Wilcon
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na dumapo sa mukha ko, bastos.. naalala ko hindi ko pala naibaba ang kurtina sa kwarto.
Nagkusot ako ng mata tapos tinignan ang cellphone ko, nagulat ako nung makita na ang daming text nung number kahapon! 10 message ito what the hell?
Dulot ng pagkacurious ay inopen ko ito agad kahit hindi pa ko nagmumumog.
From: 09**********
good morning sunshine!
wake up we're going to work!
don't forget to eat your breakfast before you see me ok?
I badly wanted to see you
I just want to stare at you..
gotta go..
good morning again..
if you are confused about who am I
just call me..
your prince charming :)
What the heck?
Sino ka ba talaga??
To: 09**********
please tigilan mo na ko, nag ooverthink lang ako kung sino ka e, pwede mo kong ichat anytime pero magpakilala ka naman muna..
Sinend ko iyon upang malaman niya na hindi na ko natutuwa sa pa-mysterious effect niya. Pwede naman kasing magpakilala nalang ang dami pang ebas, napakahina niya namang pulis at hindi man lang siya naging matapang sa paglalabas niya ng tunay na siya sakin.
Ang hirap ma-confuse ok? Hindi madaling hulaan kung sino ba yung nagtetext na yun sakin, delulu akong tao at iniisip ko na si Sevastion ang isang iyon kahit napaka imposible..
Si Gio? Ewan?
Haist!
Pagkatapos kong maghanda ay sumakay na ko ng kotse, hindi ko pa naistastart ang makina ay nagvibrate nanaman ang cellphone ko.
From: 09**********
I can't tell you yet.. If I have a chance, I will introduce myself in person
Tumaas ang kilay ko.
To: 09**********
oh lagi namang may chance ah, bakit hindi mo ko lapitan sa table ko at ibulong sakin na ikaw itong nagtetext..
Hinintay ko ang text niya.
From: 09**********
can't I text you and being there for you? ngayon lang ako naglakas loob na itext ka pero itinataboy mo naman ako, pwede bang hayaan mo nalang ako na iparamdam sayo na I'm here.. a person you can lean on..
Nagbuntong hininga ako
To: 09**********
no feelings attached.. may iba akong gusto, at kung ginagawa mo man to sa'kin dahil may feelings ka, just stop..
From: 09**********
why? sino ba ang gusto mo?
Napataas naman ako ng kilay dahil sa tanong niya na 'yon, bakit ko naman sasabihin sakanya aber? e hindi ko nga siya kilala 'e, siraulo ata 'to..
To: 09**********
aba bakit ko naman sasabihin sa'yo? swerte ka nga't kinakausap kita kahit na stranger ka tapos may lakas ka pa ng apog magtanong kung sino 'yong gusto ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected Series#3: General Sevastion Peñaflorida
RomanceWilcon Castro is a mix signal enjoyer, he's a delulu, daydreamer police gay who wanted to have his prince charming. But his dream guy is always ignore his presence, even though Wilcon is always there for him when he cries, alone, and problematic, S...