Chapter 7

6 1 0
                                    

Nagtulungan ang mga Prinsepe para mapatumba ang malaking Mera nang biglang nagliwanag ito nang nakakasilaw kaya napaatras sila na nasisilawan. Naglaho ang liwanag at wala na rin doon ang Mera.

Javaid: Nasaan na ito?

Lumutang sa hangin si Vera dala ang mga itlog kaya natigilan sila.

Vera: May nangyayari sa mga Mera kaya sila nagliliwanag at kailangan magtago, tayo na habang wala pa sila bago nila maisip ang mga itlog na iniwan nila.

Evren: Tama nga sinasabi nila sa mga Eiranian na mabibilis mag-isip. Kung hindi ka man makukuha sa oras nang pagpili, kukunin kita bilang isa sa mga tagapagsilbi ko.

Javaid: Gagawin mo lamang siyang tagapagsilbi? Vera, sa akin ka na lamang sumama at gagawin kitang tagapamahala ng silid ko. Magagawa mo pa ang lahat ng gusto mo sa kaharian ng Avisania at hindi ka rin masusunog ng apoy doon.

Evren: Ginagalit mo ba talaga ako?

Pinigilan ni Vera si Lord Evren na lumapit kay Lord Javaid.

Vera: Maraming salamat sa inyo. Ngunit, hindi ko maaaring tanggapin ang mga trabahong inaalok ninyo. Dahil masaya na ako sa simpleng buhay kasama ang boung lahi ng mga Eiranian. Bumalik na tayo at malalim na ang gabi.

Ibinigay ni Vera ang mga itlog sa kanila habang pinigilan naman ni Lord Vardan si Lord Javaid na masama ang loob kay Lord Evren.

Vera: Nasaan nga pala si Esma? Napansin niyo ba siya?

Esma: Vera! Nandito ako sa itaas! Tulungan mo akong makababa dito!

Napatingin silang lahat sa itaas ng punong-kahoy at nandoon si Esma na mahigpit ang kapit sa itaas ng puno. Sa napakaraming sumali sa panahon ng pagpili, dalawampu na lamang sila ang naiwan. Nakakuha ang ilan sa mga pangkat ng tag-iisang itlog habang tatlo ang nakuha ng pangkat nina Vera.

Arion: Hindi na nakapagtataka kung nakakuha ng tatlong itlog ang pangkat nina Lord Vardan dahil sa kanilang mga kapangyarihan. Nagsama-sama ang mga tagapagmana ng trono sa iisang pangkat kaya nagawa ninyong makapasa sa unang pagsubok. Pinahanga ninyo kami.

Nagpalakpakan ang lahat sa kanila. Lumapit si Esma kay Vera na nahihiya sa lahat habang pinapalakpakan sila.

Esma: Vera, alam mo ba na mga maharlika ang mga kasama natin?

Vera: Oo, alam ko.

Esma: Paano mo nalaman? Iyon nga ang kanina ko pa gustong sabihin sayo.

Ngumiti naman si Vera sa tanong ni Esma na natigilan at napaisip.

Esma: Oo nga pala, talagang malalaman mo ang tungkol doon.

Humarap naman si Lord Vardan kay Lord Arion.

Vardan: Nagkakamali kayo, Lord Arion. Hindi kami ang kumuha ng mga itlog na ito kundi si Vera. Siya rin ang namuno sa amin para magkaisa kami at magtulungan na harapin ang mga Mera.

Natigilan ang lahat sa sinabi ni Lord Vardan na hindi makapaniwala.

Javaid: Totoo ang sinabi ni Lord Vardan. Kung hindi kami pinamunuan ni Vera, siguradong nasira na namin ni Lord Evren ang kagubatan dahil sa hindi namin mapagkakaunawaan. Patawarin niyo rin ako sa aking inasal, alam kong hindi dapat ganito ang kinikilos ng isang maharlika ngunit isa rin akong mandirigma ng aming Kaharian kaya naipapakita ko sa inyo ang ganitong ugali.

AlexandriaWhere stories live. Discover now