Just For Now

4 0 0
                                    

"To you who always make me feel special..."



"Hans Christian Oersted, James Clerk Maxwell,Mi---UGGHH!! "
I cant help but to let out a groan in so much annoyance. For the love of god! Kagabi pa ako nag rereview para sa veryyyyy long quiz namin para sa science about electromagnetism! At alam mo kung ano pa ang mas nakakainis dito? Yung gwapong ipis na pakanta kanta lang sa harapan mo na para bang nasa kanya na ang utak ni Albert Einstein at hindi nya na kaylangan pang mag review! Edi sya na ang magaling! Sya na ang matalino!
       
"its Michael Faraday right? One of the famous scientist who pioneered the idea about the relationship between electricity and magnetism also known as electromagnetism. "
Nag salubong ang kilay ko sa biglaang pag singit nya sa gitna ng review ko. While I can't stop myself from admiring him even more for his brain.

Humarap sya sa akin na may malaking ngisi sa muka nya. Mas lalong nag salubong ang mga kilay ko dahil sa nakaka bwisit nya muka.
kung hindi ka lang cute eh! Ipis na cute! Right! Ipis!

"wag ka ngang makulit! Distorbo ka sa tao eh! "
Bulyaw ko sa kanya pero imbis na masindak sa akin ay sukat ba namang tawanan pa ako?!

"mag relax ka nga! Mag kadugsong na naman yang kilay mo oh! " he said and laugh menacingly at ang walangya eh nakuha pang iunat ang noo ko na para bang pinag hihiwalay ang mga kilay ko.

Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa sistema ko ng dumampi ang kamay nya sa balat ko. I felt the sudden tinkling sensation inside my chest as my heart starts to pound my rib cage. What the hell?!

Just because of this peculiar feeling inside me I immediately shove his hand away from me and cleared the lump on my throat. Damn this man!

"w-wag ka nga magulo! " I tried to act as if I'm not bothered on his presence but my voice just betrayed me!
Mas lalo pang nag init ang muka ko ng marinig ko syang tumawa. Soft light chuckle. Pakiramdam ko sobrang pula na ng muka ko dahil sa init nito kaya mas pinili ko na lamang tumungo.

"you know what? I know you are pressured right now but whatever the result will be? Always remember that it will never change you. You're still the most awesome dude in this whole galaxy. "

Napaangat ang tingin ko sa kanya matapos mapukaw ng seryoso nyang pananalita. Wala na ang ngisi sa halip ay sinsirong mga ngiti nya na ang bumungad sa akin.
I smiled at him as well. This dude who never fail in making me feel special.

Isa lang ang masasabi ko. If Falling is lethal? Then I'm already 6 foot below the ground and this isn't fun.

It's lunch break already pero wala talaga akong ganang bumaba sa canteen. Parang tinutusok ng libo libong katana ang puson pababa sa mga hita ko sa sobrang sakit. Pakiramdam ko nga ay nag papawis na ako ng malalamig at ang dahilan ay ang buwanang cleaning operation sa l ng uterus ko. Hindi pa naman ako nakapag dala ng painkillers.

"uyy girl. Di kaba bababa? "
Tanong ng kaybigan kong si Ming. Pasimple na lamang akong ngumiti at umiling.

"okay ka pa ba? You look pale. "
She said with her sympathetic voice.

"don't mind me. "
I assured her with a smile and raised my thumbs. Tumango na lamang sya at nangakong bibilhan ako ng malamig para sa dysmenorrhea ko.

Nanatili lamang akong nakatungo sa lamesa at pilit na inaaalis sa pandinig ang tsismisan ng mga kaklase namin. And about this fucking feeling. Imposible. Pwede ba na mahalin ang isang tao in a short span of time? At isa pa palagi akong na bi bwisit sa kanya! Palagi! Yung tipong gusto ko syang sipain ng sobrang lakas hanggang sa mag makaawa na sya sa aking turukan na lamang sya ng anesthesia. Ganon ako kainis sa kanya! Pero bakit. Bakit ang bilis ng puso ko tuwing andyan sya. Nawawala ang inis ko. Sumasaya ako.
Ganon  ba yun?
Pero bakit sa kanya pa na imposibleng gustohin ako pabalik? at higit sa lahat
BAKIT KO BA INIISIP ANG LALAKING YUN?!

"oh" my heart made a somersault upon hearing his voice.

