Chapter 11

5 1 0
                                    

Bago pumunta sa plasa ang lahat para sa huling pagsubok, naghahanda sila sa isang silid para makapagbihis ng mandirigmang sout para maprotektahan sila sa laban. Naghahanda si Vera sa isang sulok nang biglang binatukan siya ni Levana sa likuran kaya nawalan siya ng malay. Dinala siya nito sa masukal na kagubatan at inilagay sa ilalim ng malaking kahoy.

Levana: Sinasabi ko na nga ba, nagkukunwari ka lamang na ikaw ang Kamahalan. Hindi ikaw ang hinihintay ni Lord Devian kaya ito na ang magiging katapusan mo.

Biglang nagising si Vera na ikinagulat ni Levana kaya napaatras na lang ito.

Vera: Siguraduhin mo lang na hindi ako makakabalik nang buhay sa gagawin mo.

Ngumiti naman si Vera kay Levana na hindi makapaniwala. Biglang nagpakita si Lord Devian at itinira ng enerhiya si Levana kaya natapon ito ng malakas sa mga puno.

Vera: Gusto ko lamang makaharap ang isa sa mga magagaling mong mandirigma na may lihim na pagtingin sayo.

Devian: Malapit nang magsimula ang huling pagsubok, hindi mo dapat ito pinag-aaksayahan ng panahon. Alam kong matagal na silang may lihim na pagtingin sa akin ngunit mapapakinabangan ang mga tulad nila pagdating ng panahon.

Vera: Ginagamit mo ang nararamdaman nila upang paglingkuran ka, talagang wala nang mas hihigit pa sa kasamaan mo, Kaibigan.

Tinulungan ni Lord Devian si Vera na makatayo habang ngumiti naman sila sa isa't isa. Napatingin si Lord Devian kay Levana na nakatingin sa kanila.

Devian: Babalikan kita mamaya kaya humanda ka.

Naglaho sa itim na apoy si Lord Devian at Vera, natatakot naman si Levana dahli alam niyang matindi ang parusang ibibigay ni Lord Devian sa kanya. Papunta na si Vera sa plasa nang natigilan siya na napansin ang pagtawag ni Tandang Eythor sa kanya. Kinausap naman ni Vera si Lord Devian sa isipan na unang dumating doon.

Vera: Kaibigan, ilagay mo ako sa pinakahuling kalahok sa pagsubok at kailangan kong bumalik sa Andria.

Devian: Bumalik ka lamang kaagad.

Napansin naman ni Lord Devian si Lord Vardan na kakaiba ang kinikilos, nababalot rin ito ng itim na kapangyarihan.

Devian: Tila may ginawa ang masamang nilalang sa katawan ni Lord Vardan.

Vera: Kailangan ba na mangyari itong lahat sa ganitong oras? Alamin mo kung anong nangyayari sa kanya, babalik rin ako.

Kaagad na naglaho sa pulang apoy si Vera, ginamit naman ni Lord Devian ang kapangyarihan niya para alamin ang nangyayari kay Lord Vardan.

Devian: Amar, sigurado ka na ba sa naging pasya mo? Kukunin mo ang katawan ni Lord Vardan sa paglabas mo sa katawan niya?

Kinausap ni Lord Devian si Amar sa pamamagitan ng isipan pero hindi ito sumagot sa kanya, napatingin naman si Lord Vardan sa kanya na ngumiti lamang. Sa Andria, nagpakita si Vera sa loob ng silid habang naghihintay si Tandang Eythor sa kanya.

Tandang Eythor: Kamahalan, sinusunog ng mga kawal ng imperyo ang iba't ibang bahagi ng kagubatan at kinukuha ang mga pananim ng kanilang mga nasasakupan. Sabi ng isang mangangalakal na tumatakas kasama ang boung pamilya niya, nandito sila ngayon at nagpapahinga. Napakasama rin ng sitwasyon ng boung Terra sa utos ng Hari. Napakaraming inosenteng buhay ang nadadamay sa ginagawa nito.

Vera: Walang mangyayari sa kagubatan, Tandang Eythor. Ito ang tahanan ninyo at pinuprotektahan ito ng kapangyarihan ko. Tungkol naman sa ibang nilalang na nadadamay sa ginagawa ng kanilang makasariling Hari, wala na akong magagawa tungkol doon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 7 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AlexandriaWhere stories live. Discover now