Kamahalan.

Biglang nagising si Vera sa tabi ng batis habang nakahiga sa malaking bato, napansin niya ang paligid na patay ang mga halaman at mga punong-kahoy. Naramdaman naman niya ang peligrong papalapit, itinago niya ang kapangyarihan para hindi siya maramdaman ng kahit sinong nilalang at pumunta sa likuran ng malaking punong-kahoy para alamin ang nangyayari sa paligid.

Vera: Nagising nga ako sa bagong Alexandria na punong-puno ng kaguluhan. Bakit mo pinabayaan na maging ganito ang lahat, Kaibigan?

Masama ang loob ni Vera kay Lord Devian na pinipigilan ang sariling kapangyarihan para hindi nito maramdaman ang pagbabalik niya. Sa kabundukan ng mga Sage, biglang nagising si Lord Devian na napahawak sa dibdib niya at napasuka ng itim na dugo.

AlexandriaWhere stories live. Discover now