I look up at him. He's handing me a cup of chicken balls that he probably bought from the canteen with a paper bag.

"ano yan? " kunot noo kong tanong para naman kahit sa sarili ko ay masabi kong nasa akin parin ang angas ko.

"chicken balls? "
"i mean para saan? "
"ayaw mo daw bumaba dahil daw masakit ang tyan mo kaya binilhan na kita ng pagkain at gamot. "

Naikuyom ko na lamang ang kamao. Oo gusto ko sya. Gustong gusto pero tupang ina naman oh! Alam ko naman na hindi nya ako gusto! Pero bakit kaylangan nyang umasta na parang may pake sya?!

Kaybigan?! I don't need a friend kung kaybigan lang din naman!

"can I ask you something? "
Kakapalan ko na ang muka ko dahil kung hahayaan ko pa ang sarili kong isipin na gusto nya rin ako. Ako Lang ang masasaktan sa dulo.

"ano? Ang seryoso mo naman! "

"why are you doing this? "

"doing what? "

"this! Yung mga sweet gestures mo! Yung pagiging caring mo! Yung pag papakita sa akin ng magagandang bagay na naranasan mo! Yung pag paparamdam mo sakin na parang espesyal ako sayo! Kasi alam mo? You're not my father! My brother nor my boyfriend! Heck! You're not even a friend! So will you please stop being like that? Coz you're confusing me! And I hate it. "

I almost out of breath because of it. Napuno ng nakakailang na katahimikan ang buong paligid na pati yata mga kaklase ko ay nakikiramay sa isyu namin.

Alam mo yung pakiramdam ng nanghuhula? Ng sumusugal? Masakit.

"I'm sorry. " he said before leaving me.
And just with that, my shoulder crushed,my knees tremble as I hold my own tears back.

No, I'm not crying for a boy who can't love me back. NEVER!

Isang linggong walang paramdam nyemas.
11 in the evening and still my eyes we're wide open. Nah. Not that wide. Pugto na ito sa kaiiyak. Bakit kasi walang preno ang bunganga ko?!

Nakakahiya! I lost him! I lost him. Damn! Ano naman kung mawala sya?

Ang sabi ko hindi ako iiyak. But here I am with a puffy eyes staringat my phone 11 in the midnight waiting for his chat. Like good old times. Pero kahit anong intay ang gawin ko hindi sya nag message. Hiningi ko toh. Itinulak ko sya palayo. Dapat pa nga nag papasalamat ako eh. Dahil sya na yung lumayo para maputol ang confusion na bumabalot sa amin. Pero bakit ganito? Bakit hindi ko makuhang sumaya?

Akala ko dati happy crush lang hanggang sa lumalalim na pala. And it's hella painful.

Tama nga ata yung favorite author ko. A boy and a girl can never be a friend dahil sa huli may mahuhulog sa inyong dalawa. It's either him but most likely it'll be you.

Pinunasan ko ang luha ko at mulin tumingin sa screen ng cellphone ko ng bigla na lamang itong tumunog.

Someone is Calling me. Unregistered number. Sino naman ang tatawag sa akin ng ganitong oras?

I cleared my throat before answering

"hello? " wala na akong pake kung paos na ang boses ko mula sa magdamag na pag iyak at pag mumura sa sarili.

"you're crying. "

I almost lost it. That voice. Pano nya nakuha ang number ko?! AT BAKIT SYA TUMATAWAG SA AKIN NGAYON?!!

"im sorry if I made you cry. "
Tama na! Bakit ganan ka nanaman? You're making me miss you even more!

okay kalma. Nag sorry na sya sayo! Translation? Basted ka na! Baka may nakalimutan lang sya at ngayon nya lang na alala.

"Bakit ka tumawag? "

"labas ka. "
He said shortly. At ako naman itong si tanga na lumabas nga.

My jaw dropped when I saw numbers of meteors flying above me!
Ngayon nga pala ang meteor shower! I smiled subconsciously. I cried. Why so you have to show me these things?

"ang ganda diba? I hope it made you smile. Because, I want to watch your smile while sharing with you the prettiest thing in my life forever. "

My tears showered down my cheeks as I saw him waving his hand at me across the street.


"In this world, let me cherish you as mine.
Coz, in reality you're already holding...
            ... Somebody else's hand. "

Mistrin's Oneshot Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon