CHAPTER I

84K 869 24
                                    

"Tumakas ka na!" sigaw ni Agent Romero kay Derek.


"Hindi puwede hindi kita puwedeng iwan dito. May sugat ka." Pagmamatigas niya


"H-indi ka puwedeng mamatay, importante ka sa amin. Huwag nang matigas ang ulo. Kahit ngayon lang makinig ka sa akin. Kaya ko ang sarili ko." Pakiusap na nito.


"Sige pero babalik ako, hihingi ako ng tulong." Halos maiyak na siya dahil alam niyang hirap na ito sa tama ng baril sa may hita. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit ito nagpapaiwan dahil magiging mabagal lang ang pagtakas at maabutan lang sila ng mga humahabol sa kanila. Kaya kahit labag sa loob umalis siya para iwan ito.


Hindi pa siya masyadong nakakalayo ng marinig niya ang putok ng mga baril. Nagmadali siya sa pagtakbo. Huli na para bumalik o magsisi sa ginawa. Ang kailangan niya makalayo pagkatapos ay humingi ng tulong. Kahit di niya alam ang direksyong tinatahak walang lingong-liko siya sa pagtakbo. Nakasalalay ang buhay niya dito. Hindi siya puwedeng mamatay ngayon. Hindi pa siya handa.


"Pinsan gising na malapit na tayo." Tapik sa kanya ni Jon. "Sarap ng tulog mo ah."


Dahan-dahan na dinilat ni Derek ang mga mata. Tumingin siya sa pinsan na nagdadrive. Ito ang sumundo kanina sa kanya sa airport. Halos dalawang oras pa lang siyang nakakabalik sa Pilipinas. Kahit siya nga halos hindi pa makapaniwala na he really is back.


"Ilang taon na nga ba mula noong umalis ka?" tanong nito.


"Six years." Maiksi niyang sagot. Anim na taon na mula ng umalis siya ng Pilipinas at namalagi sa Amerika yon ay sa kahilingan na rin ng kanyang ama. Pumayag naman siya agad dahil gusto niyang makatakas sa mga bangungot na siya rin naman ang may kagagawan. Sa Amerika he found temporay relief at naipagpatuloy niya ang buhay kahit papaano.


Ngayong nagbalik na siya, napanaginipan na naman niya ang ginawa niyang pagtakas sa mga humahabol sa kanya noon. Kahit namatay na ang mga nagtangka sa buhay niya hindi pa rin siya tuluyang makalaya sa mga bangungot.


"Kumusta na ang Papa? Tanong na lang niya sa pinsan para maiwasang isipin ang nakaraan.


Ayon hinihintay ka na. Excited na iyon. Will you be staying here for good?"


"Hindi ko pa alam. Pinagbigyan ko lang ang Papa sa pakiusap niyang magbalik ako." sagot niya dito pero ang totoo ay may plano na siyang magbalik noon pa dahil may gusto siyang asikasuhin, isang unfinished business.

"Well i'm glad youre back pinsan. Hininto na nito ang sasakyan. "We're here."

Bumaba na siya ng sasakyan. Isang malaking maleta at balikbayan box lang naman ang dala niya.


"Sige pinsan may lakad pa ako. Kumusta mo na lang ako kay Tito." Paalam nito.


"Sige ingat sa'yo date mo." Biro niya dito. "At salamat sa paghatid." Tumango lang ito at ngumiti pagkatapos ay pinaharurot na ang sasakyan.


Dangerously in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon