Elena's POV
Kahapon ay pumunta ako sa clinic ni Tito. We talked about my cancer and what to do about it. He gave me prescription and remind me of the things I must do. May mga pagkain na 'di ko na ngayon pwede kainin na kinakain ko noon.
It'll be tough for me.
Ngayon ay naghahanda ako sa para pumunta sa recording company nina Mr. Lim. They called Philip last night at pinapapunta ako upang makausap sila ng masinsinan. Mamaya naman ng alas sais ng gabi ay may gig ako sa isang club.
They invited me to sing and I immediately grab the chance kung gusto ko talaga magkaroon ng pangalan dito sa Pilipinas at sumikat. Iyon naman talaga ang isa sa mga dahilan kaya umuwi ako dito sa Pinas.
At paano iyon nangyari? Well, someone posted my video of me singing at Melissa's birthday. I guess nafeature siya since anak ng businessman kaya naging usap-usapan iyon. Maraming nagshare at nagreact sa video. They even flooded the comment section. Kaya hindi ako makapaniwala nung ipakita iyon sa akin ni Philip.
Philip also told me that my latest music video reach 1M views that's why we decided to celebrate it later tonight. I'm going to invite Melissa later. Siguro ay sa mismong bar na lang din na iyon ko sila ililibre. Pasasalamat ko na din iyon para sa kanila dahil tinulungan nila ako sa ospital.
Also, nagdadalawang isip ako kung iimbitahan ko ba si Aki. He was the one who helped me back pero iniisip kong makikita ko siya ay hindi ko kaya. Baka kasi madulas ako at masabi kong gusto ko siya.
What's wrong with me?
I wore a formal attire. Maingat kong nipark ang sasakyan sa parking lot at sumakay sa elevator papuntang second floor. Nandoon kasi ang office ni Mr. Lim. As for Philip hindi ko na siya pinasama pa dahil alam kong pagod iyon kakaalaga sa akin.
Kinausap ko ang secretary ni Mr. Lim at sinabihan akong maghintay muna saglit dahil may kausap pa raw ito. Naupo naman ako sa gilid habang umiinom ng mango juice na hinain ng secretary niya.
I browse my phone and found Aki's number. Once lang ako nagpalit ng cellphone at lahat ng contacts ko ay nailagay ko dito mula sa dati ko. Iyon nga lang iba na ang number na gamit ko ngayon dahil pinalitan ito nung pumunta ako sa Texas.
I wonder kung ito pa din ba ang phone number niya. I still haven't decided if I'll invite him over later o wag na lang.
But then curiosity hits me kaya nidial ko iyon. Halos mabitawan ko ito nang sunod sunod itong nagring. Oh crap!
Napasapo ako sa noo ko, "Hello?" a husky monotone voice answered the phone.
Tangina ang macho niya pakinggan.
"H-hi Aki. . ." I stuttered. "You busy later?" mariin akong napapikit.
"Prank ba 'to?" rinig kong umiba ito ng posisyon. Siguro ay nasa higaan pa. "Bwisit ka aga aga nagpprank call. Ganto na ba ang mundo ngayon?" he murmured and breathe a deep sigh as if he's disappointed.
Tinakpan ko ang bibig kong natatawa. He's hot. "Pinagsasasabi mo?! It's Elena! I'm asking you if you're free tonight! If you're not then bye!" sunod sunod kong sabi.
I was about to end the call when he answered, "Elena? As in the sadist Elena? Oh God. Yeah, I'm free later san tayo? Sa hotel mo?"
My brows furrowed. Anong hotel ang pinagsasasabi nito. Aba't gago 'to ah! "Tangina mo! Ayusin mo 'yang utak mo na kinakalawang na at maluwag ang turnilyo. Hotel my foot." I responded. " I'll text you the address. Tsk." napailing na lang ako.
Kahit kailan talaga madumi ang utak no'n. Doctor pa naman siguro ay ilang beses na niyang ginanito mga pasyente niya. Iniisip ko pa lang na habang may inooperahan siya ay kung ano ano na ang pumapasok sa ulo niya. Tch.
YOU ARE READING
The Things I Never Did Before
AcciónBeing able to achieve everything she wants, she works really hard to reach her goals. Having the fame and fortune everyone wants she couldn't ask for more. Elena Almeida- a successful singer songwriter who is still grieving for her late grandfather...