Chapter 9

7 1 0
                                    

Dinala ng mga Sage si Lord Evren na walang malay para gamutin ito habang nagpatuloy naman ang pangalawang pagsubok. Tinawag ang pangalan ni Esma, kinakabahan naman itong pumunta sa gitna. Nagpakita ang lumulutang na apoy at naging nilalang ito na umaapoy ang boung katawan. Lumabas sa mga kamay nito ang dalawang malalaking sandata. Napatingin si Esma kay Vera na nakatingin lamang sa kanya, pumasok naman ito sa isipan niya.

Vera: Pantayan mo lamang ang kapangyarihan niya at kakayahan sa pakikipaglaban. Wag ka mag-alala, hindi nila mararamdaman ang totoong kapangyarihan mo.

Esma: Masusunod, Kamahalan.

Lumabas naman ang isang sandata sa harapan ni Esma at hinawakan ito, sumugod ang nilalang papunta sa kanya pero hindi siya natakot. Sumugod rin siya papunta sa nilalang kaya nagkasalubong sila sa gitna at ang mga sandata nila na nagkaroon ng malakas na enerhiya na kumalat sa boung paligid. Hindi naman makapaniwala ang lahat sa nasaksihan nila at napahanga kay Esma.

Javaid: Napansin mo ba na tila napakalaking ipinagbago ni Esma?

Vardan: Napansin ko rin ngunit nararamdaman kong mahina lamang ang kapangyarihan niya.

Javaid: Ngunit, marunong siyang makipaglaban. Hindi ba't matatakotin siya?

Vera: Hindi niyo naitatanong, inilagay kami sa isang bodega ni Lady Amirah na nasa dulo ng kabundukan at malapit sa kagubatan, dahil sa pagiging Eiranian namin. Hindi ito nagustohan ni Esma kaya hindi siya natulog boung gabi para makapaghanda sa laban na ito.

Javaid: Tila hindi madaling magalit ang mga Eiranian.

Vardan: Bakit hindi niyo man lang ito sinabi kay Lord Arion?

Vera: Sa tingin niyo ba, pakikinggan niya kami? Sa paningin nila, isa lamang kaming mga mababang nilalang na hindi nararapat sumali sa panahon ng pagpili.

Natahimik si Lord Vardan at Lord Javaid sa sinabi ni Vera. Biglang sinipa ng malakas ni Esma ang nilalang kaya natumba na lamang ito, nagpalakpakan naman ang ilan sa ginawa niya pero bumangon ito at tumira ng malaking apoy sa kanya. Napaisip naman si Esma na napatingin kay Vera. Mabilis ang kilos niyang tumalon palabas ng arena kaya hindi siya natamaan ng malaking apoy, natigilan naman ang lahat sa ginawa niya.

Arion: Hindi ka nakapasa sa pagsubok na ito.

Esma: Tinatanggap ko po ang pagkatalo ko.

Natigilan si Lord Vardan sa ginawa ni Esma at napansin naman niya ang mga tingin nito kay Vera na nasa tabil nila. Sumunod naman na tinawag si Lord Javaid, kaagad itong pumunta sa arena na malakas ang loob. Biglang nagpakita sa kanya ang elemento ng lupa na naging nilalang at lupa ang katawan nito. Hindi nagdalawang-isip na sumugod si Lord Javaid sa nilalang at tinapos niya ito gamit ang sariling sandata. Namangha ang lahat sa ipinakita nito kaya nagpalakpakan ang lahat ng tinapos nito ang nilalang.

Arion: Anong masasabi mo sa magiging alagad ko, Lord Devian?

Devian: Mahina ang diwa, walang pasensya, walang sariling istilo sa pakikipaglaban, hindi marunong makipaglaban at higit sa lahat, masyadong mataas ang tingin sa sarili.

Natahimik si Lord Arion sa sinabi ni Lord Devian.

Arion: Sa mga sinabi mo, tila hindi ka makakakuha ng alagad sa panahon ng pagpili. Wala man lang sa kanila ang makakapasa sa mga hinahanap mong katangian sa isang alagad.

Devian: May napili na akong magiging alagad kahit hindi pa nagsisimula ang panahon sa pagpili, hinihintay ko na lamang na matapos ang pagsusulit.

AlexandriaWhere stories live. Discover